Sinubukan ni James na tumayo muli pero nahirapan siya. Nabalot ng matinding takot ang puso niya. Hindi niya inaashan ang babaeng ito na mukhang pangkaraniwan ang itsura na magiging ganito kalakas.Si Rain, ngumiti ang babaeng ito a kanya at nagkunwari na pinupuri siya, “Hindi na masama. Nakatayo ka pa din kahit na sinalo mo ng direkta ang atake ko. Sa kasamaang palad, 30% pa lang ng lakas ang ginamit ko kanina. Napapaisip tuloy ako kung buhay ka pa rin kaya kapag ginamit ko ang 50% ng lakas ko.”Habang sinasabi niya ito, inihanda niya ang sarili niya para muling sumugod.Isinara ni James ang mga kamao niya at tumalon din para sumugod.Nagkasalubong ang mga kamao nila.Sa oras na nag kadikit ang mag kamao nila, pakiramdam ni James tinamaan siya ng kidlat. Naparalisa ang braso niya, at ang Blood Energy sa katawan niya ay kumulo ng higit sa kailanman. Sa isang iglap, umubo siya muli ng dugo.Tumalsik siya ulit dahil sa tindi ng puwersa at napahiga sa sahig.Sa pagkakataon na ito, hindi n
Sa tahanan ng mga Caden…Isang nakatatandang lalake at isang babae ang naglalaro ng chess.Ang matandang lalake na nasa sisenta ang edad, ay nakasuot ng suit.Ang babae naman ay nasa dalawampung taong gulang. Nakasuot siya ng puting dress at may suot siya sa ulo niyang puting tiara. Nakadagdag sa kagandahan niya ang maputi at makinis niyang balat. Tila mala obra maestrang estatwa ng isang dyosa na nabigyan ng buhay ang itsura niya.“Maraming nangyari kagabi.” Sagot ng matandang lalake habang iniisip niya ang susunod niyang hakbang.“Mhm.” Mahina ang sagot ng babaeng nakaputi na damit, “Ang Emperor, na namumuno sa limang commander-in-chief ay na-execute gamit ang Blade of Justice at ang naghatol ng kamatayan sa kanya…”Sinulyapan ng babae ang matandang lalake. Dahil sa nakita niya na walang pinagbago ang reaksyon niya, nagpatuloy siya, “Ang naghatol ng kamatayan sa kanya ay walang iba kung hindi si James, apo ni Thomas Caden.”“Tinawagan ako ng mga Johnston kanina. Ipinaalam nila sa aki
”Nangyayari ang lahat ng mga ito tulad ng inaasahan natin. Ang orihinal na plano natin ay manipulahin si James para patayin ang Emperor para paglabanin ang dalawang pamilya ng Ancient Four. Ngunit, ngayon, may isang bagay na gumulo sa mga plano natin, at ang bagay na ito ay ang God-King Palace. Nag-aalala ako na baka nahulog na tayo sa patibong ng God-King Palace. Baka ang plano nila ay siguruhin na labanan natin ang isa’t isa habang sila ang makikinabang sa mga magaganap.”Nag-aalala si Mr. Lee sa hindi inaasahan na mga nangyayari.Ang lahat ng mga bagay ay nasa kontrol niya.Sa biglaang pagpapakita ng God-King Palace, hindi na niya magawang hulaan kung ano ang magaganap sa kasalukuyang sitwasyon.Nagtanong ang Hari, “Kung ganoon, dapat ba natin iligtas si James? Isa siyang marangal na tao na handang makipaglaban para sa nasyon niya. Kung hahayaan natin ang mga Johnston na patayin siya, mawawala ang nag-iisa at malakas natin na asset.”Bigong umiling-iling si Mr. Lee, “Hindi dapat. Sa
Noong marinig niya na nahuli si James, natakot si Thea. Lumapit siya kay Thomas para magmakaawa at humingi ng tulong.Umupo si Thomas sa sofa habang hinihimas ang baba niya. Malalim ang kanyang iniisip.Matapos ang ilang sandali, tinignan niya si Thea.Nakaramdam ng kilabot si Thea habang tinititigan siya ni Thomas. Wala siyang tiwala sa tingin na ito, kaya nagtanong siya, “Ba-bakit mo ako tinitignan ng ganyan?”Ngumisi si Thomas, “May plano ako.”“Huh? Anong plano?”“Sandali lamang.”Tumayo si Thomas at umalis ng kuwarto.Umupo si Thea sa sofa at matiyagang naghintay.Matapos ang kalahating oras, nagbalik si Thomas habang may hawak na skin mask. “Lumapit ka dito.”Lumapit si Thea kay Thomas at tinignan ang hawak niya.Mabilis na ikinabit ni Thomas ang skin mask sa mukha ni Thea. Nagbago bigla ang itsura ni Thea. Noong tinitigan niya ang itsura niya sa salamin, nakita ni Thea na nagbago ng husto ang mukha niya. Ngunit, maganda pa din ang mga facial features niya tulad ng dati.“Anong…”
Nanghihina ng husto si James. Hindi nagamot ang mga pinsala na tinamo niya mula sa mga atake ni Rain at buong araw na siyang hindi kumakain.Nakahiga si James sa sahig habang nanghihina at nakatingin sa mga Johnston na nasa harapan niya. Wala siyang kaalam-alam sa binabalak nila.“Patriarch, halos alas nuwebe na. Wala pa din balita mula sa mga Caden. Sinukuan na ba nila si James?” Tanong ng isang importanteng tao mula sa mga Johnston.Nakaupo si Hades sa isang kahoy na upuan. Tumingala siya para tignan ang oras, at sinabi niya, “Hindi natin kailangan magmadali. Maghintay pa tayo ng kaunti. Kung walang dadating ng hating gabi, papatayin na natin siya.”“Sana nga wala talaga pumunta,” malagim na sagot ni Kennedy habang sinusuri niya ang paligid.Alam niya na kapag dumating ang mga Caden para kay James, ibig sabihin nito may kinalaman sila sa God-King Palace, at kumilos si James para sa kanila. Bukod pa dito, ibig sabihin nito kumikilos na ang mga Caden laban sa Ancient Four.Tahimik at m
Ang Four Great Protectors ng God-King Palace ay nakipagsabayan sa mga disipulo ng mga Johnston.Tumalsik ang Four Great Protectors sa lakas ng puwersa ng pakikipagtuos nila. Matapos makabalik sa sahig, agad sila na umatras ng ilang hakbang.Samantala, sina Wind, Rain, Thunder at Lightning ay nakatayo lang na tila hindi sila naapektuhan.Malinaw na mas mahina ang Four Great Protectors.Nagbago ang tingin ni Thea. “Dapat ko ba ito tanggapin bilang pagkalaban ng mga Johnston sa mga Caden? Kung ganoon, makakarating ito sa lolo ko.”Habang nakasimangot siya, tinignan siya ni Hades. “Nagbibiro ka ba, Ms. Maxine? Ilang libong taon na nabubuhay ng payapa ang Ancient Four kasama ang isa’t isa, at masusing sinusunod ng mga Johsnton ang mga turo noong unang panahaon. Masasabing ganoon din ang mga Caden, ngunit. Hindi ninyo lang ginawa ang God-King Palace, pero pinatay ninyo ang isang miyembro ng mga Johnston. Gusto ba ninyo talaga kami na kalabanin?”Nanahimik si Thea.Sinulyapan niya si James. N
Matapos pumasok sa library, naghalungkat siya sa mga istante. Ngunit, hindi niya mahanap ang bagay na kailangan niya.“Nasaan na ito?” bulong niya.Habang nakatayo sa gitna ng library, sinuri niya ang kanyang paligid. Pagkatapos, napansin niya ang isang straw mat.Lumapit siya dito at umupo. Habang diretso ang tingin niya, nag-focus siya.Tila may napagtanto siya, tumayo siya agad at lumapit sa istante sa harapan niya. Tumayo siya sa harap nito, at tumigin sa sahig.Tama nga siya, may mga bakas na ginalaw ang istante.Dahan-dahan niyang itinulak ang istante. Halos hindi marinig na click ang tumunog, at isang lihim na lagusan ang nagpakita.Napangiti ang lalake sa tuwa. Agad siyang lumapit sa pinto at binuksan ito. May itim na kahon sa likod ng pinto.Pagkatapos buksan ang kahon, nakakita siya ng ancient scroll sa loob.Isang painting ng bamboo grove ang nagpakita matapos buksan.“The Moonlit Bamboos on Cliffside’s Edge…”Natawa ang lalake. Ibinalik niya ang painting sa kahon, ibinalik
Sa courtyard ng mga Caden…Isang grupo ng mga tao ang nakapalibot sa walang malay na si James.Nagsalubong ang mga kilay ni Tobias at nagtanong siya, “Sino ang nagdala sa kanya dito?”Sumagot ang guwardiya, “Nakasuot sila ng maskara, kaya hindi namin nakita ang mga itsura nila. Matapos iwan si James sa harap ng gate, umalis sila ng wala ng sinasabi.”Sa mga oras na ito, nagsalita si Maxine habang gulat siya, “Lolo, nakatanggap ako ng balita na sinasabi ng mga Johnston na nagpunta ako doon sa headquarters nila kasama ang mga tao mula sa God-King Palace at kinuha si James.”Nainis si Tobias sa sitwasyon, “Mukhang may gusto na ibintang sa mga Caden ang sitwasyon.Nagtanong si Maxine, “Anong gagawin natin? Ililigtas ba natin si James?”Hindi alam ni Tobias ang gagawin niya, nahirapan siya magdesisyon. Pagkatapos, sumagot siya, “Kahit na hindi na siya Caden sapagkat nagtaksil ang lolo niya sa pamilya natin, hindi magbabago ang katotohanan na may dugong Caden na nananalaytay sa mga ugat niya