"Hello, sino 'to?" Isang paos na boses ang sumagot sa phone. "Si James 'to. Nasa North ako ngayon at may kailangan akong hingin na pabor sa'yo." Sinabi ni James ang pakay niya. Masayang sumagot si Mr. Walker. "Hahaha, James! Matagal na kitang gustong makainuman, pero hindi ako makaalis sa Northern Borders. Kamusta? Anong pabor ba ang kailangan mo?" "Nasa Harvin City ako ngayon at kailangan kong hanapin ang isang tao sa underground cavern sa Mount Arclens. "Tumawag ako para itanong kung pwede ba akong humiram ng ilang kagamitan mula sa'yo," Pinaliwanag ni James ang intensyon niya kay Mr. Walker. "Nasa Harvin City ka ngayon? Pupuntahan kita. Sabihin mo sa'kin kung ano ang kailangan mo ng personal."Ang Centurion ang nagbabantay sa Northern Borders, at matatagpuan ang Harvin City sa North. Dalawang oras lang ang biyahe papunta sa siyudad mula sa military region. "Sige." "Sige, magkita na lang tayo mamaya.""Sige." Binaba ni James ang phone. Pagkatapos, naglabas siya
Masusing pinag-isipan at sinuri ni Maxine ang lahat habang pabalik sila sa siyudad. Gusto lang niyang ipaalam ang mga nasa isip niya, at hindi niya intensyon na gumawa ng gulo sa pagitan nila James at Thomas. Gulong-gulo na ang isipan ni James at lalo lamang lumala ang nararamdaman niyang pangamba noong marinig niya ang mga sinabi ni Maxine. "Naniniwala ako sa lolo ko gaya ng paniniwala mo kay Tobias. Tapusin na natin ang usapan na 'to dito. Pag-iisipan ko ang tungkol dito pagbalik natin."Kahit na may mga pagdududa pa rin siya, pinili pa rin niya na maniwala sa lolo niya. Tumingin ng masama si Thea kay Maxine at mayabang siyang nagsalita, "Tapos ka na ba? Pwede ka nang umalis kung tapos ka na. Gagawin namin kung anong ginagawa ng mga mag-asawa. Huwag mong sabihin na gusto mo kaming panoorin?" Tinikom ni Maxine ang kanyang bibig, hindi na siya nagsalita, at umalis na siya. Pag-alis niya, agad na kumapit si Thea kay James. "Mahal, hindi ka naniniwala sa mga sinabi niya, 'di
Ang taong nasa unahan ay isa sa Five Commanders, ang Centurion of the North, si Mr. Walker. Sa North, katumbas ng isang diyos ang posisyon niya. Hindi man kilala ng mga tao sa labas ng rehiyon ang pangalan niya, alam ng lahat ng taga North kung sino siya. Napanganga ang receptionist noong nakita niya na pumasok siya sa hotel. 'Anong nangyayari? 'Una, nakita ko ang Black Dragon, at ngayon dumating naman ang Centurion.'Pagkatapos niyang pakalmahin ang kanyang sarili, agad niyang nilapitan ang Centurion at magalang niya siyang binati. "Magandang gabi, Commander. Anong maitutulong namin sa'yo?" Nagtanong ang Centurion, "Saang room si James?""N-Nasa 308 siya." Hindi na nagsalita pa ang Centurion at umakyat na lamang siya. Tok! Tok! Tok! Naantala ang pag-iisip ni James noong biglang may kumatok sa pinto. Noong mahimasmasan siya, tumayo siya at nagpunta siya sa pinto. Agad siyang pinigilan ni Thea. Nilagay niya ang kanyang kamay sa dibdib ni James, at sinabi na, "Mahal
Sa Mount Arclens. Ilang mga helicopter ang lumilipad sa ere.Dahil sa kawalan ng patag na lupa sa tuktok ng bundok, hindi makalapag ang mga helicopter at napilitan silang magpalutang-lutang sa isang pwesto habang bumababa ang mga sakay nila.Bumukas ang pinto ng helicopter, at niladlad pababa ang mahahabang lubid sa gilid ng pinto. Di nagtagal, bumaba ang mga lalaking nakauniporme dala ang ilang mga kagamitan.Tumingin sa baba si James mula sa helicopter.Halos 50 metro ang taas nila mula sa lupa. Kahit na nasa rurok na ng first rank si James, siguradong mamamatay siya kapag tumalon siya pababa mula sa ganoon kataas na lugar.Itinali niya ang lubid sa kanyang sinturon, tumalon siya mula sa helicopter, at mabilis siyang bumaba sa lubid. Di nagtagal, ligtas siyang nakababa sa lupa.Sumunod sa kanya si Maxine at nakababa siya sa lupa kasunod ni James.Samantala, nakatingin si Thea sa baba mula sa helicopter at takot na takot, namutla ng husto ang kanyang mukha.Kahit na nakapagc
Tumuro si Maxine sa taas. “Base sa posisyon ni Thomas noong nahulog siya, mukhang imposible na napadpad siya dito. Posibleng bumagsak siya sa isang bato na nasa 100 metro ang lalim mula sa bukana ng kuweba at gumulong…”Pagkatapos ng ilang sandali, nagpatuloy siya. “Dapat tumigil siya sa paggulong bandang 200 metro ang lalim mula sa taas. Noong bumaba tayo, may nakita akong butas kung saan siya dapat huminto.”“Sigurado ka ba?”Nag-alinlangan si James. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang bumaba at hindi niya tiningnan ang paligid ng kuweba.“Sige, kung ganun, bumalik tayo doon at tingnan natin ‘yun.”Tumalon si Maxine pataas, kumapit siya sa isang bato sa malayo, at mabilis siyang umakyat.Kasunod niya, pinili rin ni James na huwag gamitin ang lubid at nagsimula siyang umakyat sa mabatong kuweba.Di nagtagal, nakabalik sila sa 100-meter mark.Isang malaking bato, na higit sa 20 metro ang lapad, ang nakausli mula sa mga pader.Tumingala si Maxine at tinuro niya ito, at sinabi
Sa tabi ng bangin…Pasulyap-sulyap ang mga mata ni Thea pababa sa kuweba habang hinihintay niya na bumalik sila James at Maxine.Pagkatapos niyang tumingin ulit sa baba, sa wakas ay nakita na niya si James na umaakyat at masaya siyang nagsalita, “Kamusta, mahal?”Malungkot na umiling si James. “Masyadong malalim ang kuwebang ‘to, at napakatindi ng init sa baba. Hindi na kami makapunta sa mas malalim na parte ng kuweba. Malabong nakaligtas si lolo.”Umakyat si Maxine kasunod niya.Bumuntong-hininga si James at malungkot na nagsalita, “Tapos na tayo dito. Bumalik na tayo.”Dahil hindi nila mahanap si Thomas, wala nang balak si James na mag-aksaya pa ng oras sa kuwebang ito.Base sa mga ebidensyang nakita nila ni Maxine, may ideya na siya kung ano ang posibleng nangyari.Malaki ang posibilidad na buhay pa ang kanyang lolo.Medyo duda pa rin siya sa teorya ni Maxine.Naniniwala si James na hindi gagawa ng anumang bagay ang lolo niya upang ipahamak siya, o si Thea.Ang tanging ba
Hindi na nagtanong pa si James dahil maliit na bagay lang naman ito.“Sige na, magkita na lang tayo sa susunod.”Nakipag-usap sandali si James sa Blithe King at kay Daniel. Pagkatapos ay umalis na siya.Pag-alis niya sa military region…Tinabingi ni Thea ang kanyang ulo. “Mahal, saan tayo pupunta? Babalik ba tayo sa mga Callahan?”Bago pa makasagot si James, nagsalita si Maxine. “James…”“Ano ‘yun?”Lumingon si James at tumingin kay Maxine, na kasama pa ring naglalakad ni James.Ang sabi ni Maxine, “Pinadala ako ni lolo para protektahan ka. Sa sitwasyon ngayon, malapit mo na akong maabutan ngayong nabawi mo na ang iyong cultivation base. Maliban doon, kasama mo rin si Thea, na isang grandmaster na nasa third rank. Wala nang dahilan para manatili pa ako sa Cansington. Oras na para bumalik ako sa Capital.”“Ngayon na?” Dismayadong nagtanong si James.Matalas ang kanyang isipan at maaasahan siya.Malaking tulong si Maxine sa kanya. Hindi niya inasahan ang kanyang maagang pag-al
Walang balak si Cynthia na mangialam sa personal na buhay ni James. Noong nakita niya si Thea, may gusto sana siyang sabihin ngunit hindi na niya ito tinuloy.Naglakad si Thea papunta sa sofa at umupo siya sa tapat ni Cynthia. Pagkatapos, tumingin siya kay James. "Mahal, ano nang balak mong gawin?" Umupo din si James. Umiling siya at sumagot, "Wala pa akong plano sa ngayon."Para siyang isang bulag na lalaki na hindi nakikita ang daanan sa harap niya. "Dito muna kami sa Cansington pansamantala at oobserbahan ko ang sitwasyon. Sa ngayon, wala akong ibang magagawa. Ang tanging magagawa ko lang ay linangin ang mga kakayahan ko at magpatuloy sa pagpapalakas ng sarili ko.”Minulat ni Maxine si James sa kung gaano siya kalayo sa lakas ng Ancient Four.Sa kalagayan niya ngayon, masyado pa siyang mahina upang maabot ang kahit ano.Wala siyang kwenta kumpara sa Ancient Four.Hangga’t hindi niya naaabot ang fifth rank, madali siyang mapapatay ng mga kalaban niya.Anuman ang rank niy