Noong narinig ito ni Xianna at ng Sword Master, nagbulungan sila.Bumulong si Xianna, “Iyon mismo ang sinabi ng dating Empress noong ipinasa niya sa akin ang trono. Sinabi niya sa akin na kung sino ang hindi naapektuhan ng sumpa ng Sangria ay ang itinadhana, at makukuha niya ang pamana ng Ancestral Talisman Master.”Nag-isip muna ang Sword Master at sinabi, “Noong pumanaw ang dating Sword Master at ipinasa ang posisyon sa akin, sinabi niya ang supreme sword-fighting technique ay hindi makukuha ng kung sino lang. Ang itinadhana lang ang makakakuha nito. Bukod pa doon, hindi takot sa sumpa ang taong ito at may dalawang espesyal na katangian. Iyon ay, mayroon siyang Sword Body at Sword Energy ng Ancestal Sword Master.”Nagsalita si Xianna, “Huwag muna tayong magpadalos-dalos at maghintay ng isang buwan.”“Mhm. Maghihintay tayo para makita kung hindi siya maapektuhan ng sumpa ng Sangira.”…Kahit na nagbubulungan ang dalawa, naririnig pa rin sila ni James.Matapos marinig ang pinaguusapan
Binigyan ng pansamantalang tutuluyan si Walganus sa Crepe Myrtle Sword Pavilion. Pagkatapos nito, nagkita ulit si Xianna at ang Sword Master. Pinag-usapan ng dalawa ang insidente. Nag-aalalang sabi ni Xianna, "Sword Master, ang Walganus ba talaga na'to ang itinakda mula sa alamat?" Umiling ang Sword Master at nagsabing, "Hindi ko alam, pero kung pwede siyang manatili sa Sangria nang higit sa isang buwan at makuha niya ang supreme sword-fighting techniques na nakatago sa Crepe Myrtle Sword Pavilion, siya ang nakatakda." Tumango si Xianna at nagsabing, "Pagod na ako. Sana nga siya talaga ang itinakda na magtatanggal sa Sangria's Curse. Pagkatapos, pwede ko nang bitawan ang bansa at maglakbay nang mag-isa." "Hindi tayo nagmamadali. Tignan natin kung anong mangyayari. Sinabi sa'kin ng guro ko na kailangang hanapin ng nakatakda ang supreme sword-fighting techniques na nakatago sa Crepe Myrtle Sword Pavilion nang mag-isa." "Mhm." Tumango si Xianna. "Sinabi sa'kin ng dating Em
Maski ang ilang nakatagong malalakas na nilalang na hindi nagpakita sa mundo nang maraming taon ay dahan-dahang lumitaw. Maraming cultivators ang nagpunta sa Crepe Myrtle Sword Pavilion ng Sangria. Inaaying nila ang malakas na sword-fighting techniques at ang Curse Magic.Halos lahat ng malalakas sa buong mundo ay naglakbay papunta sa Sangria. Mahaharap ang Sangria sa isang malakas na bagyo pagkatapos nitong matawag ang pansin ng napakaraming cultivators. Samantala, nanatiling nakatago si James sa loob ng Crepe Myrtle Sword Pavilion at hindi niya pinakita ang sarili niya. Lumipas ang mga araw sa isang kurap at nanatili si James sa Crepe Myrtle Sword Pavilion nang halos kalahating buwan. Sa kabuuan, halos dalawampung araw na siyang nasa Crepe Myrtle Pavilion. Habang papalapit siya sa isang buwan, mas lalo siyang natakot. Pagkatapos ng kalahating buwan, maraming malalakas na cultivators ang pumasok din sa paligid ng Mount Crepe Myrtle. Nagtipon na ulit ang Korinthian Army a
Sumunod si James sa pintuan ng tore. May ilang ancient scripts na nakaukit sa mga poste ng pintuan. Mula ang mga ito sa sinaunang panahon at hindi ito mabasa o maunawaan ni James. Sandali siyang nanigas at sinundan ang Sword Master papasok ng tore. Natuklasan ni James na malawak pala ang loob ng tore. Napakaraming bookshelf na puno ng mga libro sa loob nito. Hindi nanatili ang Sword Master sa first floor, sa halip ay umakyat siya ng hagdan papunta sa ninth floor. Sinundan siya ni James papunta sa ninth floor. Pagkatapos makarating ng Sword Master sa ninth floor, naghanap siya sa mga libro. Hindi nagtagal, nahanap niya ang isang sinaunang libro sa isang bookshelf. Pagkatapos, nakahanap siya ng isang sulok para umupo at seryosong magbasa ng libro. Samantala, tinignan ni James ang paligid niya. Dumampot siya ng isang libro at malaman niyang ang mga salita sa libro ay hindi isang lingguwahe mula sa Earth kaya imposible para sa kanyang basahin ang mga ito. Pagkatapos surii
Naramdaman ng Sword Master na umalis na si James. Kahit na natutulog niya ang eksaktong lokasyon ni James mula sa mga yabag niya, hindi siya makakilos laban sa kanya sa takot na mas malakas ang taong iyon. Kung hindi, tiyak na mararamdaman niya ang aura niya. Pagkaalis ni James, kumunot ang noo ng Sword Master at may seryosong ekspresyon siya sa mukha niya. "Sino yun? May formation kaming pumoprotekta sa Crepe Myrtle Sword Pavilion. Hindi makakapasok dito ang mga pangkaraniwang tao. Paanong makakapasok ang isang dayo sa Crepe Myrtle Sword Pavilion at sundan siya nang palihim? Ano ba mismo ang layunin na taong ito? Naguluhan ang Sword Master. Hindi niya alam ang pagkatao o motibo ng taong sumusunod sa kanya. Mabilis na umalis sa tore ang Sword Master at pinuntahan si Xianna. Sa sandaling iyon, nasa tabi ng isang manor sa Crepe Myrtle Sword Pavilion si Xianna kung saan siya nakatira. Nakaupo siya sa damuhan sa labas ng manor at nakatulala sa langit. Lumapit ang Sword Ma
Ang Crepe Myrtle Sword Pavilion ay isang magandang lugar para magcultivate at pataasin ang Yogacara rank niya. Gayunpaman, hindi gustong magcultivate ni James. Naghintay siyang lumipas ang isang buwan. Kung makakaligtas siya sa loob ng isang buwan at hindi siya maaapektuhan ng sumpa, madali siyang makakapagcultivate. Kahit na hindi niya maaabot ang Tribulation Rank, kahit papaano ay makakarating siya sa Third State ng Mage Rank. Nakaupo si James sa tabi ng bangin sa bundok sa likuran. Sa pagkayamot, bumunot siya ng sigarilyo at sinindihan ito. Sa sandaling iyon, gusto niyang bumalik sa tirahan niya. Gusto niyang bumalik sa Earth at makita si Thea. Napakaraming taon na ang lumipas at iniisip niya kung kumusta na si Thea sa Earth. Samantala, maraming malalakas na nilalang ang nagpatuloy na nagtipon sa labas ng mountain ng gate ng Crepe Myrtle Sword Pavilion. Dahil ang Crepe Myrtle Sword Pavilion ay pinoprotektahan ng isang formation na nilagay ng isang malakas na nilalang
Mabuto ang mukha niya na para bang nababalot lang ito ng manipis na balat. Sa sobrang payat ng lalaki ay mukha na siyang kalansay na nakadamit. Maputla ang mukha niya at lubog ang mga mata niya. Dahil dito ay medyo nakakatakot ang mukha niya. Maraming cultivators ang bahagyang umatras nang nakita nila ang itsura niya. Humakbang ang matanda sa ere at dahan-dahang bumaba mula sa langit. Hindi nagtagal, lumapag siya sa lupa. Alertong tumingin ang lahat sa makapangyarihang nilalang na nanguna sa mundo isandaang libong taon ang nakalipas. Tumingin ang Blademaster of Mount Grinch sa lahat at kalmadong nagsalita, "Ang alam lang ng marami ay ang tungkol sa Sumpa ng Sangria. Hindi nila alam na sinumpa ang buong Planet Galileo. "Ang mga nilalang ng Planet Galileo ay hindi kayang mabuhay nang higit sa isang milyong taon. "Ang mga nakarating sa edad na isang milyon ay mamamatay."At saka, ang mga nilalang sa bansa natin ay hindi makakarating sa Divine Rank. Ang mga nakarating sa D
Ang Blademaster ng Mount Grinch ay isang napakalakas na cultivator. Ngayong may gamit kalakas na nilalang na sumisigaw sa labas para buksan ang mountain gate, nag-alala ang Crepe Myrtle Sword Master. Pinag-isipan niya kung bubuksan niya ba ito o hindi. "Anong gagawin mo sa mga malalakas na taong nasa labas ng mountain gate, Sword Master?" tanong ni Xianna. Nag-isip sandali ang Sword Master at nagsabing, "Hindi isang hidden sect ang Crepe Myrtle Sword Pavilion. Sa napakaraming malalakas na cultivator sa labas ng mountain gate, para bang hindi tayo nagpapapasok kung hindi ko bubuksan ang gate para sa kanila." Nagpasya ang Sword Master na buksan ang pinto. Kahit na nakatago ang supreme sword-fighting techniques sa loob ng Crepe Myrtle Sword Pavilion, isa itong alamat na pinasa ng mga ninuno nila gamit ng salita. Kahit siya ay hindi niya alam kung nasaan ito nakatago. Mahinang nagsabi si Xianna, "Rerespetuhin ko ang kahit na anong desisyong gagawin mo." Nasa Crepe Myrtle Sw