Isang boses ang narinig.Pagkatapos, tumingin ang lahat sa ere.Isang lalake ang lumabas mula sa void passageway. Nakasuot siya ng itim na damit, guwapo ang itsura niya. Habang nakatayo sa ere, naglakad siya ng dahan-dahan papunta sa arena.“Lucifer Menachem?”“Sapagkat nagbalik siya, ibig sabihin nakakuha din siya ng Demonic Spiritual Herb?”Nagkaroon ng komosyon sa pagpapakita ni Lucifer Menachem dahil sa pagkakakilanlan niya. Anak siya ng Grand Emperor, kaya, nagtataglay siya ng bloodline ng Grand Emperor. Hindi lang iyon, pero bilang Minor Patriarch ng Hadean Clan, sinusuportahan siya ng Grand Emperor.Noong makita si Lucifer, kumunot ang noo niya.Kakaiba ang bilis ni Lucifer. Sa ilang hakbang lang, nagpakita siya sa labas ng arena. Pagkatapos, naglabas siya ng herb mula sa Storage Ring.Ito ang Demonic Spiritual Herb.Iniabot niya ang herb kay Txomin sa tabi niya, at sinabi habang kalmado ang itsura niya, “Nakuha ko ang Demonic Spiritual Herb.”Sinuri ni Txomin ang herb at napagt
Napaatras si James sa tindi ng puwersa. Kasabay nito, matinding lakas ang dumaloy mula sa braso niya patungo sa buong katawan niya. Ang Blood Energy sa katawan niya ay kumulo at sumuka siya ng dugo. Pagkatapos, tumalsik siya at bumagsak sa sahig. Samantala, nabaluktot ng husto ang braso niya.Noong bumagsak sa sahig si James, maraming makapangyarihan na pigura ang pumuri kay Lucfier.“Tulad ng inaasahan sa Young Master ng Hadean Clan… Sinong mag-aakala na nagtataglay siya ng matinding lakas habang bata pa siya!”“Tama, sa murang edad siya na-seal. Kahit na ilang taon pa lang ang lumilipas simula ng makaalis siya mula sa seal, naabot na niya ang Sage Rank. Sa tindi ng potensyal niya, magkakaroon ng isa pang makapangyarihan na pigura ang Hadean Clan sa hinaharap.”“Binabati kita, Tigranes Xanthippos.”Marami ang nagsalita. Binati ng iba si Trigranes.Samantala, ngumiti ng kaunti si Tigranes at walang sinabi.Sa arena, nahirapan ng husto tumayo si James at pinunasan ang dugo sa labi niya.
Ginamit ni James ang Sacrilegious Ascension at ang kapangyarihan ng dragon bone para sapilitang palakasin ang sarili niya papuntang Third Stage ng Tribulation Rank. Dahil masyadong malaki ang tinalon ng lakas niya, nakatawag ito ng atensyon ng maraming makakapangyarihang nilalang. Samantala, laban kay James na may lakas na katumbas ng Third Stage ng Tribulation Rank, ngumiti lang ng kaunti si Lucifer. Kahit na malakas si James, wala siyang laban sa kanya. "Sige lang, James! Nasaan na ang Infinity Steles mo?" nakangiti niyang sabi. Umaasa si Lucifer na gagamitin ni James ang lahat ng mayroon siya para malabanan niya siya hanggang sa gusto niya. "Hindi ko kailangan yun." Bahagyang ngumiti si James. “Infinity Steles?” Narinig ng madla ang usapan nila. "Hindi kaya nagmula siya sa Earth?" "Ang James Caden ng Earth?" "Tao ba siya?" Naguluhan ang marami. Habang nagtataka sila, ginamit ni James ang Elemental Inversion. Sa sandaling iyon, gumana ang True Elemental
Tinaas ni Lucifer ang kamay niya at nagbanggaan ang mga kamao nila. Tumalsik si Lucifer at umatras siya nang ilang libong metro bago nakabalanse ulit. Bumakat ang mga ugat sa mga braso niya at napangiwi sa sakit ang mukha niya. Inalog niya ang braso niya at nagngitngit ang ngipin niya, sabay sabing, "Minaliit talaga kita. Hindi ko inisip na magagawa mong lumakas hanggang sa peak ng First Stage ng Sage Rank. Hahaha! Magaling! Ngayon, maglalaban tayo hanggang sa gusto natin." Tumawa nang malakas si Lucifer. Pagkatapos, isang makapangyarihang aura ang bumugso mula sa kanya at lumipad sa langit ang Demonic Energy na para bang malapit nang maglabas ng lightning tribulation. Dahil naapektuhan ng Demonic Energy niya ang lightning tribulation sa langit, nagulo ng ginawa niya ang Heavenly Tribulation. Dahil dito, isang lightning tribulation ang tumama kay Lucifer. Hindi umilag si Lucifer sa atake, sa halip ay nanatili siyang nakatayo at tiniis ang atake. Dahil walang nakakatapat sa
Gumamit si James ng maraming signature cultivation methods at nalamangan niya si Lucifer. Gayunpaman, ginamit ni Lucifer ang Super Combat Form niya at binaliktad ang sitwasyon. Ngayon, tumalsik si James gamit lang ng isang suntok. Nabutas ang katawan niya at mayroon ngayong madugong sugat sa dibdib niya. Sa harap ng dominanteng si Lucifer, alam ni James na hindi siya makakaalis sa arena nang hindi ginagamit ang lahat ng mayroon siya para matalo niya siya. Dahan-dahan siyang tumayo at ginamit ang Demonic Energy sa loob ng katawan niya para pabilisin ang paggaling niya. Pagkatapos, lumipad siya sa langit. Habang umikot ang isipan niya, lumitaw ang 108 Infinity Steles sa paligid at pumalibot sa kanya. "I-Iyon ba ang Infinity Steles?" "Hindi ba nga kayamanan iyan na lumitaw noong ginawa ang langit at lupa?". "Ang lakas ng aura nito… Nararamdaman ko ang aura ng maraming Grand Emperors at napakaraming supreme Ways sa Infinity Steles." Nabigla ang lahat. "Sayang lang at
Kailan ba ito matatapos? Hindi nagtagal, naging pula ang buhok ni Lucifer at isang pulang aura ang bumalot sa balat niya. Habang hawak ang Imperial Weapon, umatake siyang muli. Bumugso ang malakas na Sword Energy. Nang nakita ito ni James, mabilis niyang pinagana ang Infinity Steles. Pero ngayon, tumalsik ito at bumagsak sa lapag. Boom! Nang bumagsak sa lapag ang Infinity Steles, yumanig ang arena kahit na hindi ito nasira. Kinuha ni Lucifer ang pagkakataon para umatake. Tinulak niya papalayo ang paparating na Infinity Steles bago sinira ang formation na binuo nito. Habang hawak ang Imperial Weapon, inatake niya si James. Pumikit ang marami sa mga nanonood. Para sa kanila, natalo na si James. Pinigilan nina Henrik at Qusai ang paghinga nila habang pinanood nilang maigi ang laban. Maski si Brielle ay halos napatayo sa upuan niya. Sa pinakaimportanteng sandali, isang malakas na Sword Intent ang lumitaw mula sa loob ng katawan ni James. Bumukas ang pores ng
Sa bawat isang beses niyang gamitin ang Sacrilegious Ascension, mauubos ang lakas ni James at kakailanganin niya ng oras para gumaling. Gayunpaman, dahil mayroon siyang Demonic Body, napakabilis ng paggaling niya. Sa Primordial Demonic Ape Race, kakailanganin nila ng matagal na panahon para gumaling pagkatapos gamitin ang Sacrilegious Ascension. Nahiga si James sa lapag at nagpahinga. Samantala, ilang makakapangyarihang nilalang ng Hadean Clan ang pumasok sa arena at dinala si Lucifer. Dahil natalo si Lucifer, nawalan siya ng karapatang hamunin si Brielle at pakasalan siya. Kung kaya't hindi na nagtagal ang makakapangyarihang nilalang ng Hadean Clan at nagmadali silang umalis. "Tapos na ang laban." "Nanalo si James." "Hindi ko inasahang siya ang mananalo." "Hindi ba usap-usapan na natalo ni James si Lucifer noon sa Earth? Siguro hindi naman na'to masyadong nakakagulat." "Kailangan mong maintindihang may Elysian Seal ang mga tao sa loob ng katawan nila. Dahil dito, hin
Pagkatapos marinig iyon, naging seryoso ang ekspresyon ni Txomin. Ang Heavenly Path ay isang dakilang presensya. Ang bawat isang nilalang ay nasa ilalim ng kontrol ng Heavenly Path. Posible bang sirain ito? Kahit ang mga Grand Emperor ay nasa ilalim ng kontrol ng Heavenly Path at hindi sila magtatangkang suwayin ito. Bumuntong-hininga si James at nagsabing, "Sinabi ni Xandros na sa panahon ng Primeval Age, gustong sirain ng malalakas na cultivators ng sangkatauhan ang walang-awang Heavenly Path at magtatag ng bagong patakaran. Gayunpaman, nabigo sila. Dahil dito, dinadanas ng sangkatauhan ang tribulation na ito at lumitaw ang Elysian Seal sa katawan ng mga tao." "Ganun pala." Naliwanagan si Txomin. Hindi niya alam ang mga sikretong ito. Kahit na isa siyang Quasi-Emperor, hindi niya ito maunawaan. "Sige. Magpahinga ka muna. Pagkatapos mong magpahinga, ikakasal ka na kay Brielle. Bahagyang kumaway si James at nagsabing, "Lord Labhrann, hindi na kailangan yun. Nilabanan ko s