Naguguluhan si Tiara at natagalan bago naiayos ang sarili niya.Pagkatapos nito, binuksan niya ang pinto ng taxi para makita kung anong nangyayari.Ngunit, sa oras na bumukas ang pinto, isang lalake ang sumugod sa kanya at tinakpan ang bibig niya. Sapilitan siyang kinaladkad patungo sa itim na sedan.Bago pa makapag-react ang taxi driver, nakaalis na ang itim na sedan. Agad siyang tumawag ng pulis.Mabilis na tumungo ang itim na sedan sa suburbs.Sa loob ng kotse…Nakatakip ang bibig ni Tiara, at dinaganan siya sa backseat. Limitado ang lakas niya, kaya hindi siya makakawala kahit na anong gawin niya.Kinuha ni Nasir ang plastic bag sa mga kamay niya at tinignan ang laman nito. Nakita niya ang isang dokumento at agad ito na binasa. Sa oras na nakita niya ang laman nito, namutla ang mukha niya. “Bilisan mo, bumalik na tayo sa base. Kailangan ko mahanap si Scar.”Sa villa ng mga Callahan…Nakaupo si James sa kama habang nagmemeditate. Tinignan niya ang orasan. Pasado 10 p.m. na.Dalawang
Puno ng pagsisisi si James.Pagkabigay sa kanya ni Blake ng research data noong umaga, alam niya na kikilos na ang Emperor. Kahit pinaalalahanan niya si Tiara na maging maingat, hindi niya inaasahan na kikilos agad ang Emperor.Sa loob lamang ng isang araw, kinidnap si Tiara.Kung hindi siya inutusan na pumunta siya kay Jay para kumuha ng impormasyon, hindi sana ito mangyayari. Tahimik siyang naupo sa sofa.Lumapit sa kanya si Thea. Habang nakikita na malagim ang itsura niya, naupo siya sa tabi niya at kinuha ang kamay niya. “Anong problema, honey? Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Umiling-iling si James. “Wala ito.”Wala siyang balak na sabihin kay Thea ang mga plano niya.Kasabay nito, sa military region…Matapos kunin ang pagiimbestiga sa mga pulis at matanggap ang lahat ng impormasyon tungkol sa insidenteng ito, agad na nagsimula ang military sa imbestigasyon nila.Tinignan nila ang lahat ng security feeds at napagalaman na ang itim na sedan ay lumisan ng lungsod. Sapagkat walan
Matapos ito marinig, nanigas si Blake. Nagtanong siya, “Bakit? May nangyari ba?”“Kinidnap si Tiara. Naroon siya ngayon sa research laboratory ng Emperor. Ipinahanda ko na ang military. Kung hindi sila magtatagumpay, sapilitan tayong papasok para iligtas siya at sunugin ang lugar habang nandoon tayo.”Madilim ang mukha ni James.Sa buong oras na ito, siya ang puntirya ng Emperor, pero nanatiling passive si James.Naiintindihan niya kung bakit siya ang puntirya ng Emperor, pero tulad pa din ng dati, ang mga tao sa paligid niya ang pinupuntirya niya.Noong una, si Thea. Ngayon naman, si Tiara.Mabait na babae si Tiara, at minsan na siyang nabigo ni James. Kung may mangyayari sa kanya, magsisisi siya buong buhay niya.Oras na para ipakita sa Emperor na hindi siya pipitsugin.“Sige, makakarating ako diyan sa loob ng tatlong oras.”Ibinaba ni Blake ang tawag.Hinagis ni James ang phone niya sa isang tabi. Sumandal siya sa sofa at tinakpan ang mukha niya.Kasabay nito, sa military region…I
Naghintay si James ng balita ng Blithe King at ang pagbabalik ni Blake sa Cansington.Sinabi ng Blithe King kay James na may kinalaman ang research laboratory sa militar. Ngunit, kahit na commander-in-chief siya ng limang hukbo, ang research laboratory ay binabantayan ng Red Flame Army. Kung magpapakita sila ng mga dokumento mula sa mga nakatataas, wala silang magagawa kung hindi umatras.Kung mabibigo ang Blithe King, walang magagawa si James kung hindi kumilos mismo.Mabilis na naihanda ng Blithe King ang hukbo niya.Daan-daang mga helicopter ang umiikot sa himpapawid, at libo-libong mga sundalo ng Blithe Army ang kumilos.Hindi nagtagalm nakarating sila sa bundok kung saan matatagpuan an research laboratory.Sa labas ng research laboratory…Maraming mga bantay. Kahit na hindi sila nakamilitary uniform, armado sila.“Ano ang ingay na iyon?”Tumingala ang mga guwardiya at nakita ang mga helicopter na patungo sa kanila mula sa kalayuan.Matapos makita ang emblem sa helicopter, namutla
Dahil sa hindi niya gusto na lumala pa ang sitwasyon. Iniabot ni Tristan ang identity card niya sa Blithe King at sinabi, “Ako si Tristan Wolfgang, lieutenant ng Red Flame Army. Ito ang identity card ko.”Kinuha ng Blithe King ang identity card at sinulyapan lang ito.Pagkatapos, nag-abot si Tristan ng dokumento at sinabi, “Isa ito na importanteng military research laboratory. Ang research project na ito ay strictly confidential. Naiintindihan ko na commander-in-chief ka ng five armies. Kung pangkaraniwan ito na sitwasyon, hindi ko lalabagin ang utos mo. Pero, kailangan ko gawin ang trabaho ko. Kung pipilitin mo na pumasok, wala akong magagawa kung hindi makipaglaban hanggang sa huli. Pakiusap, huwag mo na ako pahirapan.”Nagdilim ang mukha ng Blithe King. Alam niya na mangyayari ito bago pa man siya pumunta.Ngayon, nahihirapan siya. Matapos mag-isip ng ilang sandali, nag-utos siya, “Retreat.”“Masusunod.”Agad na umatras ang Blithe Army.Sa oras na umatras sila, tinawagan ng Blithe K
Lumapit sila sa pickup truck.Ilang mga sundalo ang lumabas at inalis ang tarpaulin na nakatakip sa compartment.Puno ang compartment ng iba’t ibang klase na mga armas—mga baril, granada, malalakas na kalibre ng baril at kabilang na rin ang mga rocket launcher.Habang nakatingin sa mga armas, nagsalita si James, “Kunin niyo kung ano sa tingin niyo ang makakatulong sa inyo.”Tumango ang iba at nagsimulang mamili ng mga armas.Tinignan ng Blithe King si James at sinabi, “Ito lang ang maibibigay ko sa iyo. Kailangan mo mag-ingat. Bukod sa Red Flame Army, may mga gangster din at mga mersenaryo sa research laboratory.”“Naiintindihan ko.” Tumango si James.Nagaalinlangan na sumagot ang Blithe King, “Inosente ang Red Flame Army na naka-istasyon doon. Kung posible, huwag ninyo silang patayin. Mga sundalo rin sila na sumusunod lang sa utos. Maaaring hindi rin nila alam kung ano ang sinasaliksik rito.”Nahirapan si James magdesisyon.Sundalo siya. Alam niya na ang obligasyon ng sundalo ay sumun
Crack!Hindi tumigil sa paglatigo ang Emperor.Sa loob lamang ng maikling panahon, ilang dosenang beses ng nalatigo si Tiara. Nararamdaman niya ang gumuguhit na sakit sa tuwing nilalatigo siya ng Emperor. Nanginig ang katawan niya dahil sa tindi ng sakit, pero diniinan lang niya ang kagat niya at hindi nagsalita.Alam niya na hinding hindi dapat siya magsalita.Kung bibigay siya, ibig sabihin nito pagtataksilan niya si James. Bukod pa dito, kasama na ang pagsabi sa mga plano ni James kung saan lalong magiging masama ang sitwasyon niya.Mas pipiliin niya ang mamatay kaysa hayaan ito na mangyari.Pangkaraniwang babae lamang si Tiara na naka-graduate ng college at nasa rurok pa lang ng kabataan niya.Tulad ng ibang pangkaraniwan na babae, mahal niya at sinasamba ang mga bayani. Ngunit ngayon, isang aksidente lang at bumaliktad na ang buhay niya.“Hindi dapat ako magsalita,” bulong niya sa sarili niyaAng pananalig na ito ang nagpatibay sa kanya.Sa kabila ng matinding sakit, tiniis lang n
Matinding sakit ang dinanas ni Tiara.Matapos ihampas ang ulo niya sa sahig ng paulit ulit, nawalan siya ng malay.Tinignan ng Emperor si Tiara na hinimatas at inutos, “Gamutin ang mga sugat niya. Huwag ninyo siyang hayaan na mamatay.”Hindi niya gusto na mamatay na si Tiara.Hindi nga naman niya alam kung anong alas ni James.Kahit na lumpo na si James, maabilidad pa din siya na nagbibigay takot sa Emperor. Ito ang dahilan kung bakit siya naniniwala na pabor para sa kanya ang panatilihin na buhay si Tiara.Kapag dumating ang tamang oras, magagamit niya ang babaeng ito laban kay James.“Masusunod.”Tumango si Scar. Pagkatapos, inutos niya, “Dalin siya sa doktor.”…Kasabay nito, si James ay papunta na doon.Noong una, nagmaneho siya mag-isa. Ngunit, matapos ang ilang sandali, si Blake at May sumama sa sasakyan niya sapagkat kailangan niya ng pamilyar sa research laboratory para ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon doon.Nagmaneho si May, habang si James at Blake ay nasa backseat.Ipinaliw