Ang akala ni James tapos na ang Heavenly Tribulation. Pero, ang lightning tribulation sa kalangitan ay hindi nawala. Naramdaman niya ang presensiya ng lightning tribulation at tumingala siya.Sa kasalukuyan, nagbago ang lightning tribulation. Ang itim na tribulation ay naging rainbow-colored na. Misteryosong mga karakter ang nagpakita sa ere, at naging mala painting.Naguluhan si James.“Anong nangyayari, Sophie? Hindi ba’t sinabi mo na mayroon lamang nine Heavenly Tribulations? Ininda ko na ang siyam sa kanila. Bakit hindi nawala ang lightning tribulation at bagkus, nagmutate pa?”Naging malagim ang ekspresyon ni Sophie.Nararamdaman niya na kakaiba nag Heavenly Tribulation ni James at hindi ito matatapos ng ganoon lang. Ngunit, hindi niya malaman kung anong pagbabago ang mangyayari sa Heavenly Tribulation niya.“Hindi ko alam, James. Maaaring dito pa lang nagsisimula ang nakakatakot na parte. Hindi kita matutulugnan ngayon. Mag-iingat ka, okay?” narinig niya ang boses ni Sophie.Humi
Ang illusory painting ay nagpakita sa kalangitan. Habang nakalutan sa ere, ang painting ay nalikha gamit ang mga misteryosong mga letra. Tulad sa mga fantasy world, makikita ang mga bundok at mga ilog sa painting.Matinding puwersa mula sa misteryosong mundo ang humigop kay James at hindi niya ito malabanan. Habang papasok sa illusory world, naramdaman niya ang matinding puwersa sa katawan niya. Kahit na malakas ang pisikal na katawan niya, hindi pa rin siya mapakali at nararamdaman niyang napupunit ang balat niya. Pagkatapos, rumagasa ang sinaunang kapangyarihan sa ere at tinamaan ang pisikal na katawan niya at kaluluwa.Naramdaman niyang nahihilo siya.Inabot ito ng sampung segundo.Matapos ang sampung segundo, nakarating siya sa isang hindi kilalang mundo. Noong dumating siya sa kabundukan, sinuri niya ang paligid niya at bumulong, “Nasaan ako?”Sa harapan niya ay nagtataasang mga puno at masukal na gubat. Kulay grey ang kalangitan at mayroon lamang katahimikan sa paligid.Matapos b
“Maraming mga Ancestral God Noong Primeval Age. Pero, sa Ancient Heavenly Court Age at Primordial Age, walang nilalang na umabot sa Ancestral God Rank. Base sa sinaunang mga teksto, halos imposible na umabot sa Ancestral God Rank. Kailangan muna dumanas ng nakakatakot na Heavenly Tribulation ang isang tao. Kung hindi ako nagkakamali, ang pinagdadaanan ni James ngayon ay ang nakakatakot na Ancestral God Tribulation of the Primeval Age.”Nakita ni Walganus ang mga teksto ng Ancestral God Tribulation sa kinolekta ng sect niya. Ang mga sinaunang teksto ay hindi ipinasa mula noong Primeval Age. Nagmula lamang ito sa mga nilalang na nageffort ng husto matapos magextrapolate. Ang pinagdadaanan ni James ngayon ay katulad ng sa Ancestral God Tribulation.Tinignan siya ni Winnie at nagtanong, “Ano ang Ancestral God Tribulation?”Itinuro ni Walganus ang illusory painting sa ere at sinabi, “Ang mundong ito ay inilikha ng supreme Law’s of Heaven. Samantala, ang taong itinakda na dadaan sa tribulat
Nanlaki ang mga mata ni James habang nakatitig siya sa hindi mabilang na dami ng mga anino na nagpakita mula sa kawalan. Nakakaramdam siya ng pamilyar na aura mula sa mga anino.“H-Heavenly Path Embodiments?””Hindi makapaniwalang sigaw ni James.Totoo, ang mga ito ay mga Heavenly Path Embodiments.Matapos makita ang hindi mabilang na Heavenly Path Embodiments sa harapan niya, namutla si James at ang ekspresyon niya ay magkahalong hindi makapaniwala at takot. Pagkatapos, ang nanginginig niyang mga tuhod ay nanlumo. Sa unang pagkakataon, hindi niya gustong makipaglaban.“Oh Diyos ko…”Walang masabi si James.Alam ni James kung ano ang mga Heavenly Path Embodiment. May nagpakita sa kanya ng isang beses noon matapos magbreakthrough ng sunod-sunod. Nagawa lang ni James na talunin ito matapos gamitin ang buong lakas niya, na umubos ng husto sa enerhiya niya.Ngayon, sa oras na ito, hindi lang iisa ang kalaban niya. Base sa estima niya, halos nasa isang milyon ang dami nila.Natakot ng husto
Ang pangalawang lightning tribulation ay bumagsak mula sa kalangitan. Kasabay nito, isang hukbo ng mga Heavenly Path Embodiment ang sumugod sa kanya mula sa malayo. Sumugod sila ng military formation at nagtataglay ng matinding puwersa.Naramdaman ni James na ang mga Heavenly Path Embodiment ay nasa Mage Rank’s Third Stage. Kahit na mababa ang rank nila, Heavenly Path Embodiment sila na naabot ang rurok ng rank nila ay hindi mga cultivator lamang. Ang mga Heavenly Path Embodiment sa rank na ito ay madaling mapapatay ang mga cultivator na nasa Sage Rank ng ganoon lang kadali.Matapos makita ang walang katapusang dami ng Heavenly Path Embodiment, humingan ng malalim si James at sumigaw.“Mamatay kayo!” sigaw niya.Habang nagtataglay ng matinding lakas, dumagungdong sigaw niya at niragasa ng sigaw niya ang mga bundok sa paligid niya.Habang sumisigaw, ang mga pores sa katawan niya ay bumukas at nagmula ang Sword Energy dito. Pagkatapos, naipon ito at naging espada. Isinara niya ang mga ka
Sa border ng Sangria…Nasaksihan ng lahat ng nanonood sa eksena ang sandaling hinila si James sa isang misteryosong mundo at matinding nakipaglaban sa napakaraming anino. Gayunpaman, sa sandaling iyon, ang mundong gawa ng Laws of Heaven ay unti-unting naging parang ilusyon. Hindi nagtagal, naglaho nang parang bula ang mundong iyon. "Saan nagpunta si James?" "Bakit wala na yun?"Nagtaka ang lahat. Napatingin sina Winnie at Delainey kay Walganus na kumunot ang noo at umiling. "Wag kayong tumingin sa'kin. Di ko rin alam kung anong nangyayari." Kasabay nito, sa Tribulation World…Sumugod si James sa hukbo ng Heavenly Path Embodiments. Sa proteksyon ng True Elemental Essence, hindi nila siya masaktan sa ngayon. Dahil mayroon siyang napakalakas na Yogacara at Sword Energy na nabuo mula rito, patuloy niyang napaatras ang Heavenly Path Embodiments.Gayunpaman, hindi mga buhay na nilalang ang Heavenly Path Embodiments at hindi sila namamatayn dahil gawa sila sa Laws of Heaven, impos
"Hindi gagana yan, bata." Umalingawngaw ang boses niya. "Sinong nandiyan?"Habang mabangis na nakikipaglaban si James, isang tunog ang biglang narinig at natakot siya. Pagkatapos patalsikin ang ilang Heavenly Path Embodiments, tumalikod siya at hinanap ang pinagmulan ng boses. Nakatayo sa malayo ang isang may edad na lalaking nakalutang sa ere. Nakasuot siya ng itim na sira-sirang armor at para bang pagod na pagod siya. Nang magtatanong pa lang si James kung anong ibig sabihin niya, tinamaan siya sa likod ng kalaban. Tumalsik siya sa nakakatakot na pwersang iyon at kaagad na nagtamo ng mga sugat. Sa pag-iingat, pinagtuunan niya ang laban niya sa Heavenly Path Embodiments at pinakalma ang sitwasyon. Kasabay nito, nagtanong siya, "Sino ka? Bakit ka nandito?"Sa malayo, bahagyang ngumiti ang lalaki at nagsabing, "Hindi mo kailangang malaman kung sino ako. Maswerte ka at nakasalubong mo ako. Kung hindi, hindi ka makakalampas sa tribulation na'to." Nang marinig ito ni James, n
Kailangan niyang matutunan ang sword techniques ng Heavenly Path Embodiments at ihalo ito sa sarili niyang sword technique?Naguluhan si James. Alam niya kung gaano kahirap pagsamahin ang mga sword techniques. Noon, pinaghirapan niyang pagsama-samahin ang mga ito sa Celestial Abode. Huminga nang malalim si James. Kasabay nito, inobserbahan niya ang Heavenly Path Embodiments sa paligid niya habang nakikipaglaban sa kanila. Kagaya nga ng iniisip niya, napakaganda ng mga sword techniques ng Heavenly Path Embodiments. Ang ilan ay kakaiba, habang ang iba naman ay pabago-bago.…Naroon ang lahat ng klase ng Sword Moves. Kahit na hindi niya masyadong naintindihan ang tungkol sa Five Great Sword Realms of the Ancestral Sword Master, natutukoy niya na ang sword techniques na ginagamit ng Heavenly Path Embodiments ay naglalaman ng Five Great Sword Realms. Gayunpaman, ngayon, kailangan niyang matutunan ang iba pang Sword Moves. May libo-libong Heavenly Path Embodiments sa paligid niy