"Sige ba, masira ka na!"Bumakat ang mga ugat sa mukha ni James nang sumigaw siya. Para bang baha ang True Essence sa katawan niya habang dumagsa ito sa nakasarang meridians at acupoints niya. Patuloy na lumakas ang True Essence niya. Sa ilalim ng atake ng malakas na True Essence, isa-isang nasira ang mga seal. Tumagal nang isang araw ang eksena. Pagkalipas ng isang araw, nasira ang mga seal sa main acupoints at meridians niya. Gayunpaman, puno ng mga sugat at nabalot ng dugo ang katawan niya. Walang kahit isang bahagi ng katawan niya ang walang galos. Kung naunang tao lang siya, namatay na siya. Gayunpaman, nagpumilit si James. Bigla siyang tumayo sa gitna ng mga bato. Hinangin ang mahaba at itim niyang buhok at bumakat ang mga ugat sa katawan niya. Naglabas ng malagim na intensyon ang katawan niya. “The Embodiment of the Heavenly Path?!”Nagalit si James. Bigla niyang inatake ang Embodiment ng Heavenly Path. Kahit na hindi pa tuluyang nabuksan ang mga seal sa katawan ni
Pagkatapos matalo ni James ang Embodiment ng Heavenly Path, isang makulay na banal na liwanag ang bumaba mula sa langit at bumalot sa kanya, na kaagad na nagpagaling sa mga sugat niya. Sa sandaling iyon, nauwi sa misteryosong kalagayan si James. Sumailalim sa isang ebolusyon ang True Essence niya at ang pisikal niyang katawan. Tumagal nang sampung minuto ang eksena. Pagkalipas ng sampung minuto, naglaho ang divine light. Tumayo si James mula sa lapag at tumingin sa paligid niya. Pagkatapos, huminga siya nang malalim. "Nakakatakot ang Elysian Seal. Muntik na akong mamatay." Napakamapanganib ng ginawa niyang pag-akyat ng rank. Mabuti na lang, nalampasan niya ito at nagawa niyang makapasok sa Sixth Stair ng Immortal Ascension. Pero, ang tunay niyang lakas ay maikukumpara sa Ninth Stair ng Immortal Ascension. Higit pa roon, nasa Ninth Stair ng Immortal Ascension ang pisikal niyang lakas. Sa pinagsama nitong lakas, kaya niyang tumalo ng isang nilalang na nasa First Stage ng M
"Nakakatakot ang pinagmulan niya. "Higit pa roon, nasa kanya ang Elysian Inscription at pinapamunuan niya ngayon ang mga halimaw sa Earth." "Kapag nanalo si James sa labang to, hindi aatakihin ng mga halimaw ang mga tao sa Earth sa hinaharap." Sa malayo, nagtipon at nagbulungan ang mga Outsiders mula sa Three Thousand Worlds. "Bakit di pa lumilitaw si James?" Medyo kanina pa nandito si Lucifer, pero wala pa rin si James. Sa sandaling iyon, isang lalaki ang nagmula sa malayo. Isa siyang gwapong lalaking nakasuot ng itim na balabal. Kalmado siyang naglakad sa ere at huminto sa bundok kung nasaan si Lucifer. Nakatayo siya daan-daang metro mula kay Lucifer at tinignan niya siya. "Nandito na si James." "Sa wakas nagpakita na rin si James. Nakadepende ang kapalaran ng sangkatauhan sa labang ito. Matatalo kaya ni James si Lucifer?" Kinabahan ang ilang mga tao ng Earth. Tumingin si James kay Lucifer na nasa harapan niya at kalmadong nagsabi, "Nandito na ako, Lucifer."
Nakarating na ang pisikal na lakas ni James sa Ninth Stair ng Immortal Ascension at ang cultivation rank naman niya ay nasa Sixth Stair ng Immortal Ascension. Nang hindi ginagamit ang Sacrilegious Ascension at ang dragon bone, kaya niya dapat lumaban sa isang Mage Rank. Pinagana niya ang True Essence niya, pinadaloy ito sa katawan niya, at kaagad na lumakas ang enerhiyang nagmumula sa kanya. Habang nakatayo sa malayo, nakita ni Lucifer ang eksena at bahagyang ngumiti, sabay nagsabing, "Mukhang malaki ang nilakas mo nitong nagdaang buwan. Napakalakas ng enerhiya mo kahit hindi ko ginagamit ang Sacrilegious Ascension." Kahit na nanatiling kalmado ang ekspresyon ni Lucifer, gulat siya sa loob niya. Alam niya ang tungkol sa Sacrilegious Ascension. Ngayong malakas na ni James, walang dudang magiging napakalakas niya pagkatapos gamitin ang Sacrilegious Ascension. Kalmado ang ekspresyon ni James habang tinignan niya si Lucifer. Iniunat niya ang kamay niya at nagsabing, "Kumilos
Umatras ng ilang hakbang ang katawan ni Lucifer at mayroon siyang nasasaktang ekspresyon. "Malakas siya." Nagngitngit ang ngipin ni Lucifer at nagsabing, "Gamit ng Sacrilegious Ascension, dumoble ang lakas mo. Pero ito ang magpapaganda sa labang ito." Pagkatapos makayanan ang bigat ng Sacrilegious Ascension, sinara ni Lucifer ang kamao niya at sumugod kay James. Kahit na nasa loob siya ng sakop ng Sacrilegious Ascension, hindi siya bumagal. Sa halip, mas mabilis pa siya ngayon. Sa isang kurap, lumitaw siya sa harapan ni James. Sumuntok siya kay James. Naglalaman ng mapaminsalang lakas ang atake niya. Hindi natakot si James at tinaas niya ang kamay niya para salagin ang atake. Boom!Nagbanggaan ang mga kamao nila. Nagbanggaan ang dalawang nakakatakot na pwersa at isang pagsabog ang nangyari sa ere. Ang banggaan ng dalawang hibla ng True Essence ay nagdala ng malaking shockwave na kumalat na parang alon ng tubig sa buong lugar. Tumalsik nang ilang metro si James. Sam
"Nagpapainit lang siya?" Nagulat ang madla sa mga salita ni Lucifer. Napakatindi ng laban nila pero sinasabi niyang nagpainit lang siya. Tumingin ang lahat sa labanang nasa harapan nila at sa gusgusing si Lucifer. Naging interesado sila sa susunod na gagawin ni Lucifer at pinanabikan nila ang laban. Iniunat ni Lucifer ang katawan niya at simpleng nagsabi, "Kagaya ng inaasahan mula sa signature martial art move ng Primordial Divine Ape Race, malakas nga ang Sacrilegious Ascension. Gayunpaman, may Supernatural Power na kagaya nito ang clan ko. Ginawa ito ng ama ko at tinatawag itong Supreme Form." “Supreme Form?”Sa malayo, maraming halimaw ang napakunot ang noo nang narinig nila ang Supernatural Power na iyon. "Hindi kaya ito ang signature martial art skill ni Emperor Xacobe, ang Supreme Form?" "Ano ang Supreme Form?" "Hindi ko alam." Maraming Outsiders at mga halimaw mula sa Three Thousand Worlds na nagpunta rito ang mula sa malalakas na pamilya at may maraming nalal
Nanatili sa langit ang energy fluctuations pagkatapos magbanggaan ng dalawa. Sa malayo, maraming pinakamalalakas na nilalang ang nanonood sa laban. "Base sa lakas na pinakita nina Lucifer at James, nakarating sila sa Third Stage ng Mage Rank. Gayunpaman, wala pa sa kanila ang nakarating sa Mage Rank." "Mali ka. Totoong hindi pa nakakapasok si James sa Mage Rank, pero nasa early phase na ng Mage Rank si Lucifer." "Sobrang lakas nila. Nakakamangha talaga. Hindi masyadong malayo ang pagitan ng pisikal nilang lakas. Pero, pagkatapos gamitin ni Lucifer ang Supreme Form niya, mas lalong lumakas ang katawan niya at nalampasan niya nang sobra si James." "Tama ka. Ginagamit ni James ang Sacrilegious Ascension pero kaya lang siya nitong palakasin at hindi ang pisikal niyang katawan. Dahil lang dito, mas malakas ang Supreme Form kumpara sa Sacrilegious Ascension." Habang naglalaban ang dalawa, nagkomento tungkol sa laban ang ilan sa mga pinakamalalakas mula sa malayo. Kasabay nito, si
Napanood ni Lucifer si James na lumaban noon at alam niya ang kapangyarihan ng Cosmic Destruction. Gayunpaman, hindi siya natatakot at kampante siyang makayanan ang atake ni James. Sa pagkakaalam niya, ang ultimate move ni James ay ang Cosmic Destruction. Sa ilalim ng tingin ng marami, lumabas ang itim na enerhiya mula sa katawan ni Lucifer. Mabilis itong nagsama-sama at nabuo, at sa huli ay naging isang set ng itim na armor. Kaagad siyang nakasuot ng itim na armor at itim na helmet. Sa sandaling iyon, nagmukhang isang Demon Emperor si Lucifer. "Ano?" Nabigla ang lahat. "Anong klaseng Supernatural Power yan?" "Naging armor ang Demonic Energy niya?" Nanlaki ang mga mata ng lahat habang pinanood nila and eksena sa gulat. Suot ng bagong armor, tinignan ni Lucifer si James at nagsabing, "Kumilos ka, James.""Atake." Nagsama ang dalawang hibla ng enerhiya para buuin ang True Lunar at Terra Essence at inatake niya di Lucifer gamit ng buong lakas niya. Nanatiling naka