Kabanata 2571
Siya ang pinuno ng Crepe Myrtle Sword Pavillion, kilala din bilang Sword Master.

Ang Sword Master ay napaisip ng matagal at hindi nakasagot agad.

Nagpatulyo sa pagsasalita si Xianna, “Ambisyoso ang Korinth. Base sa lupain nila, kailangan nila magpatuloy sa direksyon ng timog at sakupin ang Wushua para pag-isahin ang mundo. Pero, pakiramdam ko hindi ganoon kasimple ang intensyon nila.”

Noong narinig ito ng Sword Master, tinignan niya si Xianna at nagtanong, “May napansin ka ba na kakaiba?”

Tumango si Xianna at sinabi, “Naghihinala ako na nalaman ng Korinth ang lihim ng bansa natin. Ginagamit nilang cover-up ang pag-atake sa bansa natin at ang balak talaga nila ay pumunta dito sa Crepe Myrtle Sword Pavillion.

Noong narinig niya ito, napaisip ang Sword Master.

Matapos ang ilang sandali, nagsalita siya, “Ang lihim ng Sangria at Crepe Myrtle Sword Pavillion ay ipinapasa lamang sa Empress at Sword Master. Kaya, tayong dalawa lamang ang nakakaalam doon. Naghihinala ka ba na ako ang nagleak ng
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP