Mabuto ang mukha niya na para bang nababalot lang ito ng manipis na balat. Sa sobrang payat ng lalaki ay mukha na siyang kalansay na nakadamit. Maputla ang mukha niya at lubog ang mga mata niya. Dahil dito ay medyo nakakatakot ang mukha niya. Maraming cultivators ang bahagyang umatras nang nakita nila ang itsura niya. Humakbang ang matanda sa ere at dahan-dahang bumaba mula sa langit. Hindi nagtagal, lumapag siya sa lupa. Alertong tumingin ang lahat sa makapangyarihang nilalang na nanguna sa mundo isandaang libong taon ang nakalipas. Tumingin ang Blademaster of Mount Grinch sa lahat at kalmadong nagsalita, "Ang alam lang ng marami ay ang tungkol sa Sumpa ng Sangria. Hindi nila alam na sinumpa ang buong Planet Galileo. "Ang mga nilalang ng Planet Galileo ay hindi kayang mabuhay nang higit sa isang milyong taon. "Ang mga nakarating sa edad na isang milyon ay mamamatay."At saka, ang mga nilalang sa bansa natin ay hindi makakarating sa Divine Rank. Ang mga nakarating sa D
Ang Blademaster ng Mount Grinch ay isang napakalakas na cultivator. Ngayong may gamit kalakas na nilalang na sumisigaw sa labas para buksan ang mountain gate, nag-alala ang Crepe Myrtle Sword Master. Pinag-isipan niya kung bubuksan niya ba ito o hindi. "Anong gagawin mo sa mga malalakas na taong nasa labas ng mountain gate, Sword Master?" tanong ni Xianna. Nag-isip sandali ang Sword Master at nagsabing, "Hindi isang hidden sect ang Crepe Myrtle Sword Pavilion. Sa napakaraming malalakas na cultivator sa labas ng mountain gate, para bang hindi tayo nagpapapasok kung hindi ko bubuksan ang gate para sa kanila." Nagpasya ang Sword Master na buksan ang pinto. Kahit na nakatago ang supreme sword-fighting techniques sa loob ng Crepe Myrtle Sword Pavilion, isa itong alamat na pinasa ng mga ninuno nila gamit ng salita. Kahit siya ay hindi niya alam kung nasaan ito nakatago. Mahinang nagsabi si Xianna, "Rerespetuhin ko ang kahit na anong desisyong gagawin mo." Nasa Crepe Myrtle Sw
Nagpapasalamat na tumingin si James kay Xianna. Huminga nang malalim ang Sword Master at nakahinga nang maluwag sa ngayon. Lumapit si James at tumingin sa dalawang babaeng may magkaibang ugali. Sa kabila pagkakaiba nila, pareho silang maganda. Nakangiti siyang nagsabi, "Kamahalan, Sword Master, isa itong karangalan na makilala kayo." Mahinang suminghal ang Sword Master at hindi siya sumagot sa kanya. Tumawa si Xianna at nagtanong, "Hindi ba umalis ka na sa bansa? Bakit ka bumalik?" Sabi ni James, "Narinig kong may malakas na sword techniques na nakatago rito at narinig ko rin ang tungkol sa Curse Magic sa Sangria. Interesadong-interesado ako sa Curse Magic kaya pumunta ako rito para tumingin."Siya nga pala…" May naalala si James at tumingin siya sa Sword Master. "Habang nagtatago ako, narinig kong binanggit ng Sword Master na may Sword Body ang itinakda at nasa kanya rin ang Sword Energy ng Ancestral Sword Master. Totoo ba yun?" Kumalma ang mukha ng Sword Master. T
Si Walganus ay isang swordsman. Nang naramdaman niya ang paglitaw ng mga libo-libong Sword Energies, nagulat siya. Gayunpaman, lumitaw ang Sword Energy at naglaho din kaagad. Wala siyang kaalam-alam sa nangyari kaya sumugod siya para magtanong tungkol sa sitwasyon. Tumingin ang Sword Master kay James. Sa sandaling iyon, nagduda siya tungkol sa pagkatao ni Walganus. Sinabi ni Walganus na siya ang itinakda. Gayunpaman, ayon sa deskripsiyon na pinasa sa kanya ng guro niya, ang itinakda ay may Sword Body at ang Sword Energy ng Ancestral Sword Master. Nilabas ni James ang Sword Energy at nagsanhi ng kakaibang pangyayari sa Crepe Myrtle Sword Pavilion. Ibig sabihin ba nito ay si James ang itinakda? Kung ganun, sino si Walganus?Walang sagot ang Sword Master sa mga tanong niya. Ang alam niya lang ay napakalakas ni Walganus. Malaki ang pagkakaiba ng lakas nila. Kung kaya't medyo natatakot siya sa kanya. "S-Siguro dahil dumating na ang itinakda sa Crepe Myrtle Sword Pavilion.
"Sana nga." Hinihiling din ni James na makuha niya ang supreme sword-fighting techniques at ang makapangyarihang Curse Magic mula sa Primordial Age. "Samahan ba kita sa Crepe Myrtle Sword Pavilion?" Tumingin si Xianna kay James at tinanong ang opinyon niya. "Ayos lang ako. Ikaw ang Kamahalang Empress. Paano ko magagawang sayangin ang oras mo?" Tumanggi kaagad si James. Umirap si Xianna at nagsabing, Walang Empress sa Crepe Myrtle Sword Pavilion. Dito, ako si Xianna. At saka pamilyar ako sa Crepe Myrtle Sword Pavilion at baka matulungan kitang makuha ang swordsmanship inheritance." Natukso si James sa mga salita niya. "Kung ganun, salamat sa tulong mo." "Tara na." Naglakad si Xianna sa harapan niya. Sumunod si James sa kanya, at sinimulan ng dalawa ang paghahanap nila sa 1008 bundok sa Crepe Myrtle Sword Pavilion. Habang nangyayari iyon, pinatay ng Crepe Myrtle Sword Master ang mountain formation at hinayaang makapasok sa Crepe Myrtle Sword Pavilion ang mga malalakas n
Binantayan ng Crepe Myrtle Sword Pavilion at Sangria ang mga sikretong ito nang napakaraming tao. Pinasa ito sa bawat isang henerasyon. Sa wakas ay ibinunyag na ng Crepe Myrtle Sword Master ang sikreto sa mundo. Dahil lumitaw na ang itinakda, hindi kailangang itago ang mga lihim na ito. Pagkatapos marinig ang paliwanag niya, nagtanong ang Blademaster of Mount Grinch, "Sino ang itinakda na sinasabi mo?" Umiling ang Crepe Myrtle Sword Master at nagsabing, "Hindi ako sigurado." Nagtanong ang Blademaster of Mount Grinch, "Kung ganun, paano mo nalamang dumating na ang itinakda?" Nagpaliwanag ang Sword Master, "Dahil dumating na ang oras." "Hindi ako naniniwala sa sinabi mong itinakda. Pero, naniniwala akong nasa Crepe Myrtle Sword Pavilion ang supreme swordsmanship inheritance. Pwede mo ba kaming hayaang hanapin ito?"Binanggit ng isa sa malalakas na tao ang pagdududa niya at nagsuhestiyon. Sumang-ayon ang iba pa sa suhestiyon niya. Inaaying ng mga nagpunta sa Crepe My
Kayang tipunin sa langit ng Blademaster of Mount Grinch ang Sword Energies sa loob ng bundok. Hula niya rin ay nakatago ang inheritance sa loob ng Sword Energy. Kung kaya't maingat nga itong pinag-aralan, pero wala siyang napansing espesyal. Pangkaraniwang Sword Energy lang ito na iniwan ng mga sword cultivator ng Crepe Myrtle Sword Pavilion noon. Hindi naglaho ang Sword Energy dahil isang napakalaking formation ang nakapalibot sa Crepe Myrtle Sword Pavilion at pinipigilang maglaho ang Sword Energy. Kung kaya't lumubog ang Sword Energy na ito sa kabundukan. Walang kinalaman ang Sword Energy sa supreme sword-fighting techniques. Napakaraming tao ang naghanap para sa swordsmanship inheritance, pero wala sa kanila ang nagtagumpay. Nanatili ang makapangyarihang ito sa Crepe Myrtle Sword Pavilion nang maraming araw at patuloy na naghanap, pero lahat sila ay nabigong mahanap ito. Dahil naroon pa rin ang Sumpa ng Sangria, hindi nagtangkang nagtagal ang mga tao doon at umalis pagka
Naghanap sa Walganus sa Crepe Myrtle Sword Pavilion pero hindi niya mahanap ang swordsmanship inheritance. Napaisip siya nang malalim. Ang totoo, hindi siya mula sa mundong ito. Pinadala siya sa mundong ito ng guro niya. Bago siya umalis, sinabi sa kanya ng guro niya na may makakapangyarihang kayamanang nakatago sa Planet Galileo. Ang mga kayamanang iyon ay walang iba kundi ng Curse Magic at ang swordsmanship inheritance. Gayunpaman, hindi siya ang itinakda. Sinabi sa kanya na lumitaw na ang itinakda pero inutusan niya siyang agawin ang mga kayamanang pagmamay-ari ng itinakdang iyon. Gayunpaman, hindi siya binigyan ng malinaw na panuto ng guro niya. Kung kaya't hindi alam ni Walganus kung paano kukunin ang mga kayamanan. Naghanap siya nang ilang araw pero hindi niya mahanap ang mga kayamanan. Sa ibang salita, hindi siya itinadhanang mahanap ang sword-fighting techniques. Ang pagkakataon niya lang na makuha ito ay ang hintaying lumitaw ang itinakda. Gayunpaman, hindi