Kabanata 804
Matapos ito marinig, nanigas si Blake. Nagtanong siya, “Bakit? May nangyari ba?”

“Kinidnap si Tiara. Naroon siya ngayon sa research laboratory ng Emperor. Ipinahanda ko na ang military. Kung hindi sila magtatagumpay, sapilitan tayong papasok para iligtas siya at sunugin ang lugar habang nandoon tayo.”

Madilim ang mukha ni James.

Sa buong oras na ito, siya ang puntirya ng Emperor, pero nanatiling passive si James.

Naiintindihan niya kung bakit siya ang puntirya ng Emperor, pero tulad pa din ng dati, ang mga tao sa paligid niya ang pinupuntirya niya.

Noong una, si Thea. Ngayon naman, si Tiara.

Mabait na babae si Tiara, at minsan na siyang nabigo ni James. Kung may mangyayari sa kanya, magsisisi siya buong buhay niya.

Oras na para ipakita sa Emperor na hindi siya pipitsugin.

“Sige, makakarating ako diyan sa loob ng tatlong oras.”

Ibinaba ni Blake ang tawag.

Hinagis ni James ang phone niya sa isang tabi. Sumandal siya sa sofa at tinakpan ang mukha niya.

Kasabay nito, sa military region…

I
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP