Tinalo ni James ang Elephant King, pero nagsisimula pa lang ang laban.Matapos niya patayin ang Elephant King, umatras ang hukbo ng halimaw mula sa Southwest Province.Ngunit, kailangan niyang talunin si Lucifer para wala ng umatake na mga halimaw sa lungsod ng mga tao kahit na kailan.Naniniwala si James na may sapat na lakas si Lucifer para utusan ang mga halimaw.Naglakad si Lucifer at tumigil sa harapan ni James. Sinulyapan niya si James at sinabi, “Kakatapos mo lang lumaban, James. Kung lalabanan kita ngayon at manalo ako, kakalat ang balita na inapi kita at hindi nakipaglaban ng patas.”Sumagot si James, “Hindi ko kailangan magpahinga.”Kahit na ginamit na niya ang lahat ng alas niya sa laban sa Elephant King, hindi niya masyadong nagamit ang True Essence niya.Kumaway lang si Lucifer at sinabi, “Bibigyan kita ng sapat na oras para magpahinga at bawiin ang lakas mo. Ganito na lang? Maglaban tayo sa Mount Bane isang buwan mula ngayon. Ito ang pinakamahalagang laban para sa sangkat
“Hindi ka sapat para maging kalaban niya.”Tumalikod si Sophie at nakita ni James ang maganda niyang mukha. Sumagot siya ng mahina, “Anak si Lucifer ng Isang Grand Emperor, habang may malakas na dugong dumadaloy sa kanya. Sapat na ang lahi na pinagmulan niya para matalo ka. Bukod pa doon, nasa kanya ang Elysian Inscription. Kahit na hindi pa mataas ang cultivation rank niya, mayroon siyang taglay na matinding lakas.”Napaisip si James ng matagal at sinabi, “Mayroon pa akong isang buwan. Hindi ako puwedeng sumuko agad. Ms. Sophie, magcucultivate ako sa Time Chamber. Kailangan mo ako bantayan sa pagsasanay ko.”Determinado ang ekspresyon ni James.Katapusan na ng mga tao kung susuko siya.Umiling-iling si Sophie at sinabi, “Wala ng silbi ito. Nilagyan ng seal ng Heavenly Path ang katawan mo. Magiging sobrang hirap na makawala sa seal. Base sa taglay mong lakas, kailangan mo lampasan ng dalawang beses ang lakas mo. Ibig sabihin, kailangan mo maabot ang Immortal Ascensions Seventh Stair. S
Hindi inipon ni James ang enerhiya niya para sa cultivation rank niya. Sa totoo lang, hindi na niya magawa.Noong nagcucultivate siya sa Dragon Abyss ng Ancient Realm, patuloy siya sa pag-ipon ng enerhiya niya para sa cultivation rank niya, at sobrang puro ng True Essence niya.Noong susubukan niya na lampasan ang lakas niya, si Sophie, na inaaral ang Infinity Stele ay pinigilan siya at sinabi, “James, hindi ka maaaring magbreakthrough sa Celestial Abode.”“Bakit?” naguguluhan niyang tinignan si Sophie.Nagsalita si Sophie, “Kahit na hindi ko alam kung anong seal ang mayroon ka sa katawan mo, nakikita ko na maaari mo masira ang Celestial Abode kapag ginawa mo yan dito.”Naguluhan si James at nagtanong, “Masisira ko ang Celestial Abode? Pero, napakalakas ng Celestial Abode. Masisira ito ng kapangyarihan ng seal?”Tumango si Sophie at sinabi, “Oo. Ang seal sa katawan mo ay Elysian Seal, na nagdadala ng makapangyarihan na Elysium. Karaniwang ginagamit para pigilan ang malakas. Habang mas
“Kumpara sa iyo, hindi ganoon kalakas ang Elysian Seal sa ibang pangkaraniwan na tao.”“Ang pisikal na katawan mo ay kakaiba, at nakuha mo ang pamana ni Emperor Jabari. Bukod pa doon, nakuha mo ang Infinity Stele. Kaya, matindi ang Karma na dala mo, kaya malakas ang epekto ng Elysian Seal sa iyo.”Noong marinig ito ni James, mas naintindihan na niya.Sa madaling salita, ang lakas ng Elysian Seal ay nakadepende sa mga achievements na nakamit mo sa pagcucultivate kabilang ang potensyal at lakas.“Hindi ko pa naabot ang rurok?” bulong ni James.“Malayo ka pa sa rurok.”Nagsalita si Sophie, “Malakas ka ngayon, lalo na ang pisikal na lakas mo, na umabot na sa gitna ng Immortal Ascension’s Eighth Stair. Oras na para malaman mo ang iba sa mga nagagawa ng Celestial Abode. Para sa iba, si Nova na ang magpapaliwanag sa iyo. Sabihan mo din siya na gabayan ka sa cultivation mo.”Sa oras na iyon, narinig niya ang boses ni Nova mula sa Celestial Abode.“Noon, alam na ni Emperor Jabari ang mga sakuna
Hindi inaasahan ni James na hindi matatag ang cultivation rank niya.Nasa rurok na siya ng Immortal Ascension’s Fifth Stair pero bigla napigilan at bumalik sa huling parte ng Immortal Ascensions Four Stair ulit.Wala na siya sa Immortal Ascension’s Fifth Stair.Sa kabutihang-palad, nakuha niya ang Celestial Abode ni Emperor Jabari at ang Cultivation Courtyard sa loob nito.Itinuro ni Sophie ang isang kuwarto, “Mayroong tatlong kuwarto sa hardin para icultivate ang iyong True Energy, Physical Body, at kaluluwa respectively. Kailangan mo lang palakasin ang iyon True Energy, kaya pumasok ka lang dapat sa unang kuwarto.”“Sige.” Tumango si James.Lumapit siya at pumasok sa unang kuwarto.Pagkatapos, binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob.Humakbang siya sa kuwarto.Nagbago ang kapaligiran sa oras na pumasok doon si James. Hindi na siya nakatingin sa isang kuwarto kung hindi sa isang magandang lugar na may kabundukan at ilog.Sa malayo, may talon ang isang bundok. Mayroong simple na kah
Lumabas ang kapangyarihan ng Elysian Seal mula sa mga ugat, kalamnan, at buto niya. Sumuot ito sa buo niyang katawan at sinara ang lahat ng meridian at acupoint niya, na pumigil sa pagdaloy ng True Essence niya. Mayroon ring mapanirang kapangyarihan ang Elysian Seal. Kaagad na nasaktan nito si James. Gayunpaman, kayang tiisin ni James ang mga sugat na iyon. “Break!!!”Sapilitang pinagana ni James ang True Essence niya. Nagtipon ang True Essence niya na parang malakas na alon at tumama sa seal sa loob ng katawan niya. Boom!Isang pagsabog ang nangyari sa loob ng katawan ni James at nasira ang seal. Dumaloy ang malakas na pwersa sa katawan ni James at nasugatan siyang muli. Bumagsak si James sa lapag at sumuka ng dugo. Tumayo si James mula sa lapag at umupo nang naka-lotus position. Hindi niya pinansin ang mga sugat niya at nagpatuloy na wasakin ang iba pang seal. Maraming halimaw ang nagtipon sa paligid niya. Sa ilalim ng titig ng mga halimaw, para bang naging transp
Higit sa inaasahan ni Lucifer ang paglakas ni James. Binigyan niya si James ng isang buwan para gumaling sa mga sugat niya. Gayunpaman, hindi niya inasahang tataas ang cultivation rank ni James sa loob lang ng ilang araw. Nagdala ng pag-asa sa sangkatauhan ang paglakas ni James. [Kung ganun, posible nating masira ang seal.] [Kung kaya ni James, kaya din natin.] [Gawin natin ang makakaya natin!] Hindi alam ni James ang pag-asang dinala ng paglakas niya sa lahat ng sangkatauhan. Naging positibo muli ang pananaw ng mga taong nawalan ng pag-asa. Samantala, pumasok si James sa Celestial Abode at pumasok sa isang kwarto para patibayin ang True Essence niya. Pagkatapos pumasok sa Celestial Abode, nagsimula siyang magcultivate nang determinado. Ang layunin niya ay makarating sa Third Stair ng Immortal Ascension. Posible dapat itong mangyari sa natitira niyang oras. Malakas ang Primordial Enerdy sa kwarto. Hindi narating ng katawan ni James ang kumpletong kapasidad nito. Nan
Pinagana ni James ang True Energy niya. Sa sandaling pinagana niya ang True Essence, lumitaw ang seal sa katawan niya at pinigilan ang daloy ng True Essence niya. "Huh?" Nagbago ang ekspresyon ni James. Akala niya ay maglalaho na ang seal sa katawan niya dahil lumitaw ang Embodiment ng Heavently Path. Gayunpaman, nasa katawan niya pa rin ang seal na pumigil sa kanyang gamitin ang True Essence niya. Paano siya lalaban sa ganitong kalagayan? "Huff!" Huminga nang malalim si James. Nagpasya si James na gamitin ang piskal niyang lakas para lumaban. Mas mataas ang pisikal niyang lakas sa Fifth Stair ng Immortal Ascension kaya inakala niyang hindi magiging mahirap na patayin ang Heavenly Path. Nang sinubukan niyang gamitin ang pisikal niyang katawan, nalaman niya na pinipigilan ito at hindi siya makagamit ng kahit na anong pwersa. "Ang lakas talaga ng Elysian Seal." May seryosong ekspresyon si James. Sa wakas naintindihan na niya ang nakakatakot na lakas ng Elysian Seal.