Hinintay ni James ang muling pag-atake ng Korinthian Army sa Macchia City.Subalit, hindi kumilos ang Korinthian Army sa mga sumunod na araw.Walang kaalam-alam si James na nagtungo na sa Macchia City ang Patriarch ng Korinth Sect. Subalit, sa kabila ng pagiging isang Sage na nasa Eighth Stage, hindi siya makapasok sa Macchia City upang mag-imbestiga dahil sa napakahigpit na seguridad sa lugar.Dahil hindi siya makapasok sa Macchia City, wala siyang nagawa kundi bumalik sa Yantargh Canyon at puntahan ang Korinthian Army.“Anong sitwasyon doon, Sir?”Tinanong ng chancellor ang Patriarch pagdating niya sa Yantargh Canyon.Ang sabi ng Patriarch ng Korinth Sect ng may seryosong tono, “Mahigpit ang seguridad sa Macchia City, kaya hindi ako makapasok sa siyudad.”Nagtanong ang chancellor, “Kung ganun ano na ang gagawin natin ngayon?”Nag-isip sandali ang Patriarch ng Korinth Sect at sinabing, “Wala tayong ibang pagpipilian kundi ang sugurin ang siyudad. Ipaalam mo sa iba ang tungkol
Nanatili silang apat sa lugar pansamantala habang hinihintay nila ang pagdating ng Korinthian Army.Nanatili silang mahinahon dahil alam nila na ang pinakamalakas na tao sa Korinth ay ang Patriarch ng Korinth Sect.Maliban kay Delainey, ang tatlong tao na nandito ay kayang talunin o kaya’y patayin ang Patriarch ng Korinth Sect ng walang kahirap-hirap.“Ipaubaya mo na sa’kin ‘to, Kamahalan.”Humakbang si Winnie paharap at tumingin siya kay James ng puno ng determinasyon.Habang patuloy na tumataas ang cultivation rank ni Winnie, lalong lumalakas ang kanyang Scythe of Judgement. Gayunpaman, hindi pa siya nakaranas ng isang tunay na laban at hindi niya alam kung gaano ba talaga kalakas ang kanyang Scythe of Judgement.“Hindi pwede.”Hindi pumayag si James sa kahilingan ni Winnie na lumaban ng mag-isa.“Dito ka muna at huwag kang kikilos ng wala ang utos ko.”“S-Sige,” Nag-atubiling sumagot si Winnie.Samantala, nanatiling tahimik si Delainey. Kahit na naabot na niya ang Fifth St
”Umatras kayo,” ang utos ni James.Ang kalaban niya sa pagkakataong ito ay hindi isang ordinaryong tao kundi isang Sage na nasa Eighth Stage.Kahit na nasa Fifth Stage na ng Sage Rank ang pisikal na lakas ni James, ang kalaban niya ay mas mataas ng tatlong stage kaysa sa kanya at posibleng masira ang depensa ng kanyang katawan o kaya’y posible rin na mapatay siya ng kanyang kalaban.Gagamitin na sana ni James ang Sacrilegious Ascension, ang dragon bone, at ang Five Elements of Genesis upang palakasin ang kanyang sarili. Bago pa man siya makakilos, nauna nang sumugod si Winnie.“Ang aming Emperador ang pinakamarangal na tao sa aming bansa. Hindi ka karapatdapat na maging kalaban ng Kamahalan. Kung gusto mo siyang makalaban, kailangan mo munang dumaan sa’kin.”Lumutang sa ere si Winnie.Suot ang makintab na gintong baluti, napakaganda ng itsura niya habang sumasayaw sa hangin ang kanyang mahaba at kulay itim na buhok.“Ang babaeng ‘to.” Naiinis na tumingin si James kay Winnie.A
Noong nakita niya na nasaktan si Winnie, gustong mangialam ni James sa laban.Subalit, naramdaman niya ang napakalakas na aura na nagmumula kay Winnie.Alam niya na malamang ito ang Scythe of Judgement dahil ito lamang ang itinatagong alas ni Winnie.Nakita na niya ang Scythe of Judgement noon ngunit hindi siya sigurado kung gaano ito kalakas.Dala ng kuryusidad, hindi siya sumugod upang makialam sa labanan bagkus ay naghintay at nanood siya. Kung talagang nasa panganib si Winnie, kikilos siya agad.Matapos sugatan ng Patriarch ng Korinth Sect si Winnie sa kanyang unang pag-atake, naramdaman din niya ang malakas na puwersa na nagmumula sa katawan ni Winnie.“Kakaiba ang babaeng ito.”Tumingin sa harap ang Patriarch ng Korinth Sect ng may kaba, at tumindi ang pagnanais niyang pumatay.Ang pinakamahalagang bagay ay ang patayin ang kanyang kalaban sa lalong madaling panahon.Matapos siyang magdesisyon na patayin si Winnie, lalo ring tumindi ang enerhiya na nagmumula sa kanyang ka
Mayroong malamig na ekspresyon sa mukha ni Winnie.Hawak niya ang itim na kalawit.Lumabas ang itim na enerhiya mula sa kalawit at nagtipon ito upang bumuo ng isang phantom scythe.Nasa 100 metro ang haba ng kalawit at nagmumula dito ang napakalakas na kapangyarihan.Maging si James ay nagulat at nagsalita siya nang makita niya ito, “Pambihira ang lakas nito.”Sa mga sandaling iyon, ginamit ng Patriarch ng Korinth Sect ang buong lakas niya at sinugod niya si Winnie upang patayin siya.Noong kumilos ang Patriarch, wumasiwas pababa sa kanya ang kalawit ni Winnie na gawa sa itim na enerhiya.Tumama ang itim na kalawit sa Patriarch ng Korinth Sect. “Argh!!!” Sumigaw ang Patriarch ng Korinth Sect.Nanigas siya sa ere at hindi siya makapaniwala sa nangyari.“Argh! Hindiii…”Umalingawngaw sa kalangitan ang kanyang boses.Habang umaalingawngaw ang boses ng Patriarch ng Korinth Sect, ang itim na kalawit ay tumama sa kanyang katawan at sumabog siya. Nabura siya sa isang iglap.“Ano
Pinagsabihan ni James si Winnie.Gayunpaman, siya ang dapat na umayos sa problemang ito, at ayaw niyang dungisan ang mga kamay ni Winnie habang ginagawa niya iyon.Itinabi ni Winnie ang Scythe of Judgment, at bumalik sa normal ang kanyang ekspresyon. Tumingin siya kay James at inilabas ang kanyang dila, at sinabing, “Hindi mo naman ako pagagalitan dahil sumugod ako sa labanan nang wala ang utos mo, di ba?”Gusto siyang pagalitan ni James ngunit hindi niya magawa.“Siguraduhin mong hindi mo na uulitin ang ginawa mo.”“Sige, naiintindihan ko.” Masunurin namang tumango si Winnie.Ang Korinthian Army ay dumanas ng matinding pagkatalo.Ang walang hirap na pagsalakay ni Winnie gamit ang Scythe of Judgment ay naging sanhi ng pagkamatay ng ilang milyong sundalo.Matapos masaksihan ang kalupitan ng mga pwersa ng Sangria, nawalan ng gana ang chancellor na lumaban.Biglang sumulpot si James sa harap ni Chancellor Ylfioss.“Ikaw…”Natakot si Ylfioss sa kanya at agad siyang umatras palay
Ang nakangiting sinabi ni James, “Napakalawak ng mundo, at naglalaman ito ng maraming kababalaghan. Ano ang kakaiba sa kanya? Ang Sangria ay itinuturing na isa sa pinakamalaking bansa sa Galileo. Karaniwan na para sa mga malalakas na cultivator na nanatiling nakatago sa panahon nila bilang mga sundalo."Sumimangot si Walganus at sinabing, "Ang pinaghihinalaan ko ay ang kanyang sandata."Tumingin si James kay Walganus at nagtanong, “Oh? Anong problema? Pamilyar ba sa’yo ang sandata niya?""Sa tingin ko, pero hindi pa ako sigurado.""Saan galing ang sandata niya?" Ang tanong ni James.“Kalimutan mo na. Hindi mo rin malalaman kahit sabihin ko sa’yo." Hindi na nagpaliwanag pa si Walganus. Dahil isa itong sandata mula sa Primeval Age, naisip niyang walang alam si James kahit na ipaliwanag niya ito sa kanya.Pagkatapos, nagpatuloy si James sa pananatili sa Macchia City.Sa pagkakataong ito, tuluyan nang inalis ng Korinthian Army ang kanilang mga kawal mula sa Yantargh Canyon at bumali
Ang mga pag-atake ng Korinth sa Sangria ay nakakuha ng atensyon ng lahat ng mga bansa sa Galileo.Pagkatapos mamatay ng Patriarch ng Korinth Sect, natapos ang tungkol dito.Nagulat ang mga powerhouse sa buong planeta sa lakas na ipinakita ng Sangria."Ang Sangria ay isang napakalakas na bansa.""Hindi ko inaasahan na magkakaroon ng isang powerhouse na kayang patayin ng walang kahirap-hirap ang Patriarch ng Korinth Sect sa Sangria.""Narinig ko ang mga alamat ng isang nakatadhana sa Sangria na ipinasa mula noong sinaunang panahon. Nabalitaan ko na sa wakas ay nagpakita na siya. Ang taong ito ay hindi tinatablan ng sumpa ng bansa at nakatakda niyang makuha ang mga kayamanan na nakatago sa Crepe Myrtle Sword Pavillion at sa Sangria.""Malamang ang nakatadhana ay ang bagong Emperador ng Sangria, si James Caden.""Hindi ba ibinalita ng Sangria na hinahanap nila ang Crepe Myrtle Divine Sword at ang Imperial Jade Seal ng Sangria? Gagantimpalaan nila ang sinumang magbibigay ng impormasy