Nagtipon-tipon ang ilang elders sa tuktok ng isang bundok sa malayo. Kabilang sa kanila ay ang guro ni James na si Yoan at ang guro ni Hayden na si Jeffery. Tumingin si Jeffery kay Yoan na nasa tabi niya at kalmadong nagsabi, "Elder Yoan, ito ba ang bago mong disipulo? Mukhang medyo arogante siya, iniisip niya kaya niyang sumalo ng tatlong atake mula kay Hayden." Bahagyang ngumiti si Yoan. Kampante siya kay James. Pagkatapos inumin ni James ang Helios Pill, lumakas nang todo ang piskal niyang lakas. Higit pa roon, nagcultivate din si James sa Pagoda of Flames ng Ancient Clan nang kalahating taon. Ang totoo, hindi talaga alam ni Yoan ang eksaktong lakas ni James. Base sa obserbasyon niya, nasa Fifth Stair ng Immortal Ascension ang pisikal na lakas ni James kaya hindi magiging mahirap para sa kanya na kayanin ang tatlong atake mula kay Hayden. "Kahit na bata pa si James, malaki ang potensyal niya. Siya ang may pinakamalaking potensyal sa lahat ng bagong pasok na disipulo. Nanin
Dumilim ang mukha ni Hayden. "Minaliit kita. Ngayon lang, kalahati lang ng lakas ko ang ginamit mo. Gagamitin ko ang walumpung porsyento ng lakas ko sa susunod na atake. Maraming tao ang nanonood sa'tin. Kapag namatay ka, hindi ko na kasalanan yun." Bahagyang ngumiti si James. Nasa middle phase na ng Eighth Stair ng Immortal Ascension ang pisikal niyang lakas. Hindi magiging problema sa kanyang kayanin ang tatlong atake mula sa isang taong nasa Eighth Stair ng Immortal Ascension. Binuka ni James ang bibig niya at nagsabing, "Tama na yan. Dalian mo na at umatake ka na." Pinakilos ni Hayden ang enerhiya niya. Ngayon, ginamit niya ang walompung porsyento ng lakas niya. Naglaho siya sabay lumitaw ang katawan niya sa harapan ni James at umatake siya. Nakakatakot ang walompung porsyento ng lakas ng isang taong nasa Eighth Stair ng Immortal Ascension. Bahagyang napaatras si James at kumulo ang Blood Energy niya. Nang hindi na ito napigilan ni James, nasuka siya ng dugo. "Ganun
Nagulat ang lahat. Si Hayden ay isang senior sa Welkin Academy, ang deputy leader ng United Alliance, at isang napakalakas na taong nasa Eighth Stair ng Immortal Ascension. Umatake siya gamit ng buong lakas niya at naglapat ng tatlong palad kay James, ngunit kaya pa rin ni James na tumayo at maglakad papunta kay Hayden. "A-Ano bang pinanggalingan ni James? Paanong napakalakas niya?" "Hindi ba sabi nila mga latak daw ang mga disipulong nakuha ng academy natin ngayon? Narinig ko pinili ng Divinity Sect ang malalakas. Kung ganun, paanong napakalakas ni James?" Nanlaki ang mga mata ng lahat sa gulat. Ganun din ang gulat ni Quintina sa eksena. Akala niya ay hindi kakayanin ni James ang tatlong atake ni Hayden. Gayunpaman, pinatunayan niyang mali siya. "Huff!" Huminga siya nang malalim. 'Halimaw ba ang batang to? O tinatago niya lang ang lakas niya sa umpisa pa lang?' “Haha.” Sa malayong bundok, hindi napigilan ni Yoan na tumawa nang malakas pagkatapos mapanood ang laba
Sa ilalim ng tingin ng lahat, sobrang napahiya si Hayden pagkatapos humingi ng tawad. Mabilis siyang tumalikod at umalis, hindi na niya pinansin si Yitzchok. Nakuha na rin ni James ang layunin niya. Naglakad siya papunta kay Melany at nakangiting nagsabi, "Sige na. Maayos na ang lahat. Tara na." "Nasaktan ka, James…" May nag-aalalang ekspresyon si Melany. Bahagyang ngumiti si James at nagsabing, "Maliit na bagay lang to." Lumapit din si Quintina at tumingin kay James. Nagbago ang tingin niya sa kanya. "Magaling, James. Tinatago mo pala ang tunay mong lakas, nag-alala pa ko sa'yo." Maraming tao ang nanonood sa kanila. Nang narinig nila ang usapan nila, nagkagulo ang mga tao sa paligid. Pakiramdam ni Quintina ay may nasabi siyang mali at kaagad siyang nagsabi, "Dahil ayos ka lang, mauuna na ako." Pagkatapos magsalita, nagmadali siyang umalis. "Magkakilala sila." "Mukhang medyo matagal nang kilala si James ng diyosa nating si Quintina.""Oo nga. Mukhang malapit
Nagulat si Yoan. Balak ni James na makarating sa Fifth Stair ng Immortal Ascension? Binabalak niyang umakyat ng isang ranggo bawat isang buwan? Sino ang magtatangkang magsabi nang ganitong bagay? Hindi madaling umakyat ng isang sub-rank. Maski ang isang henyo na may sapat na kagamitan ay mangangailangan ng higit sa kalahating taon para umangat ng isang sub-rank. Nang walang sapat na kagamitan, aabutin ng dekada o siglo ang pag-akyat ng isang sub-rank. Gayunpaman, sabi ni James ay patataasin niya ang rank niya ng isang sub-rank bawat buwan. Hindi alam ni Yoan kung anong sasabihin, kaya tinaas na lang niya ang hinlalaki niya sa kanya. "Nakakamangha ka, James. Nakasalalay sa'yo ang reputasyon ko. Kapag nakuha mo ang first place sa tournament, magiging karangalan kita at ng Welkin Academy." Bahagyang ngumiti si James. Dahil nasa kanya ang Celestial Abode, hindi magiging mahirap na umakyat sa Fifth Stair ng Immortal Ascension sa loob lang ng tatlong buwan. Kasunod nito,
Hindi pa rin niya kayang tumapat sa napakalakas na kalaban. Gayunpaman, inaabangan niya ang pangalawang providence na lilitaw sa Earth. Ang First Calamity ay isang likas na sakuna. Pagkatapos lumitaw ng unang providence, nakakuha si James ng 108 Infinity Steles.Ano naman kaya ang Second Calamity at ang pangalawang providence? Medyo inaabangan ni James ang Second Calamity pero nag-aalala din siya tungkol dito. Umaasa rin siyang hindi kaagad mangyari ang Second Calamity at maghintay muna ito hanggang sa makabalik siya sa Earth. Wala nang makakatapat sa kanya sa oras na bumalik siya sa Earth at matatapatan na niya ang mga cultivator mula sa Three Thousand Worlds para sa pangalawang providence. Sa sandaling iyon, marami siyang naisip. “Huff.”Huminga nang malalim si James at isinantabi ang magulo niyang isipan. Nagtanong si Henry, "Nagpunta ka ba sa Celestial Abode para magsanay?" Tumango si James at sumagot, "Oo. May mangyayaring tournament sa Ancient Realm sa susunod
Ang Ancient Blood ay gawa ng isa sa mga ninuno ng Ancient Clan mula sa Primordial Age. Ginamit niya ang lahat ng True Energy at sariwang dugo niya para sa Ancient Blood. Kagaya ng inaasahan sa isang pambihirang tonic, isang patak lang nito ay lumakas nang sobra ang True Energy ni James. Kasalukuyang nasa Second Stair ng Immortal Ascension si James at kakailanganin niya ng maraming True Energy para makalagpas dito. Sa paghigop ng Empyrean Spiritual Energy para magcultivate, aabutin ng sampu o higit pang taon ang isang pangkaraniwang tao. Gayunpaman, kakailanganin lang ni James ng isang buwan sa tulong ng Ancient Blood. Nagsimulang magpokus si James sa pagcucultivate sa loob ng Time Chamber. Dumami ang True Energy niya kada araw. Lumipas ang isang buwan sa isang kurap. Nakarating na si James sa peak ng Second Stair ng Immortal Ascension at makakarating na siya sa Third Stair. Gayunpaman, alam niyang kaya niya pang pasiksikin ang True Essence niya. Kung kaya't sinimulan
Pagkatapos ng pagkatagal-tagal na panahon, hindi pa rin lumalaki si Gorger. Kagaya pa rin siya noong lumabas siya sa itlog. Lumapit si Sophie at nakangiting nagsabi, "Wag mo tong maliitin, James. Kahit na mukha itong maliit at kaaya-aya, hindi ito mas mahina sa'yo kapag nagpalit ito ng anyo. Nabigla si James at nagsabing, "Ganun ba talaga to kalakas?" "Syempre." Sabi ni Sophie, "Napakaraming spiritual fruits sa Celestial Abode. Sa mga panahong ito, kinain ng Gorger ang spiritual fruits, at dahil napakalakas ng nauna rito, malaki ang potensyal ng Gorger. Mabilis itong lalakas." "Magaling." Hinimas ni James ang Gorger at nakangiting nagsabi, "Magcultivate ka nang maigi! Pagbalik ko sa Earth, magkasama nating dudurugin ang elder ng Divinity Sect."Humuni ang Gorger bilang sagot kay James. "Ms. Sophie, hindi na ako magtatagal sa Celestial Abode. Kailangan kong umalis at tumingin sa labas." Mag-isang nagmemeditate si James sa loob ng sampung araw. Kung kaya't hindi siya sig