Kabanata 600
Tinama ni Gladys ang sinabi niya.

“Huwag mong kalimutan na magsuot ng mas magagandang damit. Pero, hindi ka dapat magsuot ng mga damit na masyadong mahalay! Dapat hayaan mong gumana ang imahinasyon nila. Tsaka, pansinin mo ang kilos mo. Siguraduhin mo na may karisma ang bawat kilos at salita mo. Sa ganitong paraan, magagawa mong buhayin ang pagnanasa ng isang lalaki.”

Sinimulan ni Gladys na turuan si Thea.

“Malaki rin ang magiging papel ng mga ekspresyon. Alam mo ba kung paano magpakita ng mapang-akit na ekspresyon?”

Umiling si Thea.

“Hayy… Ipapakita ko sa’yo.”

Kumurap ng ilang beses si Gladys at dahan-dahan niyang kinagat ang kanyang mga labi.

Si Benjamin, na may kausap sa phone, ay napatingin kay Gladys. Noong nakita niya ang ginawa ng asawa niya, pinigilan niya ang sarili niya na masuka.

Subalit, noong nakita niya ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Gladys, agad siyang tumayo at sinabing, “Masikip dito. Doon na muna ako sa balkonahe.”

“Ano sa tingin mo, Thea?”

S
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo