Pumunta dito si Thomas para hanapin ang Sacred Fire Fig, pero hindi niya inaasahan na makakakita siya dito ng isang centenary fire snake. Ang apdo ng fire snake ay isang gamot na pampalakas para sa isang martial artist. Subalit, ang kanyang lakas ay umabot na sa punto na kung saan ang paggamit ng eksternal na pamamaraan ng pagpapalakas ay hindi na tatalab. Kahit ang apdo ng isang centenary fire snake ay walang maitutulong sa kanya. Sa kabilang banda naman, magbibigay naman ito ng matinding lakas kay Thea kapag binigay niya ito dito. Gamit lang ang isang apdo ng ahas, isang malakas na third-rank ang nabuo. “Ah, tama. Bakit niyo nga pala gustong papuntahin si James dito, Lolo? Hindi ba’t ayos lang naman kung ihatid ko na lang sa kanya mismo ang Sacred Fire Fig?” Tanong ni Thea. Alam niya ang plano ni Thomas na pagpapunta kay James dito. Tiningnan siya ni Thomas at sinabi, “Paano mo naman ipapaliwanag sa kanya kung basta mo na lang ito dinala sa kanya pabalik? Hindi pa ito ang tam
”Nandito na tayo. Dapat tayong pumasok kahit na delikado.”Kaagad pinasok ni James ang kuweba. Bakas ang pagsuko sa mukha ni Maxine. ‘Nabulag na siya ng pag-ibig. Kapag patuloy pa siyang magpadalos-dalos, baka ikamatay niya ito.’Gayunpaman, sinundan pa din niya ito. Ang bukana ng kuweba ay maliit, pero nung nasa loob na, sanga-sanga ang mga daan nito. Habang papasok sila ng papasok sa loob, lalong umiinit. Kahit para sa kanila James at Maxine, na mga martial artists, ay hindi na din kinakaya ang matinding init. Wala na silang ibang magagawa kung hindi gumamit ng True Energy para labanan ang matinding init sa loob ng yungib, gayunpaman, pinagpapawisan pa din sila ng husto. Hindi nagtagal ay basang basa na ng pawis ang kanilang mga damit. “Sobrang init.” Pinaypayan ni Maxine ang kanyang mukha gamit ng kanyang mukha at hinila ang basang basa niya damit na nakadikit na sa kanyang balat. Naglabas si James ng isa pang bote ng tubig at inabot ito kay Maxine, at sinabi, “Uminom
Sa sandaling nagsalita si Thomas, alam ni James na ito ay ang kanyang lolo. Ang lolo niya na minahal siya simula pagkabata niya. Napaluhod siya, habang nakatulala sa malalim na butas sa kanyang harapan, at hindi mapigilan na napaiyak. Bigla niyang naalala ang mga eksena noong bata pa lang siya. Naalala niya na nakakandong siya sa kanyang lolo habang tinuturuan siya nito ng sinaunang salita at ang pangunahing kaalaman sa Solean Medicine. Sa sunog sa bahay ng mga Caden sampung taon na ang nakaraan, wala siyang nagawa. Narinig niya ang hiyawan at sigawan sa paghihinagpis ng mga Caden, ngunit wala siyang magawa. Sa bandang huli, si Thea ang sumugod sa apoy at iniligtas siya. Makalipas ang sampung taon, wala pa din siyang nagawa at pinanood na mahulog ang kanyang lolo sa malalim na butas ng sarili niyang mga mata. “Bwisit.”Tumayo si James, nagpuputukan ang ang mga ugat sa kanyang mukha, at mariin na tinitigan ang lalaking nakaitim na balabal sa may bato mula sa malayo.
Tinitigan ni Maxine si Thea at sinabi, “Ikaw ang tumulong kay James para patayin ang Emperor sa Capital. Ikaw din ang nagpanggap na ako, sinamahan si James palabas ng tirahan ng mga Johnston, at iniwan siya sa harapan ng tarangkahan ng mga Caden. Ang God-King Palace, ay sa katunayan, gawa ni Thomas.” “Oo.” Hindi sinubukan ni Thea na itanggi ang mga ito. “Si Lolo nga ang gumawa ng God-King Palace,” sinabi niya. “Bakit niya dinukot sila Tiara at Quincy?” Tanong ni James. “Sinabi ni Lolo na hindi ligtas para sa kanya na sundan ka dahil marami kang kalaban sa paligid mo. Dinukot niya sila pansamantala para protektahan sila ng sa gayon ay hindi ka masyadong mag-alala,” sabi ni Thea. Nagtanong pa uli si James, “Kung ganun, bakit kayo nandito ni Lolo?”“Sinabi sa akin ni Lolo na kailangan natin ng True Energy na may malakas na Yang energy para ma-cultivate ang Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge, kaya sinama niya din ako para dito. Pero hindi namin inaasahan na matatambangan kami a
Mabilis na umalis si Tobias at mabilis din na nakabalik. Pagkatapos ng sampung minuto, nakabalik na siya.“Kamusta, lolo?” Tanong ni Maxine. Umiling si Tobias at sinabi, “Ang dulo ay masyadong malalim at puno ng nagbabagang lupa. Hindi na ako makapasok pa. Tiyak na hindi siya nakaligtas sa pagkahulog.”“Hindi ako naniniwala dun,” patuloy na umiling si James. Ang kanyang lolo ay nagawang makaligtas sa sunog sampung taon na ang nakakaraan noon. Hindi siya mamamatay ng ganun kadali ngayon. Tiningnan siya ni Tobias at sinabi, “Kahit na hindi ka naniniwala, dapat kang maniwala. Kung titingnan, ang mahulog mula sa puntong ito ay magreresulta ng tiyak na kamatayan, pwera na lang kung ang lakas niya ay nasa hindi na kapani-paniwalang antas at nalagpasan na niya ang seventh rank.”Haabang sinasabi niya ito, mabilis niyang tiningna si Thea at tinanong, “Paano mo nakilala si Thomas?”Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Thea, sinabi niya ang lahat tungkol sa kung paano sila nagkita ni Tho
Si Cynthia ay nasa Cansington pa din. Kailangan niyang higupin ang Cold Energy mula sa katawan nito para i-cultivate ang kanyang True Energy.“Hindi pa ako babalik ng Capital sa ngayon. Kailangan ko munang bumalik ng Cansington,” sabi niya. Tiningnan siya sandali ni Tobias at tumango, saka sinabi, “Mag-ingat ka kung ganun.”Pagkatapos niyang sabihin ito, tumalon siya, na may saklaw ng ilang dosenang metro. Sa loob lamang ng ilang segundo, ilang daang metro na ang layo niya. “Umalis na din tayo,” sabi ni Maxine. “Hindi pa pwede,” sabi ni Thea. “Ja… Honey, pumunta si Lolo dito para maghanap ng Sacred Fire Fig. Nahanap din niya ito, pero nagpakita ang Gu Devil bago pa man niya makuha ito.”“Kalimutan mo na tungkol dun. Bumalik na tayo. Hindi pa nakakaalis ang Gu Devil. Kapag nanatili pa tayo dito, baka bumalik siya. Nakaalis na si Lolo at wala tayong laban sa kanya.” “Ah, tama…” Nag-isip sandali si James at nagtanong, “Ano ang rango ni Tobias? Bakit mabilis na tumakas ang Gu
Masaya din si James dahil si Thea ay meron nang third-rank Internal Energy. Ngayon, mapapanatag na siya at tumigil na sa pag-aalala na baka mapahamak ito.Sa halip na sagutin si Thea, nilingon niya ang kuweba at tinitigan ang bukana nito. Naunawaan kaagad ito ni Thea at tahimik lang na tumayo ng hindi na nagtanong pa. “Haa…” Napabuntong hininga na lang si James. Nung nagpakita ang lalaking pinaghihinalaan na lolo niya, tuwang tuwa siya at nababagabag. Tuwang tuwa siya dahil buhay pa ang lolo niya. Sa kabaliktaran, nag-aalala siya na baka ang lolo niya, na gaya ng paglalarawan nila Tobias at Maxine sa kanya, ay isang masama at walang kapatawaran na demonyo. Ang hiling ni James ay ang mahanap niya ang kanyang lolo at malaman ang katotohanan mula sa kanya. Gusto niyang marinig mula dito mismo na hindi siya kagaya ng sinasabi nila. Subalit, nahulog sa bangin ang kanyang lolo pagkatapos nilang magkita. Kahit na nakita niya itong nahulog, walang lakas si James para pigilan ito.
Narinig na ni James ang tungkol sa pangyayaring ito mula kay Blake. Alam din niya na ang Gu Sect ay binura ng Hari ng Sol nung panahon na iyon sa tulong ng ilang mga martial artists. Gayunpaman, tipikal na ito. Simula pa noong unang panahon, ang mga tao na may malaking ambag sa bansa ay pinapatay kapag may isang bagong dinastiya at hari ang naupo sa kapangyarihan.Nakatitiyak si James matapos marinig ang sinabi ni Thea na ang kanyang lolo ay hindi isang masama at walang kapatawaran na demonyo. Nabansagan lang siya na masama dahil ang martial arts na pinag-aaralan niya ay hindi pangkaraniwan. May tumambangan din sa kanya, na naging dahilan para magkaroon siya ng Energy deviation, at doon nangyari ang mga pagkakamali. Ang dalawa ay patuloy na nag-usap tungkol sa maraming bagay. Hindi nagtagal ay nakabalik na si Maxine. Bumalik siya na may dalang ilang pulang prutas, na hindi naman ganun kalaki. Kasing laki ng kamao ang mga ito, kulay pula, at mukhang mga nagbabagang bola ng apoy