Kabanata 2282
Dumilim ang mukha ni Hayden.

"Minaliit kita. Ngayon lang, kalahati lang ng lakas ko ang ginamit mo. Gagamitin ko ang walumpung porsyento ng lakas ko sa susunod na atake. Maraming tao ang nanonood sa'tin. Kapag namatay ka, hindi ko na kasalanan yun."

Bahagyang ngumiti si James.

Nasa middle phase na ng Eighth Stair ng Immortal Ascension ang pisikal niyang lakas.

Hindi magiging problema sa kanyang kayanin ang tatlong atake mula sa isang taong nasa Eighth Stair ng Immortal Ascension.

Binuka ni James ang bibig niya at nagsabing, "Tama na yan. Dalian mo na at umatake ka na."

Pinakilos ni Hayden ang enerhiya niya. Ngayon, ginamit niya ang walompung porsyento ng lakas niya. Naglaho siya sabay lumitaw ang katawan niya sa harapan ni James at umatake siya.

Nakakatakot ang walompung porsyento ng lakas ng isang taong nasa Eighth Stair ng Immortal Ascension. Bahagyang napaatras si James at kumulo ang Blood Energy niya. Nang hindi na ito napigilan ni James, nasuka siya ng dugo.

"Ganun
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP