Bumuntong-hininga si Xozarth at nagsabing, "Siya ang anak ng Demon Emperor. Nang namatay ang Demon Emperor, kinulong niya siya sa Ancient Realm. Alam ko ang tungkol sa kanya. Hindi ko lang inasahang pupunta siya rito pagkatapos niyang magising nang may intensyong ilipat ang Dragon Vein ng lugar na'to." Alam ni James na si Lucifer ang sinasabi niya. Nagtanong siya, "May magiging epekto ba sa lugar na'to ang paglipat sa Dragon Vein?" Nagpaliwanag si Xozarth, "Ang Dragon Vein sa lugar na'to ay ang puso ng Ancient Realm. Libo-libo sa mga ley lines sa Ancient Realm ay nagmula lahat sa Dragon Vein na ito. Kapag nawala ang Dragon Vein, dahan-dahang mamamatay ang iba pang ley lines. "Unti-unti ring maglalaho ang Spiritual Energy ng Ancient Realm at magiging isang patay na realm sa huli."Pagkatapos marinig iyon, nagsalubong ang kilay ni James at nagsabing, "Ganun ba ito kaseryoso?" Tumango si Xozarth at nagsabing, "Gayunpaman, hindi na ito mahalaga dahil babalik na ang Primordial Ener
Nagulat si James. Ang ninuno ng Dragon Race ay isa sigurong mala-diyos na nilalang na nagmula sa Primordial Age ng Dragon Race. Sa pagkakaalam ni James, ang Grand Emperor ang pinakamataas na cultivation rank na mararating ng isang tao. Kung kaya't naisip niyang ang ninuno ng Dragon Race ay walang dudang isang Grand Emperor. Tumingin si James kay Xozarth at nahihiyang nagsabi, "Kung ganun, sinasabi mong maswerte akong nakasalubong ko ito?" Kaya pala binalaan siya ni Sophie na marami siyang mapapalampas na magagandang bagay kung aalis siya. Ang tinutukoy niya ay ang pamana ng isang Grand Emperor, kabilang na rito ang transcendent dragon bone. Tumingin si Quintina kay Xozarth at nagtanong, "Sir, hula ko ay malakas ka. Nakita ko si Lucifer kanina. Kahit na ipinanganak siya nang may mataas na potensyal, hindi siya gaanong kalakas ngayon. Dapat kaya mo siyang pigilang makuha ang Dragon Vein." Nagkasalubong ang kilay ni Xozarth. "Hindi ito kasing simple ng iniisip mo. Narinig
Nakikita ni James ang matingkad na gintong liwanag na nagmumula sa buto. Maliit at kulay ginto ito na may misteryosong simbolong naglalakad sa ibabaw nito. Patuloy na nagpapabago-bago ang mga simbolong ito na para bang kagaya ng Milky Way. Sa maikling sandali, nagpalit ng anyo ang mga simbolo nang higit sa ilang libong beses. Nang may nagtatakang ekspresyon, nautal si James, "Ito ba ang dragon bone?" Tumango si Xozarth at nagsabing, "Oo, ito ang dragon bone na iniwan ng Ancestral Dragon. Nasa loob ng inscription na'to ang buong pamana ng Ancestral Dragon. Isa itong kayamanang papangarapin lang na makuha ng mga malalakas."Ang butong ito ay nagmula sa Ancestral Dragon. Halos hindi ito nasisira. "Napakapambihira nito at kailangan nito ng malakas na enerhiya para sustentuhan ito. Nang walang enerhiya, hindi magtatagal ay mamamatay ito. Kapag nangyari iyon, maglalaho rin ang inscriptions sa buto kasama nito."Ililipat ko ang dragon bone sa loob ng katawan mo. Mapapanatili mo to d
Umalis si Xozarth pagkatapos niyang isalin ang dragon bone sa katawan ni James. Hindi rin nagtagal si James doon at mabilis na umalis sa ilalim ng lupa para bumalik sa ibabaw ng isla. Pagkatapos nito, pinalabas niya sina Henry, Delainey, ang Blithe King, at Quintina mula sa Celestial Abode. "Kumusta, James?" Kaagad na nagtanong si Henry sa sandaling nakalabas siya. Tumingin din si Quintina kay James. Interesado siya sa kung anong nangyari sa dragon bone. Tumango si James at nagsabing, "Mhm, maayos naman ang lahat. Matagumpay na naisalin sa katawan ko ang dragon bone." Nagtanong si Delainey, "Anong susunod mong gagawin, James?" Pinag-isipan ito sandali ni James. Sa umpisa, gusto niyang magcultivte sa Ancient Realm at bumalik sa Earth pagkatapos makakuha ng sapat na lakas. Gayunpaman, magulo ang sitwasyon sa Ancient Realm at hindi ito naaayon na lugar para magcultivate nang mapayapa. Mas mapanganib na ang Ancient Realm kumpara sa Earth. Sabi ni James, "Balak kong buma
Palihin niyang inobserbahan ang mga Callahan at nakita niyang mabuti naman sila. Mukhang wala si Thea sa Cansington kagaya ng inasahan niya. Ang hula niya ay nasa Wyrmstead siya. Umalis siya ng Sol at nagmadali papunta sa Wyrmstead. Pansamantala, naglog-in din siya sa Martial Arts Forum para malaman niya ang sitwasyon sa Earth nitong nagdaang dalawang taon. Nalaman niyang walang malaking nangyari sa nagdaang dalawang taon at mapayapa ang lahat. Gayunpaman, mas maraming Outsiders ang lumitaw sa Earth ngayon. Ang ilan pa nga sa malalakas mula sa Three Thousand Worlds ay gumamit ng mga taktika para makarating sa Earth. Sa pagkakaalam ni James, ang pinakamalakas na tao sa Earth ay nasa Sage Rank at may ilan taong nasa rank na ito. Ang isa sa kanila ay ang elder ng Divinity Sect na si Yuvaan. Dagdag pa rito, nalaman ni James na nangyari na ang Second Calamity. Ang Second Calamity ay tinawag na Calamity of Beasts. Habang hinaharap ng sangkatauhan ng Earth ang kalamidad na ito,
Pagkatapos lumapit ni James sa istatuwa, narinig niya ang mga usap-usapan ng nakapalibot na cultivators at nakakuha siya ng mahalagang piraso ng impormasyon. Lumitaw ang Elysian Inscription sa isang isla at sumusugod doon ang mga halimaw mula sa buong mundo. Umaasa silang makinabang sa ilalim ng Elysian Light. Kasabay nito, ilan sa malalakas na tao ang nagpunta rin sa isla. Kahit na binbalitang walang epekto ang Elysian Inscription sa mga tao, nagpunta pa rin doon ang ilang cultivators para obserbahan ang sitwasyon. Pagkatapos itong malaman ni James, napaisip siya nang malalim. Sa umpisa, gusto niyang pumunta roon at magtingin. Gayunpaman, nagpasya siyang hindi pumunta pagkatapos itong pag-isipan nang maayos. Umalis siya sa bundok at nagpunta sa Bane City. Naging mas maunlad ang lungsod kumpara noong nakaraang dalawang taon. Nagtipon sa Bane City ang Outsiders mula sa Three Thousand Worlds. Habang nilalakbay ang dati niyang dinaanan, naglakad si James papunta sa mansyon n
Biglang naisip ni James ang Grand Emperor muka sa Demon Race na si Xacobe at ang anak niyang si Lucifer. Napagtanto niyang wala siyang masyadong nalalaman tungkol sa kanila. Dahil si Marcello ay isang mahalagang miyembro ng Demon Race, pamilyar siya dapat sa kanya. Nagdududang tumingin si Marcello kay James at nagtanong, "Bakit ka nagtatanong tungkol sa kanya?" Sabi ni James, "Alam mo na dapat ang pinagmulan ng katawan ko dahil ikaw ang nagbigay sa'kin ng Supreme Token ng Demon Race. Binuong muli ang katawan ko gamit ng Natal Primordial Spirit ng Grand Emperor na si Xacobe, ang Demonic Lotus. Nagpunta ako sa Ancient Realm at binuhay ang anak niyang si Lucifer gamit ng Demonic Energy sa loob ng katawan ko." “Si Lucifer?!”Sumigaw si Marcello at nagsabing, "Binuhay mo si Lucifer?!" "Oo." Tumango si James. “Haah!!!”Huminga nang malalim si Marcello at nagsabing, "Seryosong problem to, James. Alam mo ba kung sino ang binuhay mo?" "Hindi ba siya ang anak ng Demon Emperor? Anon
Pagkatapos marinig ang mga salita ni Marcello, napuno ng takot si James. Siya ang responsable sa muling pagbangon ni Lucifer. Lumitaw ang Elysian Inscription para kay Lucifer mismo. Malinaw na si Lucifer ang Second Calamity ng Earth. 'Ang paraan lang ba para maiwasan ang kaguluhan ay ang patayin si Lucifer?'Tanong ni James sa loob niya. "Ha!" Tumawa si Marcello at nagsabing, "Masyado kang simple mag-isip, James. Patayin siya? Sinong makakagawa nun? Hindi mo ba naiintindihan kung sinong sumusuporta sa kanya? Ang Hadean Clan. Kahit na wala silang Grand Emperor ngayon, may mga Quasi-Emperor sa ranggo nila." "Ano palang dapat nating gawin?" tanong ni James. Umiling si Marcello at nagsabing, "Hindi ko rin alam. Nakadepende ito sa mga plano ni Lucifer pagkatapos niyang makuha ang Elysian Inscription. Sa huli, kahit ano pang gusto niyang gawin, walang kahit na sino sa Earth ang kayang lumaban sa kanya." Nanahimik si James nang narinig niya ito. Nagpatuloy na lumipad nang mabil