Nakarating na rin sa tuktok ng cultivation ang lakas ni Sophie at kaagad niyang naramdaman ang abnormalidad mula sa loob ng Celestial Abode nang lumitaw ang Elysian Light. Isa itong masaganang panahon para sa mga hindi tao, ngunit ito ang katapusan para sa sangkatauhan. Ano ba talaga ang ginawa ng mga tao noong sinaunang panahon para tratuhin ng Heavenly Path ang mga tao nang ganito?Napakunot ang noo ni James sa mga sinabi ni Sophie. Tinignan niya ang Elysian Inscription sa itaas ng isla at ang gintong liwanag na umiilaw mula rito. Sumuot ang liwanag sa Earth at sa Three Thousand Worlds na nagbigay ng matinding lakas sa lahat ng hindi tao. Kasabay nito, nabuo ang mga kadena sa katawan ng mga tao para limitahan sila. Umilaw ang Elysian Light nang halos isang araw. Pagkalipas ng isang araw, nakakita si James ng isang anyong lumulutang sa itaas ng isla. Binalot siya ng Elysian Light at kaagad itong nakatawag ng pansin ng lahat. Sa ilalim ng tingin ng libo-libong mga mata,
"Nagmula ang Elephant King sa Sealed Realm. Kasing lakas siya ng isang Second Stage Mage." "Katapusan na natin! Katapusan ng mga tao sa Earth!" "Ang Elephant King ang naunang mang-angkin ng lungsod ng tao. Siguradong maraming mas malalakas na halimaw ang susunod dito. Kapag lumitaw sila, katapusan na ng mga tao! Hindi na nakatayo sa tuktok ang mga tao at magiging mga alipin tayo." Nagbahagi ng opinyon ang mga tao mula sa iba't-ibang bahagi ng Three Thousand Worlds sa internet. "Nakadepende ito kung haharap ang malalakas na taong nagtatago sa Earth para pigilan itong mangyari." "Malamang yan hindi. Hindi ganun kadaling mangingialam ang mga taong yun. Baka nga hindi pa sila kumilos kahit maubos ang sangkatauhan." "Kung hindi kikilos ang mga malalakas na nasa Earth, paano lalabanan ng sangkatauhan ang malalakas na halimaw na'to?" "Tama ka. Walang pakialam ang mga tao mula sa Three Thousand Worlds tungkol sa kapalaran ng mga tao sa Earth. Mga makasalanan ang mga ninuno ng mga
Ang Elysian Inscription ay nagpakita at nagbigay ng mga benepisyo sa mga lahing hindi tao.Ang mga naligo sa Elysian Light ay nagkaroon ng mas malaking potensyal, pero ang iba ay nagkaroon ng biglaang dagdag ng lakas.Katumbas nito ang nanalo sa lotto para sa mga lahing hindi tao. Ang pagkakaiba nito ay ang iba ay nanalo ng ilang dolyar lamang, habang ang iba nama ay milyon.Ang weasel ay isang ordinaryong hayop na nakatira sa paanan ng Mount Jade. Sa pagbalik ng Empyrean Spiritual Energy sa Earth, unti-unti ito nagkaroon ng isip. Sa simula, mahina ito kaya nagtago ito para magcultivate.Matapos siya baguhin ng Elysian Light, nagkaroon siya agad ng matinding lakas.Ang kasalukuyan niyang lakas ay higit ng sobra sa mga martial artist ng Earth.Sa oras na nagkaroon siya ng matinding lakas, ipinatawag niya ang lahat ng mga mababangis na hayop sa Mount Jade. Nanguna siya sa pagsugod para sakupin at pamunuan ang Mount Jade.Matapos makita ang mga martial artist na nakahiga sa hall, hindi ni
Malalaman ang pagkakakilanlan niya kapag ginamit niya ang Primordial Dragon Blade.Itinago ni James ang espada at tinawag si Sophie, na nasa Celestial Abode. Nagtanong siya, “Ms. Sophie, mayroon bang nababagay na armas para sa akin sa Celestial Abode?”Nagsalita si Sophie, “Mayroong Supreme Armory sa Celestial Abode. Pero, kailangan mo maging Sage Rank, para makapasok doon. Hindi mo magagamit ang mga armas sa kasalukuyan mo na lakas. Hmm… ganito na lang? Bigyan mo ako ng oras. Gagawa ako ng espada na nararapat sa iyo.”Matapos ito marinig, matiyagang naghintay si James.Sa loob ng limang minuto, lumikha ng bagong espada si Sophie para kay James.Ang espada ay napunta sa kamay ni James.Isa itong espada na dalawang metro ang haba. Puti ang talim nito ay may ilang mga inscriptions dito. Hinawakan ni James ang espada at nabatid niyang kakaibang espada ito na may makapangyarihan an enerhiya.Ang enerhiya ng espada ay higit pa sa Primordial Dragon Blade.Narinig niya ang boses ni Sophie mul
Hindi nagmadali si James at naghintay pa na dumami ang manonood sa live broadcast niya. Gusto niyang malaman ng mga Outsider ng Three Thousand Worlds at mga halimaw sa Earth ang tungkol sa live broadcast.Alam niyang mahihirapan siya iligtas ang sangkatauhan ng mag-isa.Ngunit, kailangan niyang pangunahan ito para maging haligi ng mga tao.Kailangan niyang ipaalam sa mga halimaw na may makapangyarihang mga tao sa Earth.Agad na naging viral ang live broadcast ni James.Sa loob ng ilang minuto, nagkaroon ito ng daang libong mga manonood.Sa kasalukuyanm may mga babaeng mga tao ang sumasayaw sa rurok ng Mount Jade.Ang Weasel King ay nakaupo sa puwesto niya at magiliw na nanonood. Natuwa siya sa performance ng mga magagandang babae habang pinapakain siya ng Spiritual Fruits at ang iba naman ay nagmamasahe sa kanya.“Kamahalan, may masama akong balita! May problema tayo!”Isang weasel ang mabilis na pumasok sa hall.Isa itong weasel na wala pang anyong tao.Walang pakielam na sumagot ang
Itinaas ni James ang kamay niya at inayos ang nalukot niyang damit. Tinignan niya ng galit ang Weasel King ang walang pakielam na sinabi, “Ang pinakamalaki mo na pagkakamali ay ang sakupin ang Mount Jade at saktan ang mga tao. Hindi ka na sisikatan ng araw.”“Haha.”Tumawa ng malakas ang Weasel King.Matapos makita ang kalaban niya na ininda ang atake niya, alam niyang hindi magiging madali na kalabanin si James.“Haha!”Hindi na siya nagpigil, ginamit niya ang buong puwersa niya sa buong katawan niya. Bigla, bumalik siya sa anyong halimaw.Malaki ang katawan niya, na tila bundok, at may matinding kagustuhan ng pagpatay na mararamdaman sa kanya.“Basurang tao. Ngayon, kakainin ko ang laman mo at iinumin ang dugo mo!”Sa oras na ito, milyon na ang nanonood sa live broadcast ni James. Kabilang doon ay ilang mga Outsider.Noong nakita nila na bumalik sa anyong halimaw ang Weasel King, nag-alala ang mga tagalupa para kay James.“Napakalakas ng Weasel King. Ang sabi niya nasa Mage Rank na s
Ang maliit na ibon ay naging higanteng ibon sa isang kisapmata.Napakalaki ng katawan ni Feb na ilang daang metro ang haba at may magandang lila na kulay. Kulay lila na liwanag ang pumalibot sa pakpak niya.Napakatalim ng tuka niya na parang espaa. Mayroon din siyang isang sungay sa ulo na may misteryosong mga inscription ang lumulutang.Napakatalim ng mga paa niya at ang mahabang buntot niya ay sumayaw sa hangin.Tinignan ni James si Feb na nagtransform. Bumulong siya, “Ito ba ang tunay na anyo ng Gorger? Kahit na napakalaki niya, napakaganda pa din niya habang lumiliwanag ng lila ang katawan niya.”Sa oras na ito, nagkagulo ang mga manonood sa pagkumento.“Anong klaseng halimaw yan?”“Napakalaki!”“Nakikita ba ninyo ang mga inscription sa pakpak at sungay nito?”“Karaniwan na ang kahit anong bagay na may ganyan na mga inscription ay may matinding puwersa.”Hindi pa nakikita ng mga tao ang Gorger noon at hindi nila alam kung ano si Feb. Mukha siyang malaking lila na ibon, na mas malap
“Alam mo ba kung anong klaseng halimaw iyon, Jace?”Tinignan ni Marcello si Jace na pinapanood din ang video.Matapos panoorin ang video, huminga ng malalim si Jace. Habang malagim ang itsura niya, nagsalita siya, “Kung hindi ako nagkakamali, isa iyong Gorger.”“Isang Gorger?” nabigla si Marcello.“Mhm.”Tumango si Jace. “Isa itong nakakatakot na halimaw. Nabasa ko lang ang tungkol dito sa sinaunang mga libro ng clan natin. Ang nakasaad sa mga sinaunang libro ay ang mga Gorger ay kumakain ng bituin. Kasabay nito, itong mga halimaw na ito ay nagtataglay ng abilidad na kainin ang kahit na ano. Nakasaad sa mga sinaunang libro na ang Gorger ang namumuno na pinakamalakas noong unang panahon.”Kaunti lamang ang impormasyon tungkol sa mga Gorger na nakatala sa sinaunang mga libro ng clan. Ilang mga paglalarawan lang ito kung gaano kalakas ang abilidad nito.Nakilala agad ni Jace ang Gorger.Ang ibang makapangyarihan na nilalang ay nakilala din ang Gorger.“Hindi maaaring kalabanin ang taong i