Kabanata 2645
”Umatras kayo,” ang utos ni James.

Ang kalaban niya sa pagkakataong ito ay hindi isang ordinaryong tao kundi isang Sage na nasa Eighth Stage.

Kahit na nasa Fifth Stage na ng Sage Rank ang pisikal na lakas ni James, ang kalaban niya ay mas mataas ng tatlong stage kaysa sa kanya at posibleng masira ang depensa ng kanyang katawan o kaya’y posible rin na mapatay siya ng kanyang kalaban.

Gagamitin na sana ni James ang Sacrilegious Ascension, ang dragon bone, at ang Five Elements of Genesis upang palakasin ang kanyang sarili. Bago pa man siya makakilos, nauna nang sumugod si Winnie.

“Ang aming Emperador ang pinakamarangal na tao sa aming bansa. Hindi ka karapatdapat na maging kalaban ng Kamahalan. Kung gusto mo siyang makalaban, kailangan mo munang dumaan sa’kin.”

Lumutang sa ere si Winnie.

Suot ang makintab na gintong baluti, napakaganda ng itsura niya habang sumasayaw sa hangin ang kanyang mahaba at kulay itim na buhok.

“Ang babaeng ‘to.” Naiinis na tumingin si James kay Winnie.

A
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP