Unti-unting naglaho ang yelo sa katawan ni James. Pagkatapos ng kalahating oras… Binuksan ni James ang mga mata niya at nasasabik na nagsabing, "Nagawa ko! Ginawa kong True Energy ang lahat ng Cold Energy!" Nagsabi si Maxine, "Dalian mo. Masyado nang malakas ang Cold Energy na naipon sa katawan ni Cynthia. Sandali na lang at hindi ko na to makokontrol." Nagsabi si James, "Dali, padaanin mo to sa katawan ko." Mabilis na pinasa ni Maxine ang True Energy niya sa katawan ni Cynthia at pinadaan ang Cold Energy sa mga palad ni James. Nagyelo ang mga palad ni James at kaagad itong kumalat sa mga braso niya. Mabilis niyang hinigop ang Cold Energy at ginawa itong True Energy. Inabot ng tatlong oras ang proseso para tuluyan niyang mahigop at maisalin ang enerhiya. Pagkalipas ng tatlong oras, dumami ang True Energy niya. Sa sandaling ginamit niya ito, dumaloy ang True Energy na parang rumaragasang tubig. "Tama na yan," sabi ni Maxine. "Halos mahigop mo na ang Cold Energy na na
Kaagad itong naintindihan ni James pagkatapos marinig ang paliwanag ni Maxine. Hindi kayang pagsanayan ng isang tao ang cultivation method sa Moonlit Flowers on Cliffside's Edge nang mag-isa. Magdudulot lang ito ng problema kapag pinilit itong gawin. Ang cultivation method na ito ay dapat na pagsanayan ng dalawang tao nang magkasama. Kailangan nilang magtulungan at magsanay. "Pero…" Seryosong nagsalita si Maxine, "binabagayan ng isa't-isa ang Yin at Yang, at kailangan na meron kayo ng dalawang enerhiya na ito. Ang enerhiya nga sa katawan ni Cynthia ay ang pinakapurong anyo ng True Yin Energy at kung matututunan niyang higupin ang Cold Energy sa katawan niya, mapagsasanayan niya nga ang cultivation method. Pero, wala tayong kilalang may True Yang Energy." Lumingon siya kay James at nagtanong, "Anong klase ng True Energy ang meron ka, James?" "H-Hindi ko alam." Hindi sigurado si James kung anong klase ng True Energy ang mayroon siya. "Tignan ko," sabi ni Maxine. Nagtanong
Dalawang tao ang lumitaw—isang matanda at isang bata. Ang matanda ay isang lalaking may maayos na puting buhok at nakasuot ng maluwang na puting damit. Samanatala, ang nakababata naman ay isang babaeng may mahabang itim na buhok na nasa dalawampung taong gulang ay nakasuot ng itim na palda. "Sir Caden, bakit mo ko dinala rito?" tanong ng babae. Tumingin ang matanda sa bundok sa harapan. Isa itong kalbong bundok na umuusok sa tuktok. Tinuro niya ang isang bundok sa harapan at nagsabing, "Ito ay isang bukana ng bulkan na madalas bumubuga ng lava. Nagpunta ako rito para hanapin ang isang espesyal na prutas." Ang dalawang taong iyon ay si Thomas at si Thea. Alam na ni Thea na ang lokasyon ay isang bukana ng bulkan dahil nararamdaman niya ang init sa sandaling nilapitan niya ito. Kahit na taglamig at malamig ang klima, nagbabaga ang paligid nila at pinagpawisan ang maganda niyang mukha. Nagtataka siyang nagtanong, "Bakit ka naghahanap ng prutas?" Nagpaliwanag si Thomas, An
Matagumpay na nacultivate ulit ni James ang True Energy niya. Hindi pa roon, patuloy niyang hinihigop ang Cold Energy mula sa katawan ni Cynthia na mabilis na nagparami sa True Energy niya. Sa loob lang ng kalahating araw, nakarating siya sa peak ng first rank at isang hakbang na lang siya papunta sa second rank. Kahit na pambihira ang pangangatawan ni Cynthia, limitado ang Cold Energy sa loob ng katawan niya at kailangan itong ipapanumbalik araw-araw. Sa nagdaang ilang araw, naglabas din si Maxine ng isang bahagi mula sa katawan niya. Kung kaya't kailangang maghintay ni James ng ilang araw bago siya makahigop pa ulit. Pagkatapos bumaba ni James, nagbihis si Cynthia at bumaba kasama ni Maxine. Sa sala… Nagsalita si Maxine, "Susunod, personal kong tuturuan si Cynthia ng martial arts. May pambihira siyang pangangatawan at basta't maiintindihan niya ito, hindi magiging mas mababa ang cultivation rate niya kumara sa'yo." "Tama ka." Tumango si James. Pagkatapos ay nagsabi siya,
Ngumiti ang Blithe King at nagsabing, "Bakit mo sinasabi sa'kin to? Ikaw nga hindi ka makapagdesisyon, paano pa kaya ako? Masyadong mataas ang tingin mo sa'kin." "Kung ganun, sabihin mo sa'kin, dapat ba akong pumanig sa bansa, sa Hari, o sa mga Caden?" tanong ni James. Umiling ulit ang Blithe King. Ito ay mga tanong na hindi niya kayang sagutin. "Bakit masyado kang nag-iisip? Kailangan mo lang maghinay-hinay. Uminom tayo! Sasabihin ko si Daniel na saluhan tayo." Naintindihan ng Blithe King na may problema si James. Kahit na hindi niya alam ang samaan ng loob at hidwaan sa pagitan ng Ancient Four sa Capital, narinig niya na ang tungkol sa Four Ancient Paintings noon. Tatlumpung taon ang nakalipas, may nangyaring hidwaan sa mga Caden. Dagdag pa rito, sinunog ang villa ng mga Caden sampung taon ang nakalipas. Ito ang mga bagay na nalaman niya mula kay James kamakailan. Gayunpaman, hindi niya kayang bigyan si James ng payo bilang isang tagalabas. Tumayo siya, tumingin sa na
Lumingon si James ngunit wala siyang naramdaman kahit na sinong mapanganib. Naguguluhan siyang bumulong, "Anong nangyayari? Ano ang nakakatakot na pakiramdam na yun?" Nang naisip niyang masyado lang siyang maraming nainom, umiling siya at nagpatuloy sa paglalakad. Gayunpaman, pagkatapos nang maikling paglalakad, bumalik ang nakakatakot na pakiramdam. Nakakailang ito na parang pinapanood siya ng isang makamandag ahas. Sa pagkakataong ito, hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Humakbang siya nang ilang beses bago biglaang lumingon. Paglingon ni James, nakakita siya ng napakaraming tao sa likod niya. Kabilang sa kanila ang isang lalaking naka-itim na overcoat at sumbrero. Nasa limampung taong gulang siya. Pangkaraniwan lang ang mukha niya, ang klaseng makakalimutan kaagad pagkatapos malingat. Kahit na ganun, nakaramdam ng panganib si James mula sa kanya. Para itong isang makamandag na ahas na gandang umatake at manuklaw anomang sandali. Nagkatinginan ang dalaw
"Dapat kang pumunta. May dahilan ba para hindi?" Nagsalita si Maxine, "Ikaw na mismo ang nagsabi na ang taong nagbigay sa'yo sulat ay napakalakas at kaya kang patayin sa isang atake. Kaya kung hindi ka niya pinatay at nag-iwan lang ng mensahe, malamang ay may dahilan para rito. Malalaman natin ang pakay niya pagdating mo roon. At saka sasamahan kita." Hindi naman talaga siya nag-aalala sa kaligtasan niya at naniniwala siya na hindi mapapahamak si James sa pagpunta niya sa Mount Arclens. Napahamak na dapat siya ngayon kung mapanganib ito. Hindi kailangang maghintay ng kalaban hanggang sa makarating sila sa Mount Arclens para umatake. "Sige." Tumango si James at nagsabing, "Nagpakita ng maraming impormasyon ang larawan. Kailangan ko lang pumunta para tumingin." "Kukuha ako ng plane tickets para sa'yo ngayon din," sabi ni Cynthia. Habang nagsalita siya, kinuha niya ang phone niya para mag-book ng flight. Sa kabilang banda, nag-uusap sina James at Maxine. Hinuhulaan nila kun
Pumunta dito si Thomas para hanapin ang Sacred Fire Fig, pero hindi niya inaasahan na makakakita siya dito ng isang centenary fire snake. Ang apdo ng fire snake ay isang gamot na pampalakas para sa isang martial artist. Subalit, ang kanyang lakas ay umabot na sa punto na kung saan ang paggamit ng eksternal na pamamaraan ng pagpapalakas ay hindi na tatalab. Kahit ang apdo ng isang centenary fire snake ay walang maitutulong sa kanya. Sa kabilang banda naman, magbibigay naman ito ng matinding lakas kay Thea kapag binigay niya ito dito. Gamit lang ang isang apdo ng ahas, isang malakas na third-rank ang nabuo. “Ah, tama. Bakit niyo nga pala gustong papuntahin si James dito, Lolo? Hindi ba’t ayos lang naman kung ihatid ko na lang sa kanya mismo ang Sacred Fire Fig?” Tanong ni Thea. Alam niya ang plano ni Thomas na pagpapunta kay James dito. Tiningnan siya ni Thomas at sinabi, “Paano mo naman ipapaliwanag sa kanya kung basta mo na lang ito dinala sa kanya pabalik? Hindi pa ito ang tam