Kabanata 597
Hindi pinaandar ni Quincy ang kotse. Sumandal siya sa kanyang upuan at tumingin siya kay James.

Nakita niya ang inis at kawalan ng pag-asa sa mukha ni James.

Hindi siya makapaniwala na ang protektor ng Sol at ang Asclepius ng Cansington ay magpapakita ng kanyang kahinaan.

"Bakit hindi mo na lang sabihin kay Thea ang buong katotohanan? Sabihin mo sa kanya kung sino ka at hindi na niya gugustuhing hiwalayan ka." Sinubukang pagaanin ni Quincy ang loob ni James.

"Matagal ko na sanang sinabi sa kanya kung kaya ko lang." Ang malungkot na sinabi ni James. Pagkatapos, bumuntong hininga siya, "Hayaan mo na, kalimutan na lang natin ang tungkol dito. Dalhin mo ako sa Sky Repair Shop sa suburbs."

“James…”

“Hmm?”

Nagtatakang tumingin sa kanya si James. "Anong problema?"

Binuka at sinara ni Quincy ang kanyang bibig ng walang sinasabi. Pagkatapos ay bumuntong hininga siya. "Tutulungan kita sa pagkakataong 'to."

“Huh?”

Hindi pa rin alam ni James kung ano ang nangyayari.

Pin
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo