Alam ni James na may kasalanan siya kay Brielle. Gayunpaman, hindi niya gusto ng iba pang hindi pagkakaunawaan. Kung kaya't pinili niyang umalis at bumalik sa sarili niyang tinitirahan. Nakabalik na si Thea at nakaupo sa isang bangko sa labas ng bakuran. Hindi siya nagulat na makita si James na bumalik nang ganito kabilis dahil alam na alam niya ang pagkatao ni James. Tumayo siya at palabirong nagtanong, "Bakit ang bilis mo namang bumalik? Dapat sinamahan mo muna siya. Sa nagdaang ilang taon, naglakbay siya kasama ko para hanapin ka." Lumapit si James, umupo, at namomroblemang ngumiti. "Noon, pinakasalan ko lang siya para nakawin ang bodhi tree. Gayunpaman, kailangan ko ngang humingi ng tawad sa kanya. Kailangan kong maghanap ng pagkakataon para makabawi sa kanya."Umupo rin ulit si Thea. "Siya nga pala, anong susunod mong gagawin?"Nag-isip sandali si James at nagsabing, "Hindi pa nagagawa ang elixir para pahinain ng sumpa, at hindi tiyak kung gaano katagal itong magagaw
Pagkatapos umalis ng lahat sa bundok, nalaglag ang singsing sa kamay ni James. Pagkatapos, patuloy itong lumaki hanggang sa maging isang malaking espasyo. Nang nakita niyang lumitaw ang Celestial Abode sa tuktok ng bundok, nakuntento si James. Bumulong siya, "Mananatili ako rito sa ngayon at hihintaying dumating ang third providence pati na rin ang curse-suppressing elixir."Simpleng kumumpas si James. Bumukas ang gate ng Celestial Abode. Pumasok siya sa loob at lumitaw sa isang bundok sa labas ng lungsod ng Celestial Abode. Puno ng Spiritual Energy ang bundok at napakaraming prutas ang nakatanim sa lugar. Ang lahat ng mga prutas na ito ay naglalaman ng matinding kapangyarihan. Ang lahat ng nasa loob ng Celestial Abode ay pagmamay-ari ni James. Nang nakita niya ang mga bagay sa paligid niya, nakaramdam ng kaunting tagumpay si James. Humakbang siya at bumaba sa bundok. Hindi nagtagal, nakarating siya sa city gate at naglakad papunta sa City Lord's Mansion. Pagkatapos la
Ang misteryosong pinto ay puno ng makapangyarihang enerhiya. "Iyan ang South Heaven Gate."Habang pinag-uusapan ng mga henyo ang Divine Door, isang boses ang bilang narinig. Nang narinig nila ang boses, maraming nilalang ang lumingon para hanapin ang pinagmulan nito. Isang lalaking nakaputing balabal na may dalang espada ang lumapit. Hindi siya kagwapuhan pero disente and itsura niya. "Walganus?" Nagsalubong ang kilay ni James. Lumapit siya kay Walganus at nagtanong, "Alam mo ba ang pinagmulan ng pintong ito?"Maraming henyo ang tumitig kay Walganus. Hinihintay nila ang sagot niya. Tinitigan ni Walganus walganus ang Divine Door at binalikan ang mga alaala niya. Pamilyar siya sa Divine Door. Noon, dati niyang pinaglalaruan ang pintong ito. Pagkatapos ng isang sandali, tumango siya at nagsabing, "Oo. Alam ko kung saan ito nanggaling.""Sir, anong pinagmulan ng Divine Door na ito?""Oo nga. Diretsuhin mo na at sabihin mo sa'min.""Ito ba ang third providence?"Tina
Pinunasan ni Walganus ang dugo sa mga labi niya at nagsabing, "Alam ko. Mukhang maaga akong nagising at nalampasan ko ang pagkakataon kong makuha ang providence."Nagtanong si James, "May maitutulong ba ako sa'yo?"Huminga nang malalim si Walganus para pakalmahin ang sarili niya. "Noong Ancient Heavenly Court Age, napakaraming Supernatural Powers at Secret Arts ang naroroon. Gayunpaman, ang pinakamalakas sa kanila ay tinatawag na Three-Thousand Cultivation Arts. Isa itong natatanging Supernatural Power na nakuha ng ama ko pagkatapos hulaan ang Heavenly Path.""Ang Three-Thousand Cultivation Arts?"Nagulat si James. Noong nasa Demon Realm siya, tinalo ni Sophie ang tatlong makakapangyarihan gamit ng Three-Thousand Cultivation Arts. Sabi ni Walganus, "Oo. Base sa nalalaman ko, tinala ng ama ko ang Three-Thousand Cultivation Arts sa Heavenly Book. Ang Heavenly Book ay ang kayamanan ng Ancient Heavenly Court. Gayunpaman, hindi ito nahanap sa buong kasaysayan."Kung kaya't hula k
Hindi talaga alam ni James kung anong sasabihin kay Brielle. Pinaglaruan niya ang nararamdaman niya at ninakaw niya ang bodhi tree ng pamilya niya pagkatapos ng kasal nila.Kahit na anong mangyari, gustong mabawi ni Brielle ang bodhi tree, na mahalaga para sa pagtatagal ng Labhrann Clan.Para naman sa kasal niya kay James, hindi pa napag-isipan ni Brielle kung paano ito haharapin. Gayunpaman, kinilala na niya si James bilang asawa niya sa loob-loob niya. Sa kabila nito, hindi siya gustong tanggapin ni James at wala siyang magagawa. Nakangiting nagsabi si Qusai, "James, hayaan mo nang sumama si Brielle sa'tin. At saka hindi ba nabanggit ni Henrik na pambihira si Brielle at siya ang unang makakarating sa Emperor Rank sa Apocalypse Age? Higit pa roon, napakaswerte niya kaya sigurado akong mababahaginan ka ng biyaya niya pag nasa paligid siya."Nang marinig ito, tumingin si James kay Brielle. Sinabi nga ni Henrik na si Brielle ang unang magiging Grand Emperor sa hinaharap. M
Tumingin si James sa kanya at nagtanong, "Pupunta ka rin ba sa dating Ancient Heavenly Court?"Sabi ni Maxine, "Syempre naman! Paano ko palalampasin ang pagkakataong ito?"Tumingin si Thea kay Maxine. Kilalang-kilala niya ang pagkatao ni Maxine. Malambing na tinawag ni Maxine si Thea, "Thea."Mahinang tumango si Thea sa pagbati niya. Lumapit si Thea kay James, inunat ang mga kamay niya, at inayos ang kwelyo ni James. Malambing niya siyang pinaalalahanan, "Sige na. Mag-iingat ka sa paglalakbay mo. Hihintayin ko sa Earth ang pagbabalik mo."Nakangiting nagsabi si James, "Wag kang mag-alala. Magiging ayos lang ako."Pagkatapos ng maikling pag-uusap kay Thea, naglakad si James papunta sa South Heaven Door. Marami ang nagtitipon sa South Heaven Door at naghihintay para kay James. "Handa ka na ba, James?" tanong ni Qusai. Tumango si James. "Oo."Nasasabik na nagsabi si Brielle, "Ang Ancient Heavenly Court, ang pinakanakakatakot na mga nilalang sa Ancient Heavenly Court Age.
Hindi inasahan ni James na pamilyar pala si Qusai sa scripts mula sa Ancient Heavenly Court Age. Tinignan ni Qusai ang malaking stone tablet sa harapan. Pagkatapos itong suriin nang ilang sandali, nagsabi siya, "Tungkol ito sa kasaysayan ng Ancient Heavenly Court Age."Sabi ni James, "Pakinggan natin."Tumango si Qusai at nagsabing, "Sa simula ng Ancient Heavenly Court Age, nagkagulo ang kalawakan at namomroblema ang lahat ng nilalang. Ang founder ng Ancient Heavenly Court, ang Jade Emperor, ay nagkusa at ginawa ang Ancient Heavenly Court. Pagkatapos, sila ang naging pinakamalakas na pwersa sa panahong iyon at kinontrol nila ang kalawakan."Nakatala rin sa stone table ang mga narating ng Jade Emperor sa buong kasaysayan. "Sinabing sumailalim siya sa labing-walong libong tribulations, ang bawat isa nito ay nagtagal ng tatlong daan at tatlompung taon. Pagkatapos nito, siya ang naging Lord ng Ancient Heavenly Court."Maikling kwinento ni Qusai ang mga bagay na nakasulat sa stone
Hinawakan ni James ang baba niya at bumulong, "Ang War God Palace? Ito ba ang palasyo ng War God ng Ancient Heavenly Court Age? Hindi ba siya ang ama ni Sophie? Kung ganun, dito ba nakatira si Sophie noong bata pa siya?"Sabi ni Qusai, "Tara na at tignan natin."Lumapit ang grupo at sinubukan ni James na itulak pabukas ang gate. Gayunpaman, hindi bumukas ang gate. Kahit gaano katinding pwersa ang gamitin ni James, hindi niya ito mabuksan. "Subukan ko."Lumapit si Qusai at sinubukang itulak ang gate gamit ng buong lakas niya, pero wala siyang napala. Nanlulumo niyang sabi, "Hindi ko rin to mabuksan. Mukhang may formation na pumipigil sa'ting buksan ang gate at pumasok."Tanong ni James, "Kung ganun, anong dapat natin gawin?"Umiling si Qusai at nagsabing, "Paano ko malalaman yun?"Sa sandaling iyon, tinuro ni Maxine ang istatuwa sa gate at nagsabing, "Hindi kaya ang istatuwang ito ang susi sa pagbukas sa gate? Narinig ko sa guro ko noon na naglalagay ng istatuwa sa gates nil