Gayunpaman, nang lumakad siya, malinaw niyang naramdaman na lumakas din ang Heavenly Path Embodiments sa paligid niya. Mabilis na nagbabala ang lalaki, "Wag kang gumamit ng arcane arts na magpapalakas sa'yo. Dahil gawa sa Laws of Heaven ang Heavenly Path Embodiments na ito, cultivators lang ang pinupuntirya nila. Ibig sabihin nito, habang mas malakas ang cultivator, ganun din sila kalakas."Nang marinig ito ni James, pinahinto niya ang Elemental Inversion. "Magdahan-dahan ka. Simula pa lang ito." Pagkatapos magsalita, lumitaw ang lalaki sa tuktok ng bundok at pinanood ang laban ni James. Sa sandaling iyon, nang naramdaman niya ang presensya ng isang bagay, nagdilim ang mukha niya at napamura siya, "Ang kulit naman nito! Nahabol na nila ako." Pagkatapos, naglaho siya at lumitaw sa isang lugar malayo kay James. Kaagad matapos ito, isang hukbo ng Heavenly Path Embodiments ang lumitaw at mabangis na umatake sa kanya. Kahit na walang pinagkaiba sa Heavenly Path Embodiments nila,
Sa gitna ng laban, tiniis ni James ang matinding bigat at nakakuha siya ng iba pang kaalaman tungkol sa Elemental Inversion. Gamit ng limang organs bilang instrumento, nagawa niyang maunawaan ang Elemental Inversion Formation. Pagkatapos nabuo ang formation, hikqbi ang True Elemental Essence sa isa't-isa at gumawa ng daloy ng kapangyarihan. Kasabay nito, hinigop niyo ang kapangyarihan ng langit at lupa. Hindi alam ni James kung gaano na siya katagal lumalaban o kung gaano katagal niyang pinag-aralan ang Elemental Inversion. Ang alam niya lang ay paulit-ulit na nauubos ang True Energy niya, at napapalitan ito ng bagong kapangyarihang gawa sa Five Elements of Genesis. Pagkatapos mabuo ang Formation, nakahinga nang maluwag si James. Ngayon, kailangan niyang matutunan, maunawaan, at pagsama-samahin ang Sword Moves. Pagkatapos ng mahabang laban, nababalot na ngayon ng mga sugat na hindi gumaling ang katawan niya. Mabuti na lang at pambihira ang katawan niya, kundi ay baka matagal na s
Natulala si James. May halos isang milyong Heavenly Path Embodiments sa lugar na ito. Paano niya magagawang burahin silang lahat sa isang atake? "Paano ko sila mabubura?" tanong niya. Sabi ng misteryosong lalaki, "Sa unang stage pa lang ng swordsmanship, imposible tong magawa. Malalim na ang kalagayan ng first stage ng swordsmanship mo. Dapat subukan mo nang maunawaan ang second stage. "Kapag mas naunawaan mo ang second stage, baka magawa mo yun."Kilala ang swordsmanship ng Ancestral Sword Master at nagugulat nito ang lahat ng tao sa mundo. Kahit na hindi ko to sinadyang i-cultivate, magaling dito ang bawat isang Sword Cultivator sa mundo. Pamilyar din ako sa ilan sa mga cultivation techniques nito. "Ngayon, palalimin mo ang pagkakaunawa mo sa Second Sword Realm, ang Sword Shadow. "Ang Shadow ay tumutukoy sa anino at hugis. Mas mataas ang technique na ito kumpara sa Sword Moves. "Pumikit ka at balikan mo ang Sword Moves na natutunan mo. Isipin mong isa kang anino, isipi
Napakaespesyal ng katawan niya. Pagkatapos magkaroon ng Elemental Inversion Formation sa katawan niya, kahit na naubos ang Demonic Energy niya, ang ibang True Energies ay magiging Demonic Energy at papanatilihin ang lakas ng katawan niya. Sa sandaling gumana ang Demonic Energy, mabilis na gumaling ang mga sugat sa katawan niya. Tumingin si James sa paligid niya. Napakaraming Heavenly Path Embodiments ang nabuong muli sa paligid niya. Bahagyang nagsalubong ang kilay ni James. "Kahit na nagsisimula na akong maunawaan ang Second Sword Realm, hindi ko pa rin kayang burahin ang ganito karaming Heavenly Path Embodiments sa isang atake?" Nagsimulang mamroblema si James. "Bata, yun ay dahil hindi pa perpekto ang cultivation ng First Sword Realm mo. Kailangan mo ang umunawa ng mas maraming Sword Moves at ihalo ito sa First Sword Realm. Habang mas malakas ang First Sword Realm, mas magiging malakas ang Second Sword Realm." Narinig ang boses mula sa malayong-malayo. "Hindi pa ri
"Salamat sa gabay mo." Pinahayag ni James ang pasasalamat niya. Kung wala ang lalaking ito, hindi niya malalampasan ang tribulation na ito. Hindi lang niya nalampasan ang tribulation, nakarating na rin ang pisikal niyang lakas sa Fifth Stage ng Sage Rank. Ang sarili niyang rank ay nakarating na rin sa tuktok ng Third Stage ng Tribulation Rank. Higit pa roon, ito ang resulta ng sinasadya niyang pagsisiksik ng lakas, pati na rin ang walang hanggang paglaban niya at ang pagkaubos ng True Essence niya. Kung hindi, habang sumasailalim siya sa tribulation, malamang ay naging Sage na siya. "Bata, ang lakas mo. Dumaan ka sa pinakanakakatakot na Heavenly Tribulation sa kasaysayan. Kahit sa kasalukuyan mong lakas, lumitaw ang ganitong nakakatakot na Heavenly Tribulation. Malinaw na sobrang nakakatakot ang potensyal mo. "Gayunpaman, wag kang maging arogante. Kahit na malaki ang potensyal mo, kahit na kaya mong magsikap papunta sa pinakatuktok, at kahit posibleng malampasan mo pa ang
Kakaunting oras pa lang ang lumipas, kung kaya't nakahinga nang maluwag si James. Nag-aalala talaga siya na habang nagtagal siya nang tatlompung libong taon sa Tribulation World, baka tatlompung libong taon na rin ang lumipas sa mundo sa labas. Ang tatlompung libong taon ay napakahabang panahon para sa kanya noon. Hindi niya naisip na balang araw ay lalaban siya nang walang tigil sa loob ng tatlompung libong taon. Kasalukuyang mukhang demonyo si James sa lahat. Masyadong malakas ang murderous intent na nagmumula sa katawan niya. Kahit na pinigilan niya ang aura niya, nabuo ang murderous intent mula sa pakikipaglaban nang ilang libong taon. "James, bakit masyadong kakaiba ang aura mo?"Tinitigan ni Walganus si James. Maski siya ay nabigla nang naramdaman niya ang nakakatakot na murderous intent mula sa loob ng katawan ni James. "Talaga?" Sinuri ni James ang sarili niya. Gayunpaman, wala siyang naramdamang kakaibang aura sa sarili niya. Tumingin kay James si Winnie na nasa
"Mabuti naman at sa wakas ay may balita na ko sa'yo, bata ka. "Tatlompung libong taon na ang lumipas, at sa wakas ay lumitaw ka na. Inakala ko pa nga napatay ka ng Heavenly Tribulation." "Tatlompung libong taon?" Bulong ni James, sabay nagtanong, "Nanatili ako nang tatlompung libong taon sa Tribulation World. Hindi kaya'y nanatili ka rin ng tatlompung libong taon sa Celestial Abode?" "Tama ka," sabi ni Sophie, "Matagal mo nang kasama ang Celestial Abode. Kahit na pinutol ng isang misteryosong pwersa ang koneksyon mo sa Celestial Abode, nasa Tribulation World nga ang Celestial Abode. Kung gaano ka katagal nanatili doon, ganun din katagal nanatili roon ang mga tao sa Celestial Abode." "Ganun pala yun."Naliwanagan si James. Pagkatapos ay may bigla siyang naisip, sabay nagtanong siya, "Kumusta ang hukbo ng apat na raang tao sa Celestial Abode? Tatlompung libong taon na ang lumipas. Lumakas ba sila?" Nagmula ang boses ni Sophie mula sa Celestial Abode. Sabi niya, "Sa hukbo ng apat
Lumambot ang nanigas na katawan ni James sa sandaling ito. Sa sandaling nagpahinga si James, dumating ang pagod niya. Mabilis siyang nakatulog nang mahimbing habang nakahiga sa kama. Tulog pa si James, pero nagtipon sina Walganus sa main hall. Binati ni Walganus ang maraming heneral at nagsabing, "Nalampasan ng Kamahalan ang Heavenly Tribulation. Malaki din ang tinaas ng rank niya. Umakyat siya mula third stage ng Yogacara papuntang peak ng Third Stage ng Tribulation Rank. Ngayon, isang hakbang na lang siya mula sa Sage Rank. "Kahit na ganito, masyadong nakakatakot ang aura ng Kamahalan. Isa itong walang katapusang murderous intent na napakahirap buuin. Kailangan mo munang pumatay ng napakaraming nilalang para makuha ito."Pagkatapos marinig iyon, si Winnie, na nasa main hall, ay tumingin kay Walganus at nagtanong, "Anong ibig mong sabihin?"Nagsalubong ang kilay ni Walganus at nagsabing, "Pinapaalalahanan ko lang ang lahat na kapag nakontrol ang Kamahalan ng murderous intent