Sa border ng Sangria…Nasaksihan ng lahat ng nanonood sa eksena ang sandaling hinila si James sa isang misteryosong mundo at matinding nakipaglaban sa napakaraming anino. Gayunpaman, sa sandaling iyon, ang mundong gawa ng Laws of Heaven ay unti-unting naging parang ilusyon. Hindi nagtagal, naglaho nang parang bula ang mundong iyon. "Saan nagpunta si James?" "Bakit wala na yun?"Nagtaka ang lahat. Napatingin sina Winnie at Delainey kay Walganus na kumunot ang noo at umiling. "Wag kayong tumingin sa'kin. Di ko rin alam kung anong nangyayari." Kasabay nito, sa Tribulation World…Sumugod si James sa hukbo ng Heavenly Path Embodiments. Sa proteksyon ng True Elemental Essence, hindi nila siya masaktan sa ngayon. Dahil mayroon siyang napakalakas na Yogacara at Sword Energy na nabuo mula rito, patuloy niyang napaatras ang Heavenly Path Embodiments.Gayunpaman, hindi mga buhay na nilalang ang Heavenly Path Embodiments at hindi sila namamatayn dahil gawa sila sa Laws of Heaven, impos
"Hindi gagana yan, bata." Umalingawngaw ang boses niya. "Sinong nandiyan?"Habang mabangis na nakikipaglaban si James, isang tunog ang biglang narinig at natakot siya. Pagkatapos patalsikin ang ilang Heavenly Path Embodiments, tumalikod siya at hinanap ang pinagmulan ng boses. Nakatayo sa malayo ang isang may edad na lalaking nakalutang sa ere. Nakasuot siya ng itim na sira-sirang armor at para bang pagod na pagod siya. Nang magtatanong pa lang si James kung anong ibig sabihin niya, tinamaan siya sa likod ng kalaban. Tumalsik siya sa nakakatakot na pwersang iyon at kaagad na nagtamo ng mga sugat. Sa pag-iingat, pinagtuunan niya ang laban niya sa Heavenly Path Embodiments at pinakalma ang sitwasyon. Kasabay nito, nagtanong siya, "Sino ka? Bakit ka nandito?"Sa malayo, bahagyang ngumiti ang lalaki at nagsabing, "Hindi mo kailangang malaman kung sino ako. Maswerte ka at nakasalubong mo ako. Kung hindi, hindi ka makakalampas sa tribulation na'to." Nang marinig ito ni James, n
Kailangan niyang matutunan ang sword techniques ng Heavenly Path Embodiments at ihalo ito sa sarili niyang sword technique?Naguluhan si James. Alam niya kung gaano kahirap pagsamahin ang mga sword techniques. Noon, pinaghirapan niyang pagsama-samahin ang mga ito sa Celestial Abode. Huminga nang malalim si James. Kasabay nito, inobserbahan niya ang Heavenly Path Embodiments sa paligid niya habang nakikipaglaban sa kanila. Kagaya nga ng iniisip niya, napakaganda ng mga sword techniques ng Heavenly Path Embodiments. Ang ilan ay kakaiba, habang ang iba naman ay pabago-bago.…Naroon ang lahat ng klase ng Sword Moves. Kahit na hindi niya masyadong naintindihan ang tungkol sa Five Great Sword Realms of the Ancestral Sword Master, natutukoy niya na ang sword techniques na ginagamit ng Heavenly Path Embodiments ay naglalaman ng Five Great Sword Realms. Gayunpaman, ngayon, kailangan niyang matutunan ang iba pang Sword Moves. May libo-libong Heavenly Path Embodiments sa paligid niy
Gayunpaman, nang lumakad siya, malinaw niyang naramdaman na lumakas din ang Heavenly Path Embodiments sa paligid niya. Mabilis na nagbabala ang lalaki, "Wag kang gumamit ng arcane arts na magpapalakas sa'yo. Dahil gawa sa Laws of Heaven ang Heavenly Path Embodiments na ito, cultivators lang ang pinupuntirya nila. Ibig sabihin nito, habang mas malakas ang cultivator, ganun din sila kalakas."Nang marinig ito ni James, pinahinto niya ang Elemental Inversion. "Magdahan-dahan ka. Simula pa lang ito." Pagkatapos magsalita, lumitaw ang lalaki sa tuktok ng bundok at pinanood ang laban ni James. Sa sandaling iyon, nang naramdaman niya ang presensya ng isang bagay, nagdilim ang mukha niya at napamura siya, "Ang kulit naman nito! Nahabol na nila ako." Pagkatapos, naglaho siya at lumitaw sa isang lugar malayo kay James. Kaagad matapos ito, isang hukbo ng Heavenly Path Embodiments ang lumitaw at mabangis na umatake sa kanya. Kahit na walang pinagkaiba sa Heavenly Path Embodiments nila,
Sa gitna ng laban, tiniis ni James ang matinding bigat at nakakuha siya ng iba pang kaalaman tungkol sa Elemental Inversion. Gamit ng limang organs bilang instrumento, nagawa niyang maunawaan ang Elemental Inversion Formation. Pagkatapos nabuo ang formation, hikqbi ang True Elemental Essence sa isa't-isa at gumawa ng daloy ng kapangyarihan. Kasabay nito, hinigop niyo ang kapangyarihan ng langit at lupa. Hindi alam ni James kung gaano na siya katagal lumalaban o kung gaano katagal niyang pinag-aralan ang Elemental Inversion. Ang alam niya lang ay paulit-ulit na nauubos ang True Energy niya, at napapalitan ito ng bagong kapangyarihang gawa sa Five Elements of Genesis. Pagkatapos mabuo ang Formation, nakahinga nang maluwag si James. Ngayon, kailangan niyang matutunan, maunawaan, at pagsama-samahin ang Sword Moves. Pagkatapos ng mahabang laban, nababalot na ngayon ng mga sugat na hindi gumaling ang katawan niya. Mabuti na lang at pambihira ang katawan niya, kundi ay baka matagal na s
Natulala si James. May halos isang milyong Heavenly Path Embodiments sa lugar na ito. Paano niya magagawang burahin silang lahat sa isang atake? "Paano ko sila mabubura?" tanong niya. Sabi ng misteryosong lalaki, "Sa unang stage pa lang ng swordsmanship, imposible tong magawa. Malalim na ang kalagayan ng first stage ng swordsmanship mo. Dapat subukan mo nang maunawaan ang second stage. "Kapag mas naunawaan mo ang second stage, baka magawa mo yun."Kilala ang swordsmanship ng Ancestral Sword Master at nagugulat nito ang lahat ng tao sa mundo. Kahit na hindi ko to sinadyang i-cultivate, magaling dito ang bawat isang Sword Cultivator sa mundo. Pamilyar din ako sa ilan sa mga cultivation techniques nito. "Ngayon, palalimin mo ang pagkakaunawa mo sa Second Sword Realm, ang Sword Shadow. "Ang Shadow ay tumutukoy sa anino at hugis. Mas mataas ang technique na ito kumpara sa Sword Moves. "Pumikit ka at balikan mo ang Sword Moves na natutunan mo. Isipin mong isa kang anino, isipi
Napakaespesyal ng katawan niya. Pagkatapos magkaroon ng Elemental Inversion Formation sa katawan niya, kahit na naubos ang Demonic Energy niya, ang ibang True Energies ay magiging Demonic Energy at papanatilihin ang lakas ng katawan niya. Sa sandaling gumana ang Demonic Energy, mabilis na gumaling ang mga sugat sa katawan niya. Tumingin si James sa paligid niya. Napakaraming Heavenly Path Embodiments ang nabuong muli sa paligid niya. Bahagyang nagsalubong ang kilay ni James. "Kahit na nagsisimula na akong maunawaan ang Second Sword Realm, hindi ko pa rin kayang burahin ang ganito karaming Heavenly Path Embodiments sa isang atake?" Nagsimulang mamroblema si James. "Bata, yun ay dahil hindi pa perpekto ang cultivation ng First Sword Realm mo. Kailangan mo ang umunawa ng mas maraming Sword Moves at ihalo ito sa First Sword Realm. Habang mas malakas ang First Sword Realm, mas magiging malakas ang Second Sword Realm." Narinig ang boses mula sa malayong-malayo. "Hindi pa ri
"Salamat sa gabay mo." Pinahayag ni James ang pasasalamat niya. Kung wala ang lalaking ito, hindi niya malalampasan ang tribulation na ito. Hindi lang niya nalampasan ang tribulation, nakarating na rin ang pisikal niyang lakas sa Fifth Stage ng Sage Rank. Ang sarili niyang rank ay nakarating na rin sa tuktok ng Third Stage ng Tribulation Rank. Higit pa roon, ito ang resulta ng sinasadya niyang pagsisiksik ng lakas, pati na rin ang walang hanggang paglaban niya at ang pagkaubos ng True Essence niya. Kung hindi, habang sumasailalim siya sa tribulation, malamang ay naging Sage na siya. "Bata, ang lakas mo. Dumaan ka sa pinakanakakatakot na Heavenly Tribulation sa kasaysayan. Kahit sa kasalukuyan mong lakas, lumitaw ang ganitong nakakatakot na Heavenly Tribulation. Malinaw na sobrang nakakatakot ang potensyal mo. "Gayunpaman, wag kang maging arogante. Kahit na malaki ang potensyal mo, kahit na kaya mong magsikap papunta sa pinakatuktok, at kahit posibleng malampasan mo pa ang