Nag-aalala si Thea para sa kaligtasan ni James at gusto niyang pumunta sa Demon Realm.Bukod pa doon, sinabi ng custodian na isinama ni James ang mga taong may kinalaman sa kanila sa Earth patungo sa Celestial Abode.Wala na siyang kamag-anak sa Earth kahit na bumalik pa siya.Mas mabuti na tumungo sa Demon Realm kaysa bumalik sa Earth.Ngunit, umiling-iling ang custodian at sinabi, “Kahit na okay ang sitwasyon sa Earth, kailangan nito ng tagapagtanggol. Si James ang Emperor ng Wyrmstead at King ng Sol. Ikaw ang asawa niya, at dapat ka bumalik sa Earth para pamahalaan ang dalawang bansa.”“Base sa alam ko, si Quincy ang namamahala sa mga bagay na ito. Ngunit, hindi siya malakas at magkakaproblema siya kapag may powerhouse na gumulo sa kanya.”“Pero…” nag-aalinlangan na sumagot si Thea. “Gusto ko pa din tumungo sa Demon Realm. Nag-aalala ako para kay James.”Kumaway ang custodian at sinabi, “Hindi mo kailangan mag-alala para kay James. Mahaban ang buhay niya. Kahit na magkaroon siya ng
“Anong problema? Kontra ba kayo dito?”Nilunok ng mga nilalang ang galit nila ng makita si Henrik.Bumulong ang isa sa mga nilalang, “Sino ka ba sa tingin mo? Kung hindi dahil sa malakas mo na guro, wala ka bilang.”Hindi binigyan pansin ni Henrik ang mga tao sa paligid at naglakad palapit kay James habang nakangiti at sinabi, “Sabi ko sa iyo, napansin ka ni Brielle. Ngayon makakapunta na tayo ng direkta sa ika-siyam na palag para makita siya.”Nagsalubong ang mga kilay niya.Pero kahit naguguluhan siyam gusto niyang direkta na umakyat ng ika-siyam na palag.Matapos ito, pinaalis ng katulong ang ibang mga nilalang at sinamahan sina James paakyat sa ika-siyam na palag.Nagtipon ang mga nilalang na pinaalis sa labas.“Sigh.”“Sayang naman. Malapit ko na sana makita si Brielle. Dahil ito sa tabachoy na iyon, si Henrik.”“Hush! Gusto mo na ba mamatay? Tumahimik ka. Kahit anong mangyari, siya ang posible na sumunod na maging Lord ng Demon Realm.”Habang pinag-uusapan nila ang insidente, isa
Mapa si Qusai na mula sa Fiend Realm, si Henrik na mula sa Demon Realm o si James mna mula sa Earth, hindi maaaring bastusin ni Brielle ang kahit na sino sa kanila.Kahit na hinahangaan siya at talentado, hindi siya maaaring maging arogante sa harap ng mga taong ito. Kaya, mainit ang pagbati niya at pagtanggap sa kanila.Naupo silang tatlo.Naupo si Brielle sa tabi nila.Tinignan ni James si Qusai, hindi siya sigurado kung paano nito nalaman ang pagkakakilanlan niya kahit na hindi pa niya ikinukuwento ang sarili niya kahit kanino.Tumingin si Qusai kay James at ngumiti, “Hindi mo ako kailangan titigan. Kumalat sa buong universe ang mga achievements mo. Ang kahit na sinong may kaunting kakayahan ay alam ang pagkakakilanlan mo.”“Ganoon ba?” natulala si James.Hindi niya inaasahan na ang balita tungkol sa kanya ay kakalat sa universe.Sumagot si Qusai, “Siyempre. Ang mga nilalang sa universe at binabantayan ng mabuti ang mga nagaganap sa Earth, habang hinihintay ang seal at ang Galactic
"Sa labanan noon sa Earth, maski ang Lord ng Demon Realm at ang Leader ng Azurean Clan ay namatay." Nang marinig ito, nagtaka si James. Nagtanong siya, "Kung alam na ng mga makapangyarihang ito ang sikreto ng Langit at alam na niyang mamamatay siya, bakit siya nagsagawa ng atake sa Earth?" Pinutol siya si Qusai at nagpaliwanag, "Dahil nakatadhana itong mangyari. Ito ang desisyon ng Heavenly Path. Kahit na hindi atakihin ng Grand Emperors na'to ang Earth, hindi sila makakatakas sa kamatayan. Gayunpaman, kapag inatake nila ang Earth at sinunod ang daan ng Heavenly path, mabibigyan sila ng maliit na tyansang makaligtas. Hindi pa oras, pero maaaring mabuhay ulit ang mga Grand Emperor na ito pagdating ng tamang panahon."Tumango si Henrik, "Oo, tama. Kapag kumilos sila ayon sa daan ng Heavenly Path, may maliit silang tyansang mabuhay. Kung hindi, tuluyan silang mabubura." Pagkatapos, nagpatuloy si Henrik sa paliwanag niya. "Maraming Grand Emperors ang namatay sa laban na yun, at na
"Sige. Gawin natin." Binuksan ni Henrik ang bibig niya at sumang-ayon, wala siyang tutol sa suhestiyong iyon. Nagpatuloy na magsalita si James, "Nakakuha rin ako ng ilang biyaya at kayamanan na nakatawag ng maraming Karma sa'kin. Narinig ko noon sa isang makapangyarihan na ang mga taong lalapit sa akin ay mababahaginan ng Karma ko. Baka magdala ako ng maraming problema sa inyong dalawa." Nakangiting nagsabi si Qusai, "Kahit na ganun, isa kang taong may matinding swerte. Kapag lumapit kami sa'yo, mabibigyan rin kami ng kaunti sa swerte mo. Magiging napakamapalad din namin sa hinaharap. Ang swerte ay isang importanteng aspeto para sa mga cultivator." "Wala kang dapat ipag-alala." Hindi nag-aalala si Henrik tungkol sa Karma. Sabi ni James, "Sige. Dahil ayos lang sa inyong dalawa, bakit ako tututol?" "Uy, pwede niyo ba akong isama?" Habang nakatayo sa tabi, hindi napigilan ni Brielle na sumingit sa usapan. "Gusto ko ring maging sworn siblings sa inyo."Tumingin si Henrik sa
Kasabay nito, maraming makakapangyarihan ang nagtipon sa labas ng Hadean Clan ng Demon Realm sa Divine Dimension. Ang lahat ng mga nilalang na ito ay nasa Divine Rank. Isa sa kanila ay isang Grand Emperor. Iyon ay ang Grand Emperor ng Hadean Clan. Nakatayo siya sa harapan ng madla habang nagtipon ang iba sa likuran niya nang nakatingin sa malayo. Bigla na lang, isang bitak ang lumitaw sa harapan nila, at isang lalaki ang naglakad mula sa kawalan. Isa siyang gwapong lalaking may pambihirang ere sa paligid niya. Nakasuot siya ng itim na balabal. “Young Master.”Sa sandaling lumitaw ang lalaki, sinalubong siya ng isang malakas at malinis na pagbati. Ang lalaki ay walang iba kundi si Lucifer. Lumapit ang Grand Emperor sa kanya. Ang Grand Emperor ay isang medyo may edad na lalaking nakasuot ng puting balabal. Nakangiti niyang binati si Lucifer. "Maligayang pagbabalik, Young Master." Tumingin si Lucifer sa lalaki at tinignan ang mga malalakas ng Hadean Clan na nasa likuran
Maraming taon ang nakaraan, nagpunta si Maxine sa Mount Bane mula Cansington para hanapin si James. Gayunpaman, hinarang siya ni Marcello sa daan. Pinadala ni Marcello si Maxine sa Demon Realm. Nakakita ang Azurean Clan ni Maxine ng potensyal mula kay Maxine at nilagay nila siya sa banal na lugar nila para gawing Demonic Body ang katawan niya. Sa nagdaang mga taon, nabalot ng Demonic Energy ang katawan ni Maxine. Higit pa roon, naglabas ng napakaraming kayamanan ang Leader ng Azurean Clan para gawing Demonic Body ang katawan ni Maxine. Tuluyang nagbago ang katawan ni Maxine at wala na siya ngayong mortal na katawan, napalitan na ito ng walang makakapantay na Demonic Body. Ngumiti ang Leader ng Azurean Clan na ama rin ni Marcello nang nakita niya ang Demonic Energy na nagmumula sa katawan ni Maxine. Sabi niya, "Mabuti na lang at hindi nasayang ang mga kayamanan ko. Mayroon nang Demonic Body si Maxine at patuloy na tataas ang lakas niya."Itinabi ni Maxine ang enerhiya niya
Sabi ni Qusai, "May isang buwan pa bago mahinog ang bodhi fruit at isagawa ni Brielle ang paligsahan para sa mapapakasalan niya. Importante ang oras ngayon, James. Kailangan mong magcultivate nang maigi. Kung hindi, hindi ka mananaig sa paligsahan at hindi mo mapapakasalan si Brielle."Sumagot si James, "Wala akong interes sa kanya." Totoo ang sinabi niyang wala siyang nararamdamang kahit na ano para sa kanya. Kahit na kasing ganda siya ng isang bulaklak, hindi siya interesado. Sa sandaling iyon, nilapitan sila ni Brielle. Nakasuot siya ng puting bistida na pinapakita ang magandang hubog ng katawan niya. Makinis ang balat niya at mayroon siyang ere ng isang maharlika. Habang papalapit siya, narinig niya ang mga salita ni James at bahagyang sumama ang maganda niyang mukha. Anong klaseng babae ba siya? Si Brielle ang pinakamagandang babae sa Mortal Dimension. Napakaraming manliligaw na ang nagpunta para hingin ang kamay niya sa isang kasal. Gayunpaman, direktang binanggi