Kabanata 594
Kailanman hindi niya naisip na ang lalaking lumapastangan sa kanyang anak ay ang Black Dragon, ang protektor, at Asclepius ng Sol.

Ito ang taong prumotekta sa bansa laban sa mga panganib mula sa labas at nagbaligtad ng takbo ng kompetisyon sa medical conference ngayong taon.

Imposibleng kasuhan niya ang lalaking ito sa korte.

Hindi ito sapat upang baguhin ang katotohanan na ang anak niya ang nagdusa sa pangyayaring ito.

"James, hindi imposible para sa'kin na iatras ang kaso. Ang kailangan mo lang gawin ay pakasalan ang anak ko. Kahit na naframe-up ka lang, inosente rin si Tiara. Ngayong hindi na siya virgin, kailangan mo siyang panagutan."

Sumimangot si James. "Zigmund, nakakalimutan mo ata na may asawa na ako."

Kalmadong sumagot si Zigmund, "Narinig ko na gusto kang i-divorce ni Thea sa labas ng korte kanina. Masasabi ko na magandang pagkakataon 'to. Kapag natuloy 'yun, pwede mo nang pakasalan ang anak ko ng legal. Hindi na rin masama si Tiara. Ang ganda at talento niya
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP