Siya ang pinuno ng Crepe Myrtle Sword Pavillion, kilala din bilang Sword Master.Ang Sword Master ay napaisip ng matagal at hindi nakasagot agad.Nagpatulyo sa pagsasalita si Xianna, “Ambisyoso ang Korinth. Base sa lupain nila, kailangan nila magpatuloy sa direksyon ng timog at sakupin ang Wushua para pag-isahin ang mundo. Pero, pakiramdam ko hindi ganoon kasimple ang intensyon nila.”Noong narinig ito ng Sword Master, tinignan niya si Xianna at nagtanong, “May napansin ka ba na kakaiba?”Tumango si Xianna at sinabi, “Naghihinala ako na nalaman ng Korinth ang lihim ng bansa natin. Ginagamit nilang cover-up ang pag-atake sa bansa natin at ang balak talaga nila ay pumunta dito sa Crepe Myrtle Sword Pavillion.Noong narinig niya ito, napaisip ang Sword Master.Matapos ang ilang sandali, nagsalita siya, “Ang lihim ng Sangria at Crepe Myrtle Sword Pavillion ay ipinapasa lamang sa Empress at Sword Master. Kaya, tayong dalawa lamang ang nakakaalam doon. Naghihinala ka ba na ako ang nagleak ng
Makapangyarihan ang formation sa paligid ng Crepe Myrtle Sword Pavillion at nagtataglay ng nakakatakot na Sword Intent. Kahit na may Sword Body si James at tinatahak ang landas ng swordsman, hindi niya kayang indahin ang puwersa ng Sword Intent.Wala siyang mahingan ng tulong kung hindi si Nova.Si Nova ay isang nilalang na ipinanganak sa loob ng Celestial Abode at matagal ng sinusundan ang paglalakbay ng isang Grand Master. Kaya, hindi rin masukat ang lakas niya.Hindi nagtagal, sumagot si Nova, “Kaya ko ito sirain. Kahit na malakas ito na formation, maning mani lang ito sa akin.“Bilisan mo at sirain ang formation. Kailangan ko imbestigahan ang koneksyon ng lugar na ito sa sumpa,” hindi makapaghintay na sagot ni James.“Sige.” Narinig niya ang boses ni Nova mula sa Celestial Abode.Kasunod nito, may malakas na puwersa na nagmula sa Celestial Abode ang bumalot kay James.“Maaari ka ng dumaan sa formation ngayon, Master. Basta hindi mo isiwalat mismo ang sarili mo, walang makakakita s
Nagsalita ang babaeng disipulo, “Tsismis ito na narinig ko na kumakalat sa mundo sa labas.”“Oh, ganoon ba?”Nabigla ng kaunti ang Sword Master.Sinabi ng babaeng disipulo, “Oo. Kumakalat sa buong mundo na ang Crepe Myrtle Sword Pavillion ay pinoprotektahan ang lihim ng Sangria. Sinoman ang makakaalam ng sikreto ay makakapagpaalis ng sumpa at magkakaroo ng malaking yaman.”“Kalokohan.”Nagsalita ang Sword Master, “Gumagabi na. Maaari ka ng umalis. Magpahinga ka na.”“Sige.”Tumalikod at umalis na babaeng disipulo.Nakatayo si James sa tabi at nakinig sa usapan.Napaisip siya. “May nagkakalat ng tsismis sa mundo sa labas na ang Crepe Myrtle Sword Pavillion ay pinoprotektahan ang lihim ng Sangria? Totoo kaya ito? Maaari kaya na may kinalaman talaga ang lugar na ito sa sumpa?”Pagkatapos, tinignan ni James ang babae na tinawag na Sword Master.Ang Sword Master ay nakatayo ng ilang metro mula sa kanya pero hindi naramdaman ang presensiya niya.Napapaisip ang itsura ng Sword Master, na nap
Si Xianna at ang Sword Master ay nakatingin sa isa’t isa habang malungkot.“Maaari kayang nagpakita na ang itinadhana?” bigla may naalala si Xianna.“…”Nabigla ang Sword Master.Matapos ang sandaling orasm nagsalita siya, “Alamat lang ang mga iyon. Walang patunay na totoo talaga ito.”Nagsalita si Xianna, “Ang lahat ng tungkol sa sumpa ay alamat lang din, hindi ba? Malakas ang pakiramdam ko na sinabi noong unang panahon na ang itinadhana ay magpapakita. Kung magpapakita siya, maaalis na ang sumpa ng bansa.”Naintriga si James sa pinaguusapan nila.Ngunit, hindi na nagsalita pa si Xianna at ang Sword Master.“Tama. Ako ang itinadhana na tinutukoy ninyo.”Sa oras na iyon, isang boses ang narinig nila.Si James at ang dalawang babae ay tumingin sa direksyon na pinagmulang ng boses.Isang tao ang lumabas mula sa kadiliman.Nakasuot siya ng itim na robe at may taas na 180 centimeters. Hindi siya guwapo pero hindi din siya pangit. Pero, desente ang itsura niya.Kalmado siyang naglakad mula
Noong narinig ito ni Xianna at ng Sword Master, nagbulungan sila.Bumulong si Xianna, “Iyon mismo ang sinabi ng dating Empress noong ipinasa niya sa akin ang trono. Sinabi niya sa akin na kung sino ang hindi naapektuhan ng sumpa ng Sangria ay ang itinadhana, at makukuha niya ang pamana ng Ancestral Talisman Master.”Nag-isip muna ang Sword Master at sinabi, “Noong pumanaw ang dating Sword Master at ipinasa ang posisyon sa akin, sinabi niya ang supreme sword-fighting technique ay hindi makukuha ng kung sino lang. Ang itinadhana lang ang makakakuha nito. Bukod pa doon, hindi takot sa sumpa ang taong ito at may dalawang espesyal na katangian. Iyon ay, mayroon siyang Sword Body at Sword Energy ng Ancestal Sword Master.”Nagsalita si Xianna, “Huwag muna tayong magpadalos-dalos at maghintay ng isang buwan.”“Mhm. Maghihintay tayo para makita kung hindi siya maapektuhan ng sumpa ng Sangira.”…Kahit na nagbubulungan ang dalawa, naririnig pa rin sila ni James.Matapos marinig ang pinaguusapan
Binigyan ng pansamantalang tutuluyan si Walganus sa Crepe Myrtle Sword Pavilion. Pagkatapos nito, nagkita ulit si Xianna at ang Sword Master. Pinag-usapan ng dalawa ang insidente. Nag-aalalang sabi ni Xianna, "Sword Master, ang Walganus ba talaga na'to ang itinakda mula sa alamat?" Umiling ang Sword Master at nagsabing, "Hindi ko alam, pero kung pwede siyang manatili sa Sangria nang higit sa isang buwan at makuha niya ang supreme sword-fighting techniques na nakatago sa Crepe Myrtle Sword Pavilion, siya ang nakatakda." Tumango si Xianna at nagsabing, "Pagod na ako. Sana nga siya talaga ang itinakda na magtatanggal sa Sangria's Curse. Pagkatapos, pwede ko nang bitawan ang bansa at maglakbay nang mag-isa." "Hindi tayo nagmamadali. Tignan natin kung anong mangyayari. Sinabi sa'kin ng guro ko na kailangang hanapin ng nakatakda ang supreme sword-fighting techniques na nakatago sa Crepe Myrtle Sword Pavilion nang mag-isa." "Mhm." Tumango si Xianna. "Sinabi sa'kin ng dating Em
Maski ang ilang nakatagong malalakas na nilalang na hindi nagpakita sa mundo nang maraming taon ay dahan-dahang lumitaw. Maraming cultivators ang nagpunta sa Crepe Myrtle Sword Pavilion ng Sangria. Inaaying nila ang malakas na sword-fighting techniques at ang Curse Magic.Halos lahat ng malalakas sa buong mundo ay naglakbay papunta sa Sangria. Mahaharap ang Sangria sa isang malakas na bagyo pagkatapos nitong matawag ang pansin ng napakaraming cultivators. Samantala, nanatiling nakatago si James sa loob ng Crepe Myrtle Sword Pavilion at hindi niya pinakita ang sarili niya. Lumipas ang mga araw sa isang kurap at nanatili si James sa Crepe Myrtle Sword Pavilion nang halos kalahating buwan. Sa kabuuan, halos dalawampung araw na siyang nasa Crepe Myrtle Pavilion. Habang papalapit siya sa isang buwan, mas lalo siyang natakot. Pagkatapos ng kalahating buwan, maraming malalakas na cultivators ang pumasok din sa paligid ng Mount Crepe Myrtle. Nagtipon na ulit ang Korinthian Army a
Sumunod si James sa pintuan ng tore. May ilang ancient scripts na nakaukit sa mga poste ng pintuan. Mula ang mga ito sa sinaunang panahon at hindi ito mabasa o maunawaan ni James. Sandali siyang nanigas at sinundan ang Sword Master papasok ng tore. Natuklasan ni James na malawak pala ang loob ng tore. Napakaraming bookshelf na puno ng mga libro sa loob nito. Hindi nanatili ang Sword Master sa first floor, sa halip ay umakyat siya ng hagdan papunta sa ninth floor. Sinundan siya ni James papunta sa ninth floor. Pagkatapos makarating ng Sword Master sa ninth floor, naghanap siya sa mga libro. Hindi nagtagal, nahanap niya ang isang sinaunang libro sa isang bookshelf. Pagkatapos, nakahanap siya ng isang sulok para umupo at seryosong magbasa ng libro. Samantala, tinignan ni James ang paligid niya. Dumampot siya ng isang libro at malaman niyang ang mga salita sa libro ay hindi isang lingguwahe mula sa Earth kaya imposible para sa kanyang basahin ang mga ito. Pagkatapos surii