”Ikaw…” Nanggagalaiti si Maxine. “Ngayon na!” Utos ni Madelyn.Mabilis na kumilos ang Four Guardians. Bago pa man makapag-react si Maxine, tinapik na nila ang kanyang mga acupoint at pinigilan ang daloy ng kanyang True Energy, na pumalarisa sa kanya. Ngumisi si Madelyn at sinabi, “Maxine, dapat ay alam mo na ayaw ni Mr. Gabriel sa mga sagabal sa kanyang mga plano. Ayaw niya na makahanap ng tulong ang mga Caden.”Hindi maigalaw ni Maxine ang kanyang katawan. Pinanlisikan niya si Madelyn at tinanong, “Hindi ba’t siya ang iyong guro? Bakit Mr. Gabriel ang tawag mo sa kanya?” “Haha,” humagikgik si Madelyn.Hindi niya ipinaliwanag ang kanyang sarili at simpleng kinawayan lang ang Four Guardians na katabi niya. Tumango ang apat at mabilis na umalis. Dahan-dahan na lumapit si Madelyn kay Maxine. Hindi mapaikot ni Maxine ang kanyang enerhiya dahil silyado ang kanyang mga acupointsTinaas ni Madelyn ang baba ni Maxine at sinabi ng nakangiti, “Ang ganda mo namang babae. Kung lala
Sa may bundok, ang siga ay may apoy pa din. Dalawang taong hubad ang nakahiga sa may lupa. Ang lalaki ay nasa ilalim habang ang babae ay nakahiga sa ibabaw nito. Pareho silang walang saplot, at ang kanilang posisyon ay talagang malapit. Ramdam ni Maxine ang labi ni James sa kanyang pisngi, at namumula naman ang kanyang mukha. Gusto niyang tumayo ngunit hindi siya makagalaw. Hindi rin makagalaw si James. Ang magagawa lang niya ay ang yakapin si Maxine. Nararamdaman niya ang init ng katawan ni Maxine. Pareho silang nahihiya sa kanilang sitwasyon at nanatiling tahimik. Nabalot ng nakakailang na katahimikan ang paligid. Mabagal na lumipas ang oras. Ang dalawa ay nanatili sa ganung posisyon sa loob ng tatlong oras. Makalipas ang tatlong oras, napagtanto ni Maxine na nakakagalaw na siya at tumalon paalis kay James. Pagkatapos, pinulot niya ang kanyang mga damit at tinakpan ang kanyang katawan nito. Ang kanyang mga damit ay punit-punit at hindi na pwedeng suotin. Pwede na
Sa kasalukuyang sitwasyon, hindi sigurado si James kung ano ang gagawin. Pagkatapos umiyak ng mga ilang sandali, huminahon na si Maxine. Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha habang nakaupo siya. “Anong iniisip mo?” Nang makita niya na malalim ang iniisip nito, nagtaka tuloy si James. “Kakaiba kasi ito,” Bulong ni Maxine.“Ano?” Naguluhan si James. Mahinang sinabi ni Maxine, “Alam ni Lolo na lilitaw si Madelyn sa Mount White. Nung una, sinabihan niya ako na huwag mangialam dahil alam niya na hindi ka niya papatayin. Alam niya na ang buhay mo ay wala sa peligro, pero hindi nagtagal, pinayagan niya ako na hanapin ka.”Tiningnan ni James si Maxine at tinanong, “Anong kakaiba dito? Hindi ba’t inutusan ka niya na ibigay sa akin ang mga martial art manuals?”“Ikinalulungkot ngunit isa lang akong palusot.” Buntong hininga ni Maxine. Kilala niya ng lubusan si Tobias. Kahit na wala itong intensyon na lumaban para sa pamumuno, metikuloso naman ito. Lagi nitong pinag-iisipan ng maay
Sa labas, meron siyang walang humpay na karangalan. Subalit, ang totoo, wala siyang katayuan sa pamilya at isa lamang kagamitan. Tanong ni James, “Kung ganun, ano ang dapat nating gawin ngayon?”Bumuntong hininga si Maxine. “Ikinalulungkot ko ngunit pinadala ako dito ni Lolo para protektahan ka dahil alam niya na hindi ka lubos na nagtitiwala sa mga Caden. Gusto niyang gamitin ako para maramdaman mo na kabilang ka sa mga Caden. Iyong ang dahilan kung bakit pinayagan niya akong pumunta sa pag-asang may mangyari sa ating dalawa. Kasabay nito, mananatili siyang merong koneksyon sa mga Blithe. Kahit na ikalat ni Madelyn ang mga larawan, susubukan pa din niya na matuloy ang kasal. At, kung hindi ito mangyari, iisip na lang siya na paraan para magkaroon ng hidwaan ang mga Blithe at si Mr. Gabriel.”Nakinig ng maigi si James. Kahit na mga hula lang ito ni Maxine, may katwiran naman ang mga ito.“Huwag kang mag-alala. Kikilos ako ng paisa-isang hakbang.” Niyakap ni Maxine ang kanyang ba
Malalim ang iniisip ni Maxine habang tinatahi ni James ang kanyang damit. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip, nabigo siyang mapansin na lumingon si James. Nakatitig na si James sa kanya ng mga ilang sandali na din bago siya natauhan. Napalunok ng laway si James at sinabi, “T-Tapos na ako.”Kaagad na kinuha ni Maxine ang kanyang mga damit at tumalikod, na naglantad sa makinis niyang likod kay James. Ang tanawin ng kanyang pwet ang kaagad kumuha ng atensyon ni James. Ito ay napakatambok.Huminga siya ng malalim at pinilit na pigilan ang kanyang makamundong pagnanasa.Mabilis na nagbihis si Maxine. Pagkatapos na kumalma ni James, kinuha niya ang kanyang damit at sinuri ito. Masusuot pa ang mga ito kapag tinahi niya ito. Pagkatapos, sinimulan na niyang tahiin ito. At sa loob lamang ng ilang oras, nakadamit na din si James. Pagkatapos makapagbihis, ang dalawa ay naupo sa paligid ng apoy ng tahimik. Hindi ito isang pangkaraniwang pangyayari dahil wala sa kanila ang kumi
Ang haba ng gabi, at mabagal ang takbo ng oras. Nilabas ni James ang mga martial arts manuals na dala ni Maxine at sinimulan basahin ang mga ito.Kinopya ni Tobias ang mga ito mula sa library ng mga Caden para sa kanya. May tatlong set ng martial techniques lahat-lahat.Ang una ay tinatawag na Flurry Steps; Ang pangalawa naman ay Dominating Fist; Ang ikatlo ay ang Cyclone Punch. Sinimulan basahin ni James ang mga manual ng maigi. Minulat ni Maxine ang kanyang mga mata nung napansin niya na hindi na nagsasalita si James. Nakita niya ito na binabasa ang mga manual at tinanong, “Aling mga manual ang binigay sayo ni Lolo?”Bumalik ang ulirat ni James at sinabi, “Pinahagingan ko lang mga ito. May tatlong martial art techniques. Ang isa ay ang Flurry Steps, ang isa ay ang Dominating Fist, at ang huli ay ang Cyclone Punch.”Pagkatapos marinig ang mga pangalan nito, tumungo si Maxine at sinabi, “Hindi na masama. Ang mga ninuno ng mga Caden ang nagpamana ng tatlong martial art manuals
Ngayon, may ideya na si James na ang nabigong plano mula pa noong nagdaang siglo ay isang plano upang sakupin ang mundo gamit ang lason ng Gu. Ang nangunguna dito ay ang mga Maverick, isa sa tatlong pinakamakapangyarihang pamilya ng Gu sect. Syempre, hindi lang sila ang sangkot dito. Malamang marami pang ibang pwersa ang sangkot sa planong ito. Para naman sa kung paano napigilan ang plano at ano ang sikretong tinatago nito, kahit si Maxine ay hindi ito alam. Ngayon, muling nagbabalik ang plano mula noong nakalipas na siglo. Kailangang mapigilan ang mga taong sangkot dito. "Oo nga pala, anong balak mong gawin sa lahat ng kayamanang 'to?" Nagtanong si Maxine. Nagkibit-balikat si Maxine at sinabing, "Hindi ko inasahan na susubukan akong pigilan ni Madelyn, ang taong namamahala sa Centennial Corporation. Ngayon umalis na ang Blithe King at ang mga helicopter, mahihirapan tayong dalhin ang mga ginto na 'to." Napaisip si James. Paglipas ng ilang segundo, nagpatuloy siya,
”Tanging ang Universal Hospital lang ang may problema. Ayos lang ang lahat sa ngayon.” “Mabuti ‘yan.” Nakahinga ng maluwag si Maxine.“Oo nga pala, sino ba talaga si Mr. Gabriel?” Ang tanong ni James. Umiling si Maxine. “Hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam kung anong buong pangalan niya. Narinig ko lang kay lolo na napakalakas niya. Nasa sixth rank na siya. Hindi ko alam kung naabot na ba niya ang seventh rank o hindi pa.” Nagdilim ang ekspresyon ni James. Hindi niya inasahan na ganun kalakas si Mr. Gabriel. Nanatili siyang tahimik at nag-isip. Pagkatapos nilang maghintay ng halos dalawang oras, sumakay sila sa eroplano at bumalik sa Capital. Alasais na ng umaga noong dumating sila.Habang naglalakad sila palabas ng paliparan, nagtanong si James, “Babalik na ba tayo agad sa mga Caden?”“Oo.” Tumango si Maxine. “‘Yun ang plano.”Pagkatapos, tumawag siya ng taxi, at sumakay silang dalawa.Bandang ala syete ng umaga, nakarating sila sa front gate ng mansyon ng mga Caden. Mar