Nabigla ang Elder ng Blade Sect.Hindi kapani-paniwala ang swordsmanship ni James.Samantala, ngumiti lang si James sa kanya.Itinago ni James ang Primordial Dragon Blade at tinignan ang Elder ng Blade Sect, at nagtanong habang nakangiti, “Maaari na ba akong pumasok sa Blade Sect at tignan ang kakaibang swordsmanship ninyo?”Nahimasmasan ang Elder ng Blade Sect. Huminga siya ng malalim, tinignan si James, at sinabi, “Hindi ko inaasahan na talentado ng husto ang batang katulad mo. Ang dalawa lang na makakapantay sa kakayahan mo ay ang Sect Leader at ang Grand Patriarch.”Pinuri ng husto ng Elder ng Blade Sect si James.Hindi pa niya nakikita ang swordsmanship na ipinamalas ni James.Ngunit, alam ng Elder ng Blade Sect na may katapat pa din ang swordsmanship ni James.Pakiramdam ng Elder ng Blade Sect na ang katapat lang ni James pagdating sa swordsmanship ay ang kasalukuyan na Sect Leader at Grand Patriarch nila.“Nangako akong isasama kita papasok sa Blade Sect kapag natalo ako. Maaari
Maaari lamang magpatuloy ang isang indibidwal sa larangan ng cultivation kung stable ang kanyang Cultivation Heart.Samantala, ang Sword Intent ang isa sa pinakamahalaga na aspeto ng Swordsmanship.Ang Sword Intent at Sword Heart ay magkaduktong. Maaapektuhan ng husto ng Sword Heart ang Sword Intent.Kung puno ng murderous intent ang puso ng isang tao, mapupuno din ng murderous intent ang swordsmanship niya.Samantala, kalmado ang Sword Intent ng isang indibidwal kapag payapa ang puso ng isang tao.Ito ang mga pundasyon ng swordsmanship. Mga basic na aspeto lamang ang naiintindihan ni James base sa kasalukuyan niyang estado.Ang way of swordsmanship ay malawak at malalim. Maraming mga powerhouse ang ginugugol ang buong buhay nila para maintindihan ang essence nito pero hindi nila nagawa.Umasta si James na tila master at tinuruan si Sheldon.“Hindi ako pamilyar sa swordsmanship na ginagamit mo, pero sa tingin ko ang lumikha ng swordsmanship mo ay mainitin ang ulo. Maaaring hindi siya t
Hindi mahabang panahon at hindi rin maikling panahon ang kalahating taon.Matiyagang naghintay si James na matapos ang paghahanap ng mga disipulo ng Elder ng Blade Sect sa lungsod.Sa mga oras na ito, nagbigay siya ng payo kay Sheldon.Matapos matutunan ni Sheldon ang way of swordsmanship ni Sheldon, sinubukan niya itong intindihin.Matapos umalis ni James, pinag-isipan ito ni Sheldon bago nagdesisyon na isuko ang kasalukuyan na way of swordsmanship niya.Naupo ng lotus position si Sheldon sa hardin ng lungsod. Nakakatakot na enerhiya ang nagmula sa katawan niya at ginamit niya ang Sage Energy niya para alisin ang dati niyang swordsmanship.Inalis niya ng husto ang swordsmanship at gusto niyang kumuha ng bago.Sapagkat matagal niya itong ginamit, matinding tapang ang kinailangan niya para isuko ito. Ang pangkaraniwan na cultivator ay hindi magagawa na kalimutan ang swordsmanship nila na matagal nilang pinaghirapang aralin.Samantala, nilisan ni James ang lungsod at nakaupo sa isang bea
Nag-usap ang dalawa tungkol kay James habang nagsasanay siya at iniitindi ang way of swordsmanship niya.Hindi siya sigurado kung tama ang pagkakaintindi niya, pero sinubukan niya pa din ito.Base sa pagkakaintindi niya, ang kahit anong set ng swordsmanship ay mahahati sa Five Great Sword Realms.Sa ngayon, ang naiintinidihan pa lang niya mula sa Five Great Sword Realm’s ay ang First and Second Stages. Pero, hindi pa niya naiintindihan ang Five Great Sword Realm’s Third, Fourth at Fifth Stages.Ipinikit ni James ang mga mata niya.Naisip niya ang mga basic na sword technique.Ang First Lunar ang Terra Sword Art ay ginagamit ang True Lunar and Terra Energy. Mabagsik ito, mapagmataas at hindi mahulaan na sword technique na ginagamit ang kapangyarihan ng Lunar at Terra.Ngunit, tumigil na si James sa paggamit ng True Lunar and Terra Energy.Bigla siyang kumilos.Sa isang iglap, nagpakita ang katawan niya sa ere.Sa oras na iyon, ang pakiramdam niya sa puso niya ay may rumaragasang tsunami
Pinanood ni Sophie si James na magsanay mula sa Celestial Abode. Para kina Sophie at Nova na nakarating na sa mataas na cultivation rank, simula pa lang ang natutunan ni James kamakailan. Gayunpaman, hindi madali para sa isang taong nasa cultivation rank niya na marating ang ganito. Pinuri siya ni Sophie, "May simple siyang pag-unawa sa Sword Heart at Sword Intent. Kahit na ito pa lang ang simula, nakakamangha na nakarating siya sa puntong ito nang mag-isa. Gayunpaman, mahihirapan siyang maintindihan ang Singularity." Bumuntong-hininga si Nova. "Oo. Kailangan niyang marating ang Divine Rank bago niya tuluyang maintindihan ang Singularity." Nagkomento ang dalawa sa mga narating ni James. Gayunpaman, walang kaalam-alam si James. Sinanay niya ang swordsmanship na naunawaan niya pati ang Four Stages of the Five Great Sword Realms, sabay pinakita ang laman ng isipan niya. Ang bawat isang kilos na pinakita niya ay nagpakita ng napakalakas na swordsmanship na habangbuhay na hi
Hindi ginulo ni Sheldon si James. Dahil gabi na, balak ni James na matulog sandali. Kahit na kaya niyang mabuhay nang hindi kumakain at hindi natutulog nang matagal na panahon sa kasalukuyan niyang cultivation rank, masaya pa ring matulog. Nang matutulog na sana siya, nakarinig siya ng katok sa pinto niya. Lumapit si James at binuksan ang pinto. Pumasok si Walganus sa kwarto at umupo sa isang bangko. Tumingin siya kay James at nagsabing, "Kalmado ka nga talaga. Pupunta tayo sa Blade Sect sa susunod na ilang buwan. Hindi ba dapat nag-iisip ka ng paraan para makuha ang Crepe Myrtle Divine Sword?"Lumapit si James at umupo. Kumibit-balikat siya at nagsabing, "Alam mo dapat na may divine objects ang Seafolk na tumutulong sa kanilang hindi maapektuhan ng sumpa ng mundong ito. Nasa Grand Patriarch ng Seafolk ang Crepe Myrtle Divine Sword at malamang ay napakataas ng cultivation rank niya. Ano palang dapat kong gawin?""Konektado ito sa kung makukuha mo ang swordsmanship inheritance
Nalaman ni James mula kay Walganus na ang Third Calamity ay may kinalaman sa mga sumpa. Gayunpaman, hindi alam ni Walganus ang eksaktong detalye ng Third Calamity. Kung kaya't bumaling si James kay Sophie sa Celestial Abode para magtanong. "Ms. Sophie, "talaga bang konektado sa mga sumpa ang Third Calamity' ng Earth?" tanong ni James.Hindi nagtagal, narinig ang boses ni Sophie mula sa Celestial Abode. "Nararamdaman ko lang na papalapit na ang Third Calamity. Malamang ay mangyayari ito sa loob ng sampung taon. Gayunpaman, hindi ko matukoy kung anong klaseng kalamidad ito.""Sampung taon?"Naramdaman ni James na sumikip ang dibdib niya. Para bang mahabang panahon ang sampung taon, pero kakaunti lang talaga ito. Para sa malalakas na cultivators, lumilipas ang sampung taon sa isang kurap lang. Huminga nang malalim si James. Kailangan niyang makuha ang Crepe Myrtle Divine Sword at ang Imperial Jade Seal ng Sangria at tanggalin ang Sumpa sa Sangria pati na rin ang seal sa
Nakaupo ang Elder ng Blade Sect sa head seat ng sala ng City Lord's Mansion. Samantala, nakaupo si James sa tabi niya. Lumapit ang mga katulong ng City Lord's Mansion dala ang ilang kalidad na spiritual fruits at nilagay ito sa mesa sa harapan ni James. Hinimas ng Elder ng Blade Sect ang puti niyang balbas at nakangiting nagsabi, "Anong problema, James?"Tumayo si James, pinagsalikop ang mga kamao niya, at nagsabing, "Sir, balak kong pumunta nang maaga sa Blade Sect. Pwede mo ba akong bigyan ng token para makapasok ako nang maayos?"Kumunot ang noo ng Elder ng Blade Sect at nagsabing, "Nagmamadali ka bang pumunta sa Blade Sect?""Mhm." Tumango si James. Nagtanong ang Elder ng Blade Sect, "Bakit?"Hindi sinabi ni James ang totoo pero gumawa siya ng palusot. Pagkatapos ng kaunting pagdadalawang-isip, naglabas ng token ang Sect Elder ng Blade Sect at inabot ito kay James, sabay nagsabing, "Ito ang token ko. Makakapasok ka nang walang problema sa Blade Sect gamit nito. Pero,