Ang Ancient Blood ay gawa ng isa sa mga ninuno ng Ancient Clan mula sa Primordial Age. Ginamit niya ang lahat ng True Energy at sariwang dugo niya para sa Ancient Blood. Kagaya ng inaasahan sa isang pambihirang tonic, isang patak lang nito ay lumakas nang sobra ang True Energy ni James. Kasalukuyang nasa Second Stair ng Immortal Ascension si James at kakailanganin niya ng maraming True Energy para makalagpas dito. Sa paghigop ng Empyrean Spiritual Energy para magcultivate, aabutin ng sampu o higit pang taon ang isang pangkaraniwang tao. Gayunpaman, kakailanganin lang ni James ng isang buwan sa tulong ng Ancient Blood. Nagsimulang magpokus si James sa pagcucultivate sa loob ng Time Chamber. Dumami ang True Energy niya kada araw. Lumipas ang isang buwan sa isang kurap. Nakarating na si James sa peak ng Second Stair ng Immortal Ascension at makakarating na siya sa Third Stair. Gayunpaman, alam niyang kaya niya pang pasiksikin ang True Essence niya. Kung kaya't sinimulan
Pagkatapos ng pagkatagal-tagal na panahon, hindi pa rin lumalaki si Gorger. Kagaya pa rin siya noong lumabas siya sa itlog. Lumapit si Sophie at nakangiting nagsabi, "Wag mo tong maliitin, James. Kahit na mukha itong maliit at kaaya-aya, hindi ito mas mahina sa'yo kapag nagpalit ito ng anyo. Nabigla si James at nagsabing, "Ganun ba talaga to kalakas?" "Syempre." Sabi ni Sophie, "Napakaraming spiritual fruits sa Celestial Abode. Sa mga panahong ito, kinain ng Gorger ang spiritual fruits, at dahil napakalakas ng nauna rito, malaki ang potensyal ng Gorger. Mabilis itong lalakas." "Magaling." Hinimas ni James ang Gorger at nakangiting nagsabi, "Magcultivate ka nang maigi! Pagbalik ko sa Earth, magkasama nating dudurugin ang elder ng Divinity Sect."Humuni ang Gorger bilang sagot kay James. "Ms. Sophie, hindi na ako magtatagal sa Celestial Abode. Kailangan kong umalis at tumingin sa labas." Mag-isang nagmemeditate si James sa loob ng sampung araw. Kung kaya't hindi siya sig
Ilang ayaw nang naghihintay si Yoan. Nang pumasok siya sa kwarto, napansin niya sigurong wala si James at lumabas siya ng kwarto. Nanatiling nakatayo si James sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kung anong sasabihin. Gayunpaman, hindi nagtanong si Yoan. Pumasok nga siya sa kwarto ni James para hanapin siya. Pagkatapos maghanap sa bakuran at sa kwarto, hindi niya nakita si James. Kahit na hindi niya alam kung saan nagpunta si James at kung paano siya ulit lumitaw, hindi niya kinompronta si James. Naiintindihan niyang lahat ng tao ay may sariling sikreto. Hindi nakakagulat na may sikreto si James. "Dinala na ng ilang elder ng academy ang mga disipulo nila sa Divinity Sect para sumali sa Grand Tournament. Tara na." Tumayo si Yoan. Marami sa elders ng Welkin Academy ang umalis na kasama ng mga disipulo nila. Gayunpaman, nahuli ang dalawa dahil hinihintay ni Yoan si James. "Sige," mahinang bulong ni James. Naglabas si Yoan ng magical flying tools at sumakay sa isa
Kampante si James sa lakas niya. Nagpatuloy sa pag-usad ang grupo nila. Hindi nagtagal, nasa Mount Divinity na sila. Sa paanan ng bundok, may isang stone tablet na nasa isandaang metro kataas. Nakaukit ang malilinaw na salita sa stone tablet—Divinity Sect. Maraming tao ang nakatayo sa labas ng gate ng Divinity Sect sa sandaling iyon. "Arogante talaga ang Divinity Sect. Pinaghihintay nila ang napakaraming tao sa labas ng mountain gate nila." May hindi natutuwang ekspresyon si Jeffery mula sa Welkin Academy. Sumang-ayon ang iba pang elders sa kanila. "Di ba? Nakarating na tayo pero walang narito para salubungin tayo." "Talagang naging mas mapagmataas ang Divinity Sect nitong mga nakaraang taon." Sabi ng headmaster ng Welkin Academy, "Wag kayong mainip. Maghintay lang muna tayo." Tinignan ni James ang paligid niya. Nasa tatlompung libong tao ang nagtitipon sa paligid. Halos lahat sila ay mga elder kasama ng mga disipulo nila. Bigla na lang, naalala niyang hindi pa ni
Habang nakatayo sa may hagdan, ang Divine Holy Emperor, na nakasuot ng kulay gintong balabal, ay nagpakawala ng isang napakalakas na aura. Umalingawngaw sa buong lugar ang napakalakas niyang boses. “Maligayang pagdating, mga panauhin. Pakiusap, sumunod kayo sa’kin.”Masaya niyang sinalubong ang mga kalahok sa Grand Tournament.Nang marinig nila ang kanyang boses, ang grupo ng mga tao na nasa paanan ng bundok ay nagsimulang umakyat sa bundok. Pagdating nila sa tuktok ng bundok, ginabayan sila ng ilang mga disipulo papunta sa iba’t ibang bundok ng Divinity Sect kung saan sila pansamantalang tutuloy. Pagkatapos maayos ang mga silid na tutuluyan ng lahat ng mga kalahok, nagtipon ang grupo sa main hall ng main peak ng Divinity Sect. Nasa unahan ang Divine Holy Emperor, na sinundan ng headmaster ng Welkin Academy, ng Infernal Emperor, at ni Emperor Tamarlan.Nasa tatlumpung tao ang nagtipon sa bulwagan.Sa may main seat, pinagmasdan ng Divine Holy Emperor ang mga tao at sinabing, "
Kailanman ay hindi niya inisip na makipagtulungan sa mga disipulo ng Welkin Academy. Sa halip, balak niyang bumuo ng grupo kasama si Henry at Delainey. Sa pagtutulungan nila, posibleng makapasok sila sa top three. "James, anong iniisip mo diyan?" Noong napansin niya na nakatulala sa kawalan si James, nagtanong si Yoan. “Huh?” Inayos ni James ang kanyang sarili at sinabing, "W-Wala lang." Ang sabi ni Yoan, "Tandaan mo na ang pakikipagtulungan ang susi upang magwagi kayo. Dapat makipagtulungan ka sa mga disipulo ng Welkin Academy.” “Sige.” Kahit na ayaw itong gawin ni James, hindi niya maaaring suwayin si Yoan.“Sige na, makakaalis na kayo.”Kinumpas ng headmaster ang kanyang kamay.Noong narinig nila ito, umalis na ang mga disipulo. Pagkaalis nila, bumuntong-hininga ang headmaster at sinabing, “Mula noon ay nakikipag kompetensya na ang mga disipulo natin sa isa’t isa. Dahil dito, baka mahirapan silang magtulungan.”Nang marinig nila ito, tumango at sumang-ayon ang mga
Nainis si Quintina. Kinilala niya ang lakas ni James at nais niyang makipagtulungan sa kanya. Pagkatapos nilang bumuo ng grupo, kailangan na lamang niyang humanap ng isa pang disipulo mula sa Welkin Academy upang bumuo ng isang grupo ng tatlong tao. Sa ganitong paraan, magagawa nilang makapasok sa top three.Gayunpaman, walang pakialam si James.Tumingin si James kay Quintina at sinabing, “Huwag mo sanang masamain ang sinabi ko. Hindi kita minamaliit. Mayroon na akong grupo. Tsaka, hindi mahalaga ang bilang dito. Kapag mas maraming miyembro ang grupo niyo, mas marami kayong kailangang patayin na halimaw.”Noong narinig niya ito, huminga ng malalim si Quintina at tumingin siya sa mga mata ni James, at nagtanong, “Sino ang mga kagrupo mo? Mayroon pa bang ibang nararapat na maging kagrupo mo sa Welkin Academy bukod sa’kin?”Ngumiti si James at sinabing, “Hindi sila mga disipulo ng academy.” “Ikaw…”Noong narinig niya iyon, nainis ng husto si Quintina.“Sige na…” Kinumpas ni Ja
Umalingawngaw ang nakakabinging sigaw ng mga halimaw sa kabundukan. “I-Ito ba ang Mount Walvern?” Tumingin si Henry sa kabundukan sa harap niya at tumingin siya kay James, at sinabing, “Makakapasok naman tayo sa top three, di ba?” Ngumiti si James at sinabing, “Kung walang mangyayaring hindi inaasahan, magagawa nating makapasok sa top three.” Kampante siya kay Henry, kay Delainey, at sa sarili niyang lakas.Bukod sa nasa Mage Rank na si Delainey, nasa Ninth Stair na ng Immortal Ascension si Henry, dahilan upang maging isa siya sa may pinakamataas na rank sa mga cultivator na kalahok sa paligsahan. Tsaka, ang pisikal na lakas ni James ay nasa middle stage na ng Eighth Stair ng Immortal Ascension, kaya maikukumpara ang lakas niya sa lakas ni Henry. Hindi lang iyon, marami rin siyang mga ultimate move na tinatago. Sa pagtutulungan nila, magagawa nilang puksain maging ang mga halimaw na nasa Mage Rank. Kung sabagay, sino pa ba ang may kakayahan na gawin iyon? Iyon ang dahilan kun