Palihin niyang inobserbahan ang mga Callahan at nakita niyang mabuti naman sila. Mukhang wala si Thea sa Cansington kagaya ng inasahan niya. Ang hula niya ay nasa Wyrmstead siya. Umalis siya ng Sol at nagmadali papunta sa Wyrmstead. Pansamantala, naglog-in din siya sa Martial Arts Forum para malaman niya ang sitwasyon sa Earth nitong nagdaang dalawang taon. Nalaman niyang walang malaking nangyari sa nagdaang dalawang taon at mapayapa ang lahat. Gayunpaman, mas maraming Outsiders ang lumitaw sa Earth ngayon. Ang ilan pa nga sa malalakas mula sa Three Thousand Worlds ay gumamit ng mga taktika para makarating sa Earth. Sa pagkakaalam ni James, ang pinakamalakas na tao sa Earth ay nasa Sage Rank at may ilan taong nasa rank na ito. Ang isa sa kanila ay ang elder ng Divinity Sect na si Yuvaan. Dagdag pa rito, nalaman ni James na nangyari na ang Second Calamity. Ang Second Calamity ay tinawag na Calamity of Beasts. Habang hinaharap ng sangkatauhan ng Earth ang kalamidad na ito,
Pagkatapos lumapit ni James sa istatuwa, narinig niya ang mga usap-usapan ng nakapalibot na cultivators at nakakuha siya ng mahalagang piraso ng impormasyon. Lumitaw ang Elysian Inscription sa isang isla at sumusugod doon ang mga halimaw mula sa buong mundo. Umaasa silang makinabang sa ilalim ng Elysian Light. Kasabay nito, ilan sa malalakas na tao ang nagpunta rin sa isla. Kahit na binbalitang walang epekto ang Elysian Inscription sa mga tao, nagpunta pa rin doon ang ilang cultivators para obserbahan ang sitwasyon. Pagkatapos itong malaman ni James, napaisip siya nang malalim. Sa umpisa, gusto niyang pumunta roon at magtingin. Gayunpaman, nagpasya siyang hindi pumunta pagkatapos itong pag-isipan nang maayos. Umalis siya sa bundok at nagpunta sa Bane City. Naging mas maunlad ang lungsod kumpara noong nakaraang dalawang taon. Nagtipon sa Bane City ang Outsiders mula sa Three Thousand Worlds. Habang nilalakbay ang dati niyang dinaanan, naglakad si James papunta sa mansyon n
Biglang naisip ni James ang Grand Emperor muka sa Demon Race na si Xacobe at ang anak niyang si Lucifer. Napagtanto niyang wala siyang masyadong nalalaman tungkol sa kanila. Dahil si Marcello ay isang mahalagang miyembro ng Demon Race, pamilyar siya dapat sa kanya. Nagdududang tumingin si Marcello kay James at nagtanong, "Bakit ka nagtatanong tungkol sa kanya?" Sabi ni James, "Alam mo na dapat ang pinagmulan ng katawan ko dahil ikaw ang nagbigay sa'kin ng Supreme Token ng Demon Race. Binuong muli ang katawan ko gamit ng Natal Primordial Spirit ng Grand Emperor na si Xacobe, ang Demonic Lotus. Nagpunta ako sa Ancient Realm at binuhay ang anak niyang si Lucifer gamit ng Demonic Energy sa loob ng katawan ko." “Si Lucifer?!”Sumigaw si Marcello at nagsabing, "Binuhay mo si Lucifer?!" "Oo." Tumango si James. “Haah!!!”Huminga nang malalim si Marcello at nagsabing, "Seryosong problem to, James. Alam mo ba kung sino ang binuhay mo?" "Hindi ba siya ang anak ng Demon Emperor? Anon
Pagkatapos marinig ang mga salita ni Marcello, napuno ng takot si James. Siya ang responsable sa muling pagbangon ni Lucifer. Lumitaw ang Elysian Inscription para kay Lucifer mismo. Malinaw na si Lucifer ang Second Calamity ng Earth. 'Ang paraan lang ba para maiwasan ang kaguluhan ay ang patayin si Lucifer?'Tanong ni James sa loob niya. "Ha!" Tumawa si Marcello at nagsabing, "Masyado kang simple mag-isip, James. Patayin siya? Sinong makakagawa nun? Hindi mo ba naiintindihan kung sinong sumusuporta sa kanya? Ang Hadean Clan. Kahit na wala silang Grand Emperor ngayon, may mga Quasi-Emperor sa ranggo nila." "Ano palang dapat nating gawin?" tanong ni James. Umiling si Marcello at nagsabing, "Hindi ko rin alam. Nakadepende ito sa mga plano ni Lucifer pagkatapos niyang makuha ang Elysian Inscription. Sa huli, kahit ano pang gusto niyang gawin, walang kahit na sino sa Earth ang kayang lumaban sa kanya." Nanahimik si James nang narinig niya ito. Nagpatuloy na lumipad nang mabil
Napansin kaagad ni James ang liwanag. Bumuo ang gintong liwanag ng isang misteryosong simbolo na patuloy na nagbabago. Binalot ng liwanag ang buong isla at hindi mabilang na malalakas na aura ang kaagad na bumugso mula rito. "Ano?" Nagulat si James. "Ito ba ang Elysian Inscription? Kumalat ang gintong liwanag sa buong isla. Ibig sabihin ba nito ay nailawan ng Elysian Light ang lahat ng mga halimaw sa isla? Bigla ba silang lumakas?" Kinagat ni James ang labi niya. Nabasa na niya ang tungkol sa Elysian Light sa Martial Arts Forum. May mga balita tungkol sa mga pangkaraniwang hayop na nailawan ng Elysian Light at naging mga halimaw na may lakas ng Mage Rank. Malalakas na ang mga halimaw na naglakbay sa isla. Kung talagang nasinagan sila ng Elysian Light, gaano na sila kalakas ngayon?Habang nakakunot pa rin ang noo ni James sa pag-iisip, mas lalong tumaas ang gintong simbolo sa itaas ng isla. Ang gintong ilaw na mabagal na nagmumula sa isla ay unti-unting kumalat sa bawa
Nakarating na rin sa tuktok ng cultivation ang lakas ni Sophie at kaagad niyang naramdaman ang abnormalidad mula sa loob ng Celestial Abode nang lumitaw ang Elysian Light. Isa itong masaganang panahon para sa mga hindi tao, ngunit ito ang katapusan para sa sangkatauhan. Ano ba talaga ang ginawa ng mga tao noong sinaunang panahon para tratuhin ng Heavenly Path ang mga tao nang ganito?Napakunot ang noo ni James sa mga sinabi ni Sophie. Tinignan niya ang Elysian Inscription sa itaas ng isla at ang gintong liwanag na umiilaw mula rito. Sumuot ang liwanag sa Earth at sa Three Thousand Worlds na nagbigay ng matinding lakas sa lahat ng hindi tao. Kasabay nito, nabuo ang mga kadena sa katawan ng mga tao para limitahan sila. Umilaw ang Elysian Light nang halos isang araw. Pagkalipas ng isang araw, nakakita si James ng isang anyong lumulutang sa itaas ng isla. Binalot siya ng Elysian Light at kaagad itong nakatawag ng pansin ng lahat. Sa ilalim ng tingin ng libo-libong mga mata,
"Nagmula ang Elephant King sa Sealed Realm. Kasing lakas siya ng isang Second Stage Mage." "Katapusan na natin! Katapusan ng mga tao sa Earth!" "Ang Elephant King ang naunang mang-angkin ng lungsod ng tao. Siguradong maraming mas malalakas na halimaw ang susunod dito. Kapag lumitaw sila, katapusan na ng mga tao! Hindi na nakatayo sa tuktok ang mga tao at magiging mga alipin tayo." Nagbahagi ng opinyon ang mga tao mula sa iba't-ibang bahagi ng Three Thousand Worlds sa internet. "Nakadepende ito kung haharap ang malalakas na taong nagtatago sa Earth para pigilan itong mangyari." "Malamang yan hindi. Hindi ganun kadaling mangingialam ang mga taong yun. Baka nga hindi pa sila kumilos kahit maubos ang sangkatauhan." "Kung hindi kikilos ang mga malalakas na nasa Earth, paano lalabanan ng sangkatauhan ang malalakas na halimaw na'to?" "Tama ka. Walang pakialam ang mga tao mula sa Three Thousand Worlds tungkol sa kapalaran ng mga tao sa Earth. Mga makasalanan ang mga ninuno ng mga
Ang Elysian Inscription ay nagpakita at nagbigay ng mga benepisyo sa mga lahing hindi tao.Ang mga naligo sa Elysian Light ay nagkaroon ng mas malaking potensyal, pero ang iba ay nagkaroon ng biglaang dagdag ng lakas.Katumbas nito ang nanalo sa lotto para sa mga lahing hindi tao. Ang pagkakaiba nito ay ang iba ay nanalo ng ilang dolyar lamang, habang ang iba nama ay milyon.Ang weasel ay isang ordinaryong hayop na nakatira sa paanan ng Mount Jade. Sa pagbalik ng Empyrean Spiritual Energy sa Earth, unti-unti ito nagkaroon ng isip. Sa simula, mahina ito kaya nagtago ito para magcultivate.Matapos siya baguhin ng Elysian Light, nagkaroon siya agad ng matinding lakas.Ang kasalukuyan niyang lakas ay higit ng sobra sa mga martial artist ng Earth.Sa oras na nagkaroon siya ng matinding lakas, ipinatawag niya ang lahat ng mga mababangis na hayop sa Mount Jade. Nanguna siya sa pagsugod para sakupin at pamunuan ang Mount Jade.Matapos makita ang mga martial artist na nakahiga sa hall, hindi ni