Mayroong malamig na ekspresyon sa mukha ni Winnie.Hawak niya ang itim na kalawit.Lumabas ang itim na enerhiya mula sa kalawit at nagtipon ito upang bumuo ng isang phantom scythe.Nasa 100 metro ang haba ng kalawit at nagmumula dito ang napakalakas na kapangyarihan.Maging si James ay nagulat at nagsalita siya nang makita niya ito, “Pambihira ang lakas nito.”Sa mga sandaling iyon, ginamit ng Patriarch ng Korinth Sect ang buong lakas niya at sinugod niya si Winnie upang patayin siya.Noong kumilos ang Patriarch, wumasiwas pababa sa kanya ang kalawit ni Winnie na gawa sa itim na enerhiya.Tumama ang itim na kalawit sa Patriarch ng Korinth Sect. “Argh!!!” Sumigaw ang Patriarch ng Korinth Sect.Nanigas siya sa ere at hindi siya makapaniwala sa nangyari.“Argh! Hindiii…”Umalingawngaw sa kalangitan ang kanyang boses.Habang umaalingawngaw ang boses ng Patriarch ng Korinth Sect, ang itim na kalawit ay tumama sa kanyang katawan at sumabog siya. Nabura siya sa isang iglap.“Ano
Pinagsabihan ni James si Winnie.Gayunpaman, siya ang dapat na umayos sa problemang ito, at ayaw niyang dungisan ang mga kamay ni Winnie habang ginagawa niya iyon.Itinabi ni Winnie ang Scythe of Judgment, at bumalik sa normal ang kanyang ekspresyon. Tumingin siya kay James at inilabas ang kanyang dila, at sinabing, “Hindi mo naman ako pagagalitan dahil sumugod ako sa labanan nang wala ang utos mo, di ba?”Gusto siyang pagalitan ni James ngunit hindi niya magawa.“Siguraduhin mong hindi mo na uulitin ang ginawa mo.”“Sige, naiintindihan ko.” Masunurin namang tumango si Winnie.Ang Korinthian Army ay dumanas ng matinding pagkatalo.Ang walang hirap na pagsalakay ni Winnie gamit ang Scythe of Judgment ay naging sanhi ng pagkamatay ng ilang milyong sundalo.Matapos masaksihan ang kalupitan ng mga pwersa ng Sangria, nawalan ng gana ang chancellor na lumaban.Biglang sumulpot si James sa harap ni Chancellor Ylfioss.“Ikaw…”Natakot si Ylfioss sa kanya at agad siyang umatras palay
Ang nakangiting sinabi ni James, “Napakalawak ng mundo, at naglalaman ito ng maraming kababalaghan. Ano ang kakaiba sa kanya? Ang Sangria ay itinuturing na isa sa pinakamalaking bansa sa Galileo. Karaniwan na para sa mga malalakas na cultivator na nanatiling nakatago sa panahon nila bilang mga sundalo."Sumimangot si Walganus at sinabing, "Ang pinaghihinalaan ko ay ang kanyang sandata."Tumingin si James kay Walganus at nagtanong, “Oh? Anong problema? Pamilyar ba sa’yo ang sandata niya?""Sa tingin ko, pero hindi pa ako sigurado.""Saan galing ang sandata niya?" Ang tanong ni James.“Kalimutan mo na. Hindi mo rin malalaman kahit sabihin ko sa’yo." Hindi na nagpaliwanag pa si Walganus. Dahil isa itong sandata mula sa Primeval Age, naisip niyang walang alam si James kahit na ipaliwanag niya ito sa kanya.Pagkatapos, nagpatuloy si James sa pananatili sa Macchia City.Sa pagkakataong ito, tuluyan nang inalis ng Korinthian Army ang kanilang mga kawal mula sa Yantargh Canyon at bumali
Ang mga pag-atake ng Korinth sa Sangria ay nakakuha ng atensyon ng lahat ng mga bansa sa Galileo.Pagkatapos mamatay ng Patriarch ng Korinth Sect, natapos ang tungkol dito.Nagulat ang mga powerhouse sa buong planeta sa lakas na ipinakita ng Sangria."Ang Sangria ay isang napakalakas na bansa.""Hindi ko inaasahan na magkakaroon ng isang powerhouse na kayang patayin ng walang kahirap-hirap ang Patriarch ng Korinth Sect sa Sangria.""Narinig ko ang mga alamat ng isang nakatadhana sa Sangria na ipinasa mula noong sinaunang panahon. Nabalitaan ko na sa wakas ay nagpakita na siya. Ang taong ito ay hindi tinatablan ng sumpa ng bansa at nakatakda niyang makuha ang mga kayamanan na nakatago sa Crepe Myrtle Sword Pavillion at sa Sangria.""Malamang ang nakatadhana ay ang bagong Emperador ng Sangria, si James Caden.""Hindi ba ibinalita ng Sangria na hinahanap nila ang Crepe Myrtle Divine Sword at ang Imperial Jade Seal ng Sangria? Gagantimpalaan nila ang sinumang magbibigay ng impormasy
“Huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo na,” malamig na sagot ni Xanthe.Sumagot si Walganus, “Gusto ko malaman ang tungkol sa Crepe Myrtle Divine Sword.”Nagsalita si Xanthe, “Ang Crepe Myrtle Divine Sword ay matagal ng nawala. Mahigit sa bilyong taon na ito simula ng mawala. Paano ko malalaman ang tungkol sa isang bagay na ganoon katagal ng nawawala?”Hindi naniniwala si Walganus sa mga sinambit ni Xanthe.“Pakiramdam ko may nalalaman ka at ayaw mo sabihin. Ginagawa ko ito para sa kapakanan mo, Xanthe. Matapos ko mahanap ang Crepe Myrtle Divine Sword, maalis ko ang sumpa sa Crepe Myrtle Sword Pavillion at makukuha ang pamanang swordsmanship ng Ancestral Sword Master. Hindi lang mawawala ang sumpa ng Sangria, pero pati ang seal sa mundong ito at maalis na din.”“Kapag dumating na ang panahon na ito, hihigit na sa isang milyon ang edad ng mga tao. Ang ginagawa ko ay para sa kapakanan ng mundo.”“Gusto ko na sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo.”“Oo nga pala, may dala din
Tinulungan ni Sophie si James makahanap ng clue tungkol sa kinaroroonan ng Crepe Myrtle Divine Sword.“Sapagkat konektado sa maraming mga misteryo sa mundo ang lokasyon ng Crepe Myrtle Divine Sword, maaaring espada ito na higit sa Grand Emperor Rank. Sapagkat hindi ako Grand Emperor, hindi ko mahanap ang eksaktong lokasyon nito. Ang nakita ko lang na impormasyon ay kailangan mo tumungo sa teritoryo ng Seafolk.”Hindi mahanap ni Sophie ang eksaktong lokasyon ng Crepe Myrtle Divine Sword pero nakahanap naman siya ng clue. Sapat na ito para tulungan si James.Nagpasalamat si James, “Salamat, Ms. Sophie.”Mas magiging madali para kay James hanapin ang Crepe Myrtle Divine Sword kung may kaunting impormasyon siya sa lokasyon nito.Nagmadali siyang umalis ng Celestial Abode at bumalik sa Sangria Palace. Pagkatapos, nagpadala siya ng tauhan para hanapin si General Quinella.Naupo ng lotus position si James sa isang bato sa hardin sa likod ng palasyo at tumingin sa malayo.Hindi nagtagal, lumap
Hindi nagpaliwanag masyado si James kay Walganus. Sa halip, ang sinabi lang niya ay, “Maghintay ka lang ng matiyaga.”Matapos ito sambitin ni James, bumalik si James sa kuwarto niya para magpahinga.Samantala, ginamit ni Quinella ang intelligence network ng Sangria para alamin ang tungkol sa Seafolk.Ang Seafolk ay nakatago mula sa mundo. Ang karamihan sa kanila ay umiiwas na isiwalat ang sarili nila, pero may iilang mga namumukod tangi dito.Kahit na bibihira ito, may iilan sa kanila na naglalakbay sa mundong ito.Maraming mga cultivator sa Galileo. Ang ilan sa kanila ay naglalakbay sa dagat para maghanap ng kayamanan. Kaya, ang ilan ay nakakapasok ng walang pahintulot sa teritoryo ng Seafolk.Sampung araw ang lumipas sa isang kisapmata.Nakakuha ng impormasyon si Quinella tungkol sa Seafolk.“Kamahalan.”Lumuhod ng isang tuhod si Quinella.Kumaway lang si James at sinabi, “Sige, maaari ka ng tumayo.”Tumayo si Quinella noong nagbigay ng permiso si James.“May nalaman ka ba tungkol sa
Nag-aalala si James na baka magpadala ng hukbo ang Korinth kapag nilisan niya ang Sangria.Kaya, nagsama siya ng dalawang tao mula sa Celestial Abode para lihim na protektahan ang bansa.Imposible para sa Korinth na masakop ang Sangria sa tulong ng dalawang makapangyarihan na babae na nasa Sage Rank’s Fifteenth Stage kahit na gaano pa karami ang ipadala nila.Matapos masiguro ang kaligtasan ng Sangria, hinintay ni James na puntahan siya ni Walganus.Nakipagkita sa kanya si Walganus matapos ang ilang araw.Sinamahan siya ni Yanina, na bagong Sword Master ng Crepe Myrtle Sword Pavillion.Elegante si Yanina at mukhang bihasa. Nakasuot siya ng kulay lila na dress.“James, ipapakilala ko kayo sa isa’t isa. Ito ang bagong Sword Master ng Crepe Myrtle Sword Pavillion, si Yanina Hailety. Bago umalis si Xanthe, ipinasa niya ang posisyon bilang Sword Master kay Yanina.”Ipinakilala ni Walganus si Yanina kay James.Ngumiti si Yanina at binati ng magalang si James, “Isang karangalan ang makilala k