Tumuro si Maxine sa taas. “Base sa posisyon ni Thomas noong nahulog siya, mukhang imposible na napadpad siya dito. Posibleng bumagsak siya sa isang bato na nasa 100 metro ang lalim mula sa bukana ng kuweba at gumulong…”Pagkatapos ng ilang sandali, nagpatuloy siya. “Dapat tumigil siya sa paggulong bandang 200 metro ang lalim mula sa taas. Noong bumaba tayo, may nakita akong butas kung saan siya dapat huminto.”“Sigurado ka ba?”Nag-alinlangan si James. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang bumaba at hindi niya tiningnan ang paligid ng kuweba.“Sige, kung ganun, bumalik tayo doon at tingnan natin ‘yun.”Tumalon si Maxine pataas, kumapit siya sa isang bato sa malayo, at mabilis siyang umakyat.Kasunod niya, pinili rin ni James na huwag gamitin ang lubid at nagsimula siyang umakyat sa mabatong kuweba.Di nagtagal, nakabalik sila sa 100-meter mark.Isang malaking bato, na higit sa 20 metro ang lapad, ang nakausli mula sa mga pader.Tumingala si Maxine at tinuro niya ito, at sinabi
Sa tabi ng bangin…Pasulyap-sulyap ang mga mata ni Thea pababa sa kuweba habang hinihintay niya na bumalik sila James at Maxine.Pagkatapos niyang tumingin ulit sa baba, sa wakas ay nakita na niya si James na umaakyat at masaya siyang nagsalita, “Kamusta, mahal?”Malungkot na umiling si James. “Masyadong malalim ang kuwebang ‘to, at napakatindi ng init sa baba. Hindi na kami makapunta sa mas malalim na parte ng kuweba. Malabong nakaligtas si lolo.”Umakyat si Maxine kasunod niya.Bumuntong-hininga si James at malungkot na nagsalita, “Tapos na tayo dito. Bumalik na tayo.”Dahil hindi nila mahanap si Thomas, wala nang balak si James na mag-aksaya pa ng oras sa kuwebang ito.Base sa mga ebidensyang nakita nila ni Maxine, may ideya na siya kung ano ang posibleng nangyari.Malaki ang posibilidad na buhay pa ang kanyang lolo.Medyo duda pa rin siya sa teorya ni Maxine.Naniniwala si James na hindi gagawa ng anumang bagay ang lolo niya upang ipahamak siya, o si Thea.Ang tanging ba
Hindi na nagtanong pa si James dahil maliit na bagay lang naman ito.“Sige na, magkita na lang tayo sa susunod.”Nakipag-usap sandali si James sa Blithe King at kay Daniel. Pagkatapos ay umalis na siya.Pag-alis niya sa military region…Tinabingi ni Thea ang kanyang ulo. “Mahal, saan tayo pupunta? Babalik ba tayo sa mga Callahan?”Bago pa makasagot si James, nagsalita si Maxine. “James…”“Ano ‘yun?”Lumingon si James at tumingin kay Maxine, na kasama pa ring naglalakad ni James.Ang sabi ni Maxine, “Pinadala ako ni lolo para protektahan ka. Sa sitwasyon ngayon, malapit mo na akong maabutan ngayong nabawi mo na ang iyong cultivation base. Maliban doon, kasama mo rin si Thea, na isang grandmaster na nasa third rank. Wala nang dahilan para manatili pa ako sa Cansington. Oras na para bumalik ako sa Capital.”“Ngayon na?” Dismayadong nagtanong si James.Matalas ang kanyang isipan at maaasahan siya.Malaking tulong si Maxine sa kanya. Hindi niya inasahan ang kanyang maagang pag-al
Walang balak si Cynthia na mangialam sa personal na buhay ni James. Noong nakita niya si Thea, may gusto sana siyang sabihin ngunit hindi na niya ito tinuloy.Naglakad si Thea papunta sa sofa at umupo siya sa tapat ni Cynthia. Pagkatapos, tumingin siya kay James. "Mahal, ano nang balak mong gawin?" Umupo din si James. Umiling siya at sumagot, "Wala pa akong plano sa ngayon."Para siyang isang bulag na lalaki na hindi nakikita ang daanan sa harap niya. "Dito muna kami sa Cansington pansamantala at oobserbahan ko ang sitwasyon. Sa ngayon, wala akong ibang magagawa. Ang tanging magagawa ko lang ay linangin ang mga kakayahan ko at magpatuloy sa pagpapalakas ng sarili ko.”Minulat ni Maxine si James sa kung gaano siya kalayo sa lakas ng Ancient Four.Sa kalagayan niya ngayon, masyado pa siyang mahina upang maabot ang kahit ano.Wala siyang kwenta kumpara sa Ancient Four.Hangga’t hindi niya naaabot ang fifth rank, madali siyang mapapatay ng mga kalaban niya.Anuman ang rank niy
Pagkatapos umalis ni James, lumapit si Luther at tumayo siya sa tabi ni Cynthia. Binuka niya ang kanyang bibig at pinaalalahanan niya siya. “Miss, maraming babae ang nakapaligid kay James. Sana hindi ka makialam sa buhay pag-ibig niya.”Inirapan ni Cynthia si Luther at ngumisi siya. “Masyadong malikot ang imahinasyon mo. Hindi ‘yun mangyayari.”“Pero magsasanay ka ng Dual Cultivation method kasama siya…”“Sige na, tama na ‘yan. Huwag ka nang magsalita. Bumalik ka na sa North kung wala ka nang gagawin dito.” Tumingin sa kanya si Cynthia ng may masamang ekspresyon.Tinikom ni Luther ang kanyang bibig.Hindi nakatulog si James nitong nakalipas na ilang araw. Hindi maiiwasan na makaramdam siya ng matinding pagod ng katawan at isipan kahit na may stamina siya na dala ng pagiging isang martial artist. Bumagsak siya sa kanyang kama noong makarating siya sa kanyang kwarto.Samantala, sa isang courtyard sa Capital.Ang courtyard ay mistulang isang makasaysayang bagay na ilang daang taon
Inampon ni Tobias si Maxine.Si Tobias ang nagturo ng lahat kay Maxine sa larangan ng martial arts mula pa noong bata pa siya. Wala sa ugali niya ang suwayin siya.Walang pagdududa sa isip niya na darating ang araw na ito.Ngunit, masyadong mabilis ang mga nangyayari kaysa sa inaasahan niya.Sumandal si Tobias sa upuan at bumuntong hininga. “Ang unang engkwentro ko sa mga Blithe ay dalawangpung taon na ang nakalilipas noong pumunta ako sa Enchanted Forest para maghanap ng mga medicinal herbs. Ang tao na nakilala ko noon ay si Ezra Blithe. Naglaban kami para makuha ang isang hindi pangkaraniwan na medicinal herb, at doon ko nasaksihan ang kahanga-hangang galing niya…”Nagbago ang emosyon sa mga mata ni Tobias habang inaalala ang nakaraan.Muli niyang naalala ang laban nila dalawampung taon na ang nakalilipas.Kahit dalawampung taon na ang lumipas, malinaw pa rin ang alaala sa isip niya na tila kahapon lang ito naganap.“Ang First of Abomination ng mga Blithe ay tunay na napakagaling. Mu
”Ano pa ang sinabi sa iyo ni Lolo?”Itinagilid ni Thea ang ulo niya habang sinusubukan na alalahanin ang sinabi ng Lolo ni James. “Sinabi ni Lolo na ang tawag sa technique sa Medical Book Volume Two ay tinatawag na Invincible Body Siddhi. Kapag na-master mo na ito, hindi ka na tatablan ng bala at mga espada. Pero, kailangan itong aralin kasama ng Medical Book Volume One na magiging guide para dito.”“Noon, hindi natusok ni Julianna ang katawan mo sa Dragon Fountain Villa. Sinabi mo na ang suot mo na damit ay gawa sa espesyal na materyal pero malinaw na sa akin na binago mo ang cellular structure ng katawan mo gamit ang medicine.”Nahiya si Thea habang inaalala niya ang mga nakaraang mga bagay.Matapos mabasa ang ikalawang libro ng medical book, napagtanto ni James na sinusubukan nito ipakita ang ilang mga defensive na martial arts.Ngunit, hindi pa niya naiintindihan kung paano ito gamitin.Martial arts genius ang lolo niya at magaling din sa larangan ng medisina. Sapagkat nabasa na ni
Sunod-sunod ang mga desisyon at utos ni Madelyn.Una, ipagpatuloy ang research sa lalong madaling panahon.Ikalawa, ang lahat ng pharmaceutical groups maliban sa Centennial Corporation ay dapat mawala.Ikatlo, Universal Hospital lang dapat ang nag-iisang medical hospital sa Medical Street.Nag-utos si Madelyn. Hindi na mahalaga ang proseso sa kanya. Ang gusto lang niya ay magkaroon ng mga resulta.“Ms. Gabriel…” nababalisang tumayo si Jonathan.Pinili niyang mabuti ang mga salita niya para hindi magalit si Madelyn. “Si James ay nasa Cansington at itinayo niya ang Messiah Corporation. Nakikipagtagisan ng galing ang kumpanya niya sa Centennial Corporation. Magiging maghirap ang pagtupad sa mga utos mo. Sigurado na magiging hadlang si James sa mga plano natin.”“James…” napabulong si Madelyn.Hindi pa siya umaalis ng Capital, pero narinig na niya at pamilyar siya sa pangalan ni James.“Sa tingin ba niya mapipigilan niya ang Centennial gamit ang Messiah? Marami tayong financial support. Sa