Kampante si James sa lakas niya. Nagpatuloy sa pag-usad ang grupo nila. Hindi nagtagal, nasa Mount Divinity na sila. Sa paanan ng bundok, may isang stone tablet na nasa isandaang metro kataas. Nakaukit ang malilinaw na salita sa stone tablet—Divinity Sect. Maraming tao ang nakatayo sa labas ng gate ng Divinity Sect sa sandaling iyon. "Arogante talaga ang Divinity Sect. Pinaghihintay nila ang napakaraming tao sa labas ng mountain gate nila." May hindi natutuwang ekspresyon si Jeffery mula sa Welkin Academy. Sumang-ayon ang iba pang elders sa kanila. "Di ba? Nakarating na tayo pero walang narito para salubungin tayo." "Talagang naging mas mapagmataas ang Divinity Sect nitong mga nakaraang taon." Sabi ng headmaster ng Welkin Academy, "Wag kayong mainip. Maghintay lang muna tayo." Tinignan ni James ang paligid niya. Nasa tatlompung libong tao ang nagtitipon sa paligid. Halos lahat sila ay mga elder kasama ng mga disipulo nila. Bigla na lang, naalala niyang hindi pa ni
Habang nakatayo sa may hagdan, ang Divine Holy Emperor, na nakasuot ng kulay gintong balabal, ay nagpakawala ng isang napakalakas na aura. Umalingawngaw sa buong lugar ang napakalakas niyang boses. “Maligayang pagdating, mga panauhin. Pakiusap, sumunod kayo sa’kin.”Masaya niyang sinalubong ang mga kalahok sa Grand Tournament.Nang marinig nila ang kanyang boses, ang grupo ng mga tao na nasa paanan ng bundok ay nagsimulang umakyat sa bundok. Pagdating nila sa tuktok ng bundok, ginabayan sila ng ilang mga disipulo papunta sa iba’t ibang bundok ng Divinity Sect kung saan sila pansamantalang tutuloy. Pagkatapos maayos ang mga silid na tutuluyan ng lahat ng mga kalahok, nagtipon ang grupo sa main hall ng main peak ng Divinity Sect. Nasa unahan ang Divine Holy Emperor, na sinundan ng headmaster ng Welkin Academy, ng Infernal Emperor, at ni Emperor Tamarlan.Nasa tatlumpung tao ang nagtipon sa bulwagan.Sa may main seat, pinagmasdan ng Divine Holy Emperor ang mga tao at sinabing, "
Kailanman ay hindi niya inisip na makipagtulungan sa mga disipulo ng Welkin Academy. Sa halip, balak niyang bumuo ng grupo kasama si Henry at Delainey. Sa pagtutulungan nila, posibleng makapasok sila sa top three. "James, anong iniisip mo diyan?" Noong napansin niya na nakatulala sa kawalan si James, nagtanong si Yoan. “Huh?” Inayos ni James ang kanyang sarili at sinabing, "W-Wala lang." Ang sabi ni Yoan, "Tandaan mo na ang pakikipagtulungan ang susi upang magwagi kayo. Dapat makipagtulungan ka sa mga disipulo ng Welkin Academy.” “Sige.” Kahit na ayaw itong gawin ni James, hindi niya maaaring suwayin si Yoan.“Sige na, makakaalis na kayo.”Kinumpas ng headmaster ang kanyang kamay.Noong narinig nila ito, umalis na ang mga disipulo. Pagkaalis nila, bumuntong-hininga ang headmaster at sinabing, “Mula noon ay nakikipag kompetensya na ang mga disipulo natin sa isa’t isa. Dahil dito, baka mahirapan silang magtulungan.”Nang marinig nila ito, tumango at sumang-ayon ang mga
Nainis si Quintina. Kinilala niya ang lakas ni James at nais niyang makipagtulungan sa kanya. Pagkatapos nilang bumuo ng grupo, kailangan na lamang niyang humanap ng isa pang disipulo mula sa Welkin Academy upang bumuo ng isang grupo ng tatlong tao. Sa ganitong paraan, magagawa nilang makapasok sa top three.Gayunpaman, walang pakialam si James.Tumingin si James kay Quintina at sinabing, “Huwag mo sanang masamain ang sinabi ko. Hindi kita minamaliit. Mayroon na akong grupo. Tsaka, hindi mahalaga ang bilang dito. Kapag mas maraming miyembro ang grupo niyo, mas marami kayong kailangang patayin na halimaw.”Noong narinig niya ito, huminga ng malalim si Quintina at tumingin siya sa mga mata ni James, at nagtanong, “Sino ang mga kagrupo mo? Mayroon pa bang ibang nararapat na maging kagrupo mo sa Welkin Academy bukod sa’kin?”Ngumiti si James at sinabing, “Hindi sila mga disipulo ng academy.” “Ikaw…”Noong narinig niya iyon, nainis ng husto si Quintina.“Sige na…” Kinumpas ni Ja
Umalingawngaw ang nakakabinging sigaw ng mga halimaw sa kabundukan. “I-Ito ba ang Mount Walvern?” Tumingin si Henry sa kabundukan sa harap niya at tumingin siya kay James, at sinabing, “Makakapasok naman tayo sa top three, di ba?” Ngumiti si James at sinabing, “Kung walang mangyayaring hindi inaasahan, magagawa nating makapasok sa top three.” Kampante siya kay Henry, kay Delainey, at sa sarili niyang lakas.Bukod sa nasa Mage Rank na si Delainey, nasa Ninth Stair na ng Immortal Ascension si Henry, dahilan upang maging isa siya sa may pinakamataas na rank sa mga cultivator na kalahok sa paligsahan. Tsaka, ang pisikal na lakas ni James ay nasa middle stage na ng Eighth Stair ng Immortal Ascension, kaya maikukumpara ang lakas niya sa lakas ni Henry. Hindi lang iyon, marami rin siyang mga ultimate move na tinatago. Sa pagtutulungan nila, magagawa nilang puksain maging ang mga halimaw na nasa Mage Rank. Kung sabagay, sino pa ba ang may kakayahan na gawin iyon? Iyon ang dahilan kun
Nag-alinlangan si Quintina, hindi siya sigurado kung kaninong grupo siya sasama. Pinagkumpara niya ang lakas nila James at Yunus. Kahit na kayang saluhin ni James ang mga atake ni Hayden, nasa Eighth Stair na ng Immortal Ascension si Yunus. Dahil dito, wala silang gaanong pinagkaiba. Subalit, noong maalala niya ang kayabangan ni James kahapon, nakaramdam siya ng inis. "Sasama ako sa'yo, Yunus." Nagdesisyon na si Quintina. Noong narinig niya ito, nagkaroon ng ngiti sa mukha ni Yunus habang sinasabi niya na, "Quintina, siguradong makakapasok tayo sa top ten. Pinapangako ko 'yan sa'yo." Noong nakita niya ito, hindi na nangialam pa si James. Kung sabagay, wala naman siyang balak na isama si Quintina. Pinagtitripan lang niya siya. "Good luck, James." Nagngitngit ang mga ngipin ni Quintina at sinabi niya na, "Pagsisisihan mo 'to. Pusta ko hindi ka makakapasok sa top ten." Ngumiti si James at umalis siya ng hindi man lang nagpaalam, habang nakasunod sa kanya sila Henry at
Ang halimaw ay kahawig ng isang ox. Mayroong isang sungay sa ulo nito at may mga pakpak ito, at balot ng kulay itim na kaliskis ang buong katawan nito. Habang nakatayo ito, nagmumula dito ang isang nakakatakot na aura. "Katapusan niyo na!" Sumigaw ang halimaw. Nagulat si Henry at sinabing, "Nasa Eighth Stair na ng Immortal Ascension ang halimaw na 'to. James, ipaubaya mo na sa'kin ang isang 'to. Hindi ko pa nagamit ang lakas ko pagkaraan ng ng napakaraming taon ng pagkucultivate. Umupo ka na lang at panoorin mo na lang ang gagawin ko."Noong susugurin na sana ni Henry ang halimaw, kumilos si James. Isang kulay itim na stone tablet ang sumulpot sa ere at nagsimulang lumaki. Sa mga sumunod na sandali, nasa ilang daang metro na ang haba nito. Nakaukit sa tablet ang mga misteryosong simbolo. Nakakatakot ang taglay nitong kapangyarihan at lumipad ito patungo sa halimaw. Ito ang Infinity Stele. Kahit na matagal na itong nasa mga kamay ni James, hindi pa niya ito nagamit dah
Natakpan ng mga ulap ang kalangitan, umupo sila sa paligid ng apoy at kumain sila habang kumakalat sa hangin ang nakakatakam na amoy ng karne. Pagkatapos, nilabas ni James ang ilang mga pampalasa na nakuha niya mula sa Celestial Abode at binudbod niya ito sa karne. "Heto." Binigyan niya sila Henry at Delainey ng isang piraso ng karne bawat isa, at kinain ng tatlo ang inihaw na karne. Dahil karne ito ng isang halimaw na nasa Eighth Stair ng Immortal Ascension, nagtataglay ito ng napakalakas na enerhiya na magsisilbing pampalakas sa mga cultivator. Kahit na hindi ito maikukumpara sa mga high-quality medicinal pill at elixir, ngunit mas mabisa pa rin ito kaysa sa mga low-quality na pill at elixir. “Ang sarap nito!”Habang kumakain si Henry, nagtanong siya, “Kailan mo balak bumalik sa Earth, James?”“…” Nanigas si James.Nais niyang bumalik sa Earth sa lalong madaling panahon. Subalit, anong magagawa niya doon? Kakailanganin niyang magtago ng parang isang daga sa takot na ba