Hindi nangahas si Maxine na magsalita. Habang nakaluhod siya sa lupa, niyuko niya ang kanyang ulo sa hiya at hinintay niya ang parusa ni Tobias. Galit na galit si Tobias, at inangat niya ang kanyang palad kung saan niya inipon ang kanyang True Energy. Gayunpaman, hindi niya nagawang atakihin si Maxine. "Hayy…" Paglipas ng ilang sandali, bumuntong-hininga si Tobias at binaba niya ang kanyang kamay. Sinubukang tulungan ni James si Maxine, ngunit tinanggihan niya siya. Hindi siya nangahas na tumayo ng walang permiso ni Tobias. Tumingin si James kay Tobias, na may galit na ekspresyon pa rin sa kanyang mukha, at sinabing, "Walang kinalaman si Maxine dito. Kasalanan 'tong lahat ni Madelyn. Hindi mo dapat ibuhos ang galit mo sa kanya." Kinumpas ni Tobias ang kanyang kamay at bumuntong-hininga siya. "Sige na. Makakatayo ka na." Tumayo si Maxine at nanatili siyang tahimik. Pagkatapos, sinabi ni Tobias na, "Makakaalis ka na." "Masusunod." Tumalikod si Maxine at umalis.
Kung sabagay, maraming mga martial artist sa Sol ang nasa fifth rank na. Ang sabi ni Tobias, "Kahit na maliit na bagay lang ito, may pag-asa ka. Tsaka, baka nga maabot mo pa ang sixth rank kung magsiskap ka. May tiwala ako sa'yo, James. Nasa mga kamay mo ang kinabukasan ng mga Caden." "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko." Hindi nangako ng kasiguraduhan si James. Wala siyang magagawa kundi ibigay ang lahat ng makakaya niya sa pagkucultivate sa susunod na dalawang buwan at maghanap ng paraan upang maabot ang fifth rank. Sa ganoong paraan, bukod sa magkakaroon siya ng kakayahan na depensahan ang kanyang sarili, magagawa rin niyang maresolba ang kasalukuyang krisis na kinakaharap ng mga Caden. Gayunpaman, hindi niya kayang pagkatiwalaan ng buo si Tobias. Kahit na mukha siyang isang mapagmahal na matanda sa labas, takot sa kanya si Maxine. Marahil ito ay dahil sa alam niya ang tunay na pagkatao ni Tobias. Kung hindi, hindi sana siya aasal ng ganun. "Nabasa mo na ba ang mga
Umalis si James sa mansyon ng mga Caden. Gayunpaman, hindi siya nagmadaling bumalik sa Cansington. Nasira ni Madelyn ang plano niya. Hindi sapat ang kapital na nakuha niya mula kay Blake upang labanan ang Centennial Corporation. Kailangan niyang puntahan ang Hari at humingi ng pera. Kaya naman, nagtungo siya sa Peace Mansion. May ilang mga sundalo na nakabantay sa labas ng Peace Mansion. Noong sandaling dumating si James, isang sundalo ang lumapit sa kanya at sumaludo, "Greetings, Dragon King." "Mhm." Tumango si James. "Gusto kong makausap ang Hari." "Wala siya sa Capital sa ngayon. Nagpunta siya sa isang overseas business trip." Noong marinig niya iyon, sumimangot si James at nagtanong, "Nandito ba si Gloom?" Nagtaka ang sundalo at nagtanong, "Sino si Gloom?" "Hayaan mo na, kalimutan mo nang nagpunta ako dito." Umalis na si James. Dahil si Gloom ang personal bodyguard ng Hari, kaunti lang ang nakakaalam ng tungkol sa kanya. Maging ang mga bantay ng Peace
Makikita ang pagkamuhi sa mukha ni Sebastian. "Sunud-sunuran lang siya sa Blithe family. Dahil lamang sa suporta ng pamilya kaya siya naging commander-in-chief ng Blithe King army. Pwede namin siyang alisin sa posisyon niya anumang oras namin gustuhin." Noong marinig niya ito, nanahimik si James. Base sa maikling pag-uusap nila, may ideya na siya kung ano ang katayuan ng Blithe King sa kanilang pamilya. Habang nakatingin siya sa courtyard sa harap niya, naglakad si James papasok. Sa isang rest area ng courtyard… Isang lalaki at babae ang masayang nag-uusap. Nasa labing walong taong gulang na ang babae. Mahaba ang kanyang buhok at bahagyang natatakpan ng buhok ang kanyang noo. Lalo siyang nagmukhang bata dahil dito. Ang lalaki naman ay nasa bandang dalawampung taong gulang na. Mahaba ang kanyang buhok at nakasuot siya ng malaki at puting coat. Nakilala ni James ang babae. Siya si Madelyn. Napahinto siya sandali. Pagkatapos, naglakad siya palapit sa kanila at umu
Bago pa makakilos si James, tinamaan ang kanyang acupuncture point. Hindi siya makagalaw, nakaupo siya sa bangko at tumingin siya ng masama kay Flynn, na kasalukuyang nanggagalaiti sa galit. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Flynn?”“Hmph!” Suminghal si Flynn. “Dalhin niyo siya sa Western border. Sabihin niyo kay Tobias na dalhin niya doon si Maxine para personal na humingi ng tawad.” Naramdaman ni James na may nagtakip sa ulo niya ng isang itim na tela. Pagkatapos, nagdilim ang kanyang paningin at binitbit siya ng mga tauhan ni Flynn. Tumingin si Madelyn kay Flynn. Noong nakita niya na galit na galit pa rin siya, sinubukan niya siyang pakalmahin. “Hindi mo kailangang magalit dahil sa ganito kasimpleng bagay.”“Anong alam mo?” Ang tanong ni Flynn. Umupo siya at sinabing, “Ilang daang taon nang hindi nagkakaroon ng Great Grandmaster sa ancient martial world ng Sol. Ang martial art conference, na gaganapin sa loob ng ilang buwan, ang pipili ng bagong Great Grandmaster.“Sa mga
"Tumabi kayo." Ang sabi ni Flynn pagbaba niya mula sa convoy. Pagkatapos, tinaas niya ang kanyang palad, at bumugso ang enerhiya mula dito. Agad na bumagsak sa lupa ang mga guwardya ng mga Caden. Naglakad si Flynn palapit sa gate, at sinipa niya ito ng malakas. Slam! Bumukas ang gate. "Lumapit ka dito, Tobias." Sumigaw siya ng malakas pagpasok niya sa courtyard. Nakuha nito ang atensyon ng marami. Sa isang iglap, lumabas ang karamihan sa mga miyembro ng mga Caden. Pagkatapos, nagpakita si Tobias. Tumingin siya kay Flynn, na nasa courtyard, kasama ang mga armadong lalaki na nasa likod niya. "Ama." "Lolo." Magalang na binati ng mga Caden si Tobias. Lumapit si Tobias kay Flynn at nagtanong siya ng nakangiti, "Anong problema, Mr. Blithe? Anong ikinagalit mo?" Ang sabi ni Flynn, "Huwag kang magpanggap na inosente, Tobias. Kumalat ang mga larawan nila Maxine at James. Nandito ako para sabihin sa'yo na dinala namin si James sa Western border. Inutusan ako ng tata
Muling inangat ni Tobias ang kanyang binti at sinipa niya ng malakas si Maxine. Muling tumalsik si Maxine sa pader. Gumuho ang pader sa lakas ng pagtama ni Maxine dito, at natabunan siya ng mga gumuhong bahagi ng pader. Subalit, bilang isang martial artist, hindi malubha ang naging pinsala sa kanya nito. Pinilit niyang gumapang mula sa ilalim ng gumuhong pader. Noong sandaling iyon, magulo na ang buhok niya, at duguan ang buong katawan niya. Lumuhod siya sa lupa at hindi siya nangahas na magsalita. Huminga ng malalim si Tobias at sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili. "Dinala ng Blithe family si James sa Western border. Ayusin mo ang gulong ginawa mo. Huwag mong idamay ang pamilya natin." Suminghal si Tobias at umalis. Pag-alis niya, bumagsak si Maxine sa sahig. Sinubukan niyang punasan ang bakas ng dugo sa kanyang mga labi. Pagkatapos, napuno ng luha ang kanyang mga mata. Tumulo ang mga ito pababa sa kanyang mga pisngi. Maririnig ang kanyang pag-iyak mula
Kinagat ni Maxine ang kanyang mga labi. Gusto niyang iligtas ni Tobias si James. Subalit, natatakot siyang ipahayag ang kanyang opinyon. Kung sabagay, buo ang loob ni Tobias tungkol sa hindi pagsunod sa mga kondisyon ng mga Blithe dahil nangangahulugan ito ng pagtalikod sa reputasyon ng kanilang pamilya. Ngayong nagalit sa kanila ang mga Blithe, nagdesisyon si Tobias na kalabanin na lang sila. Ang pagpasok niya sa closed-door meditation ay isang senyales nito. Balak niyang kumilos laban sa mga Blithe sa martial arts conference. Mag-isang nakaupo si Maxine sa courtyard. Paglipas ng ilang oras, tumayo siya at umalis. "Sandali lang."Bago siya makaalis, lumapit sa kanya si Bobby at ang ilang mga kabataan mula sa mga Caden at hinarangan nila ang daanan niya. Niyuko ni Maxine ang kanyang ulo at sinabing, "Bobby…" "Manahimik ka." Nagdilim ang mukha ni Bobby. Pagkatapos, hinawakan niya sa buhok si Maxine at sinampal niya ang kanyang mukha. Smack! Malinaw at malutong ang