Si Cynthia ay nasa Cansington pa din. Kailangan niyang higupin ang Cold Energy mula sa katawan nito para i-cultivate ang kanyang True Energy.“Hindi pa ako babalik ng Capital sa ngayon. Kailangan ko munang bumalik ng Cansington,” sabi niya. Tiningnan siya sandali ni Tobias at tumango, saka sinabi, “Mag-ingat ka kung ganun.”Pagkatapos niyang sabihin ito, tumalon siya, na may saklaw ng ilang dosenang metro. Sa loob lamang ng ilang segundo, ilang daang metro na ang layo niya. “Umalis na din tayo,” sabi ni Maxine. “Hindi pa pwede,” sabi ni Thea. “Ja… Honey, pumunta si Lolo dito para maghanap ng Sacred Fire Fig. Nahanap din niya ito, pero nagpakita ang Gu Devil bago pa man niya makuha ito.”“Kalimutan mo na tungkol dun. Bumalik na tayo. Hindi pa nakakaalis ang Gu Devil. Kapag nanatili pa tayo dito, baka bumalik siya. Nakaalis na si Lolo at wala tayong laban sa kanya.” “Ah, tama…” Nag-isip sandali si James at nagtanong, “Ano ang rango ni Tobias? Bakit mabilis na tumakas ang Gu
Masaya din si James dahil si Thea ay meron nang third-rank Internal Energy. Ngayon, mapapanatag na siya at tumigil na sa pag-aalala na baka mapahamak ito.Sa halip na sagutin si Thea, nilingon niya ang kuweba at tinitigan ang bukana nito. Naunawaan kaagad ito ni Thea at tahimik lang na tumayo ng hindi na nagtanong pa. “Haa…” Napabuntong hininga na lang si James. Nung nagpakita ang lalaking pinaghihinalaan na lolo niya, tuwang tuwa siya at nababagabag. Tuwang tuwa siya dahil buhay pa ang lolo niya. Sa kabaliktaran, nag-aalala siya na baka ang lolo niya, na gaya ng paglalarawan nila Tobias at Maxine sa kanya, ay isang masama at walang kapatawaran na demonyo. Ang hiling ni James ay ang mahanap niya ang kanyang lolo at malaman ang katotohanan mula sa kanya. Gusto niyang marinig mula dito mismo na hindi siya kagaya ng sinasabi nila. Subalit, nahulog sa bangin ang kanyang lolo pagkatapos nilang magkita. Kahit na nakita niya itong nahulog, walang lakas si James para pigilan ito.
Narinig na ni James ang tungkol sa pangyayaring ito mula kay Blake. Alam din niya na ang Gu Sect ay binura ng Hari ng Sol nung panahon na iyon sa tulong ng ilang mga martial artists. Gayunpaman, tipikal na ito. Simula pa noong unang panahon, ang mga tao na may malaking ambag sa bansa ay pinapatay kapag may isang bagong dinastiya at hari ang naupo sa kapangyarihan.Nakatitiyak si James matapos marinig ang sinabi ni Thea na ang kanyang lolo ay hindi isang masama at walang kapatawaran na demonyo. Nabansagan lang siya na masama dahil ang martial arts na pinag-aaralan niya ay hindi pangkaraniwan. May tumambangan din sa kanya, na naging dahilan para magkaroon siya ng Energy deviation, at doon nangyari ang mga pagkakamali. Ang dalawa ay patuloy na nag-usap tungkol sa maraming bagay. Hindi nagtagal ay nakabalik na si Maxine. Bumalik siya na may dalang ilang pulang prutas, na hindi naman ganun kalaki. Kasing laki ng kamao ang mga ito, kulay pula, at mukhang mga nagbabagang bola ng apoy
Naglakad pabalik ang tatlo sa parehong daan.Sa pag-asang makahanap ng signal, tinaas ni James ang kanyang phone habang naglalakad. Sa kasamaang palad, walang signal ang mga mobile phone sa lugar kung nasaan sila.Pagkatapos nilang maglakad sa loob ng napakahabang oras, sa wakas ay narating na nila ang kotse.Dahil hindi pa rin makahanap ng signal si James, wala silang ibang pagpipilian kundi ang umalis.Alas otso na ng gabi noong nakarating sila sa Harvin City.Pagkatapos, kumain ng hapunan ang tatlo at nagcheck-in sila sa isang five-star hotel.Sa reception ng hotel.Tumingin si James sa dalagang nagtatrabaho bilang isang receptionist sa front desk at sinabing, “Kailangan namin ng tatlong kwarto.”Agad siyang itinama ni Thea. “Dalawang kwarto.”Lumingon si James kay Thea ng may pagtataka sa kanyang mukha.Kumapit sa kanya si Thea at malambing na tumingin sa kanya. “Mag-asawa tayo. Bakit kailangan natin ng hiwalay na kwarto?”Tumingin ang receptionist kay James at kinumpirm
"Hello, sino 'to?" Isang paos na boses ang sumagot sa phone. "Si James 'to. Nasa North ako ngayon at may kailangan akong hingin na pabor sa'yo." Sinabi ni James ang pakay niya. Masayang sumagot si Mr. Walker. "Hahaha, James! Matagal na kitang gustong makainuman, pero hindi ako makaalis sa Northern Borders. Kamusta? Anong pabor ba ang kailangan mo?" "Nasa Harvin City ako ngayon at kailangan kong hanapin ang isang tao sa underground cavern sa Mount Arclens. "Tumawag ako para itanong kung pwede ba akong humiram ng ilang kagamitan mula sa'yo," Pinaliwanag ni James ang intensyon niya kay Mr. Walker. "Nasa Harvin City ka ngayon? Pupuntahan kita. Sabihin mo sa'kin kung ano ang kailangan mo ng personal."Ang Centurion ang nagbabantay sa Northern Borders, at matatagpuan ang Harvin City sa North. Dalawang oras lang ang biyahe papunta sa siyudad mula sa military region. "Sige." "Sige, magkita na lang tayo mamaya.""Sige." Binaba ni James ang phone. Pagkatapos, naglabas siya
Masusing pinag-isipan at sinuri ni Maxine ang lahat habang pabalik sila sa siyudad. Gusto lang niyang ipaalam ang mga nasa isip niya, at hindi niya intensyon na gumawa ng gulo sa pagitan nila James at Thomas. Gulong-gulo na ang isipan ni James at lalo lamang lumala ang nararamdaman niyang pangamba noong marinig niya ang mga sinabi ni Maxine. "Naniniwala ako sa lolo ko gaya ng paniniwala mo kay Tobias. Tapusin na natin ang usapan na 'to dito. Pag-iisipan ko ang tungkol dito pagbalik natin."Kahit na may mga pagdududa pa rin siya, pinili pa rin niya na maniwala sa lolo niya. Tumingin ng masama si Thea kay Maxine at mayabang siyang nagsalita, "Tapos ka na ba? Pwede ka nang umalis kung tapos ka na. Gagawin namin kung anong ginagawa ng mga mag-asawa. Huwag mong sabihin na gusto mo kaming panoorin?" Tinikom ni Maxine ang kanyang bibig, hindi na siya nagsalita, at umalis na siya. Pag-alis niya, agad na kumapit si Thea kay James. "Mahal, hindi ka naniniwala sa mga sinabi niya, 'di
Ang taong nasa unahan ay isa sa Five Commanders, ang Centurion of the North, si Mr. Walker. Sa North, katumbas ng isang diyos ang posisyon niya. Hindi man kilala ng mga tao sa labas ng rehiyon ang pangalan niya, alam ng lahat ng taga North kung sino siya. Napanganga ang receptionist noong nakita niya na pumasok siya sa hotel. 'Anong nangyayari? 'Una, nakita ko ang Black Dragon, at ngayon dumating naman ang Centurion.'Pagkatapos niyang pakalmahin ang kanyang sarili, agad niyang nilapitan ang Centurion at magalang niya siyang binati. "Magandang gabi, Commander. Anong maitutulong namin sa'yo?" Nagtanong ang Centurion, "Saang room si James?""N-Nasa 308 siya." Hindi na nagsalita pa ang Centurion at umakyat na lamang siya. Tok! Tok! Tok! Naantala ang pag-iisip ni James noong biglang may kumatok sa pinto. Noong mahimasmasan siya, tumayo siya at nagpunta siya sa pinto. Agad siyang pinigilan ni Thea. Nilagay niya ang kanyang kamay sa dibdib ni James, at sinabi na, "Mahal
Sa Mount Arclens. Ilang mga helicopter ang lumilipad sa ere.Dahil sa kawalan ng patag na lupa sa tuktok ng bundok, hindi makalapag ang mga helicopter at napilitan silang magpalutang-lutang sa isang pwesto habang bumababa ang mga sakay nila.Bumukas ang pinto ng helicopter, at niladlad pababa ang mahahabang lubid sa gilid ng pinto. Di nagtagal, bumaba ang mga lalaking nakauniporme dala ang ilang mga kagamitan.Tumingin sa baba si James mula sa helicopter.Halos 50 metro ang taas nila mula sa lupa. Kahit na nasa rurok na ng first rank si James, siguradong mamamatay siya kapag tumalon siya pababa mula sa ganoon kataas na lugar.Itinali niya ang lubid sa kanyang sinturon, tumalon siya mula sa helicopter, at mabilis siyang bumaba sa lubid. Di nagtagal, ligtas siyang nakababa sa lupa.Sumunod sa kanya si Maxine at nakababa siya sa lupa kasunod ni James.Samantala, nakatingin si Thea sa baba mula sa helicopter at takot na takot, namutla ng husto ang kanyang mukha.Kahit na nakapagc