Gustong makita ni James kung anong klaseng taktika ang gagamitin ni Yitzchok. Umalis si Yitzchok at bumalik din kaagad. Ngayon, hindi siya nag-iisa. Maraming tao ang nakasunod sa likuran niya. Lahat sila ay mga dalagang sumali sa Welkin Academy kalahating buwan ang nakalipas. Nang makita sila ni Melany, nakilala niya sila bilang mga taong nagsanay kasama niya. Bumalik si Yitzchok nang may kasamang tatlong babae. Lahat sila ay nababalot ng mga sugat, ngunit magkakaiba ang tindi ng mga sugat nila. “Madison, Yamilet, Hana.”Nang nakita niya ang tatlong babae, lumapit si Melany at binati sila. Gayunpaman, umatras sila mula sa kanya na para bang nakakita sila ng demonyo at may nag-aalangang ekspresyon sa mukha nila. Nang nakita niya ang mga reaksyon nila, lumakas ang masamang kutob sa puso ni Melany. Tumayo ang tatlong babae sa likuran ni Yitzchok. Sabi ni Yitzchok, "Ayos lang ang lahat. Hindi niyo kailangang matakot. Nandito ako at bibigyan ko kayo ng hustisya. Ngayon, s
Habang iniisip ito, tinuro niya ang aroganteng si Yitzchok at malamig na nagsabi, "Ngayong araw, kailangan niyang ibigay ang ninakaw niya, kung hindi…" "Kung hindi ano?" Dumilim ang mukha ni Hayden at nagsabing, "Malinaw na ang nangyari. Sinubukan ng babaeng nasa tabi mo na kunin ang mga elixir at sinaktan niya ang mga babae." "Haha," namumihing ngumiti si James at nagsabing, "Sinaktan niya ang mga babaeng yun? Nagbibiro ka ba? Wala pa nga siya sa Herculean Rank habang ang mga babaeng yun ay Herculean na. Paano niya lalabanan silang tatlo nang mag-isa?" Nang marinig ito, nagulat ang mga tao sa paligid. "Totoo yun." "Hindi pwedeng mangyari yun." "Paano malalabanan ng isang taong wala pa sa Herculean Rank ang tatlong Herculean? Hindi kaya talagang nagsinungaling sila?" Sa sandaling iyon, maraming tao ang nagsimulang kumampi kay James. Samantala, nataranta si Yitzchok at nagmamadaling nagsalita, "P-Pinagbantaan niya sila na sinusuportahan mo siya. Alam nilang isa kang di
Si Quintina ay isang tunay na henyo. Pumasok siya sa Welkin Academy sampung taon ang nakaraan at tinanggap siya bilang Inner Disciple ng headmaster. Walang nakakaalam tungkol sa pinanggalingan niya, maski ang elders ng Welkin Academy ay hindi ito alam. Hindi rin alam ng lahat ang katotohanang isa siyang Grand Supernatural. Gayunpaman, alam ni James ang tungkol sa kanya. Sa sandaling lumitaw si Quintina, nagsanhi ito ng kaguluhan. Nakatitig ang lahat ng mga mata ng kalalakihan sa kanyang maganda at walang makakapantay na itsura. Maganda siya at may nakakamanghang tindig. Parang mga kristal ang mga mata niya na maliwanag na kuminang. Pagkatapos masaksihan ang ganda niya, napahinto ang mga lalaking disipulo at nahirapan silang huminga. Tinago ni Harden ang enerhiya niya nang nakita niya si Quintina. Nakangiti siyang nagtanong, "Ms. Quintina, bakit ka nandito?" Mas nahuling pumasok si Quintina sa academy kumpara kay Hayden. Gayunpaman, siya ang disipulo ng headmaster. K
May kaunting pag-unawa si Quintina sa lakas ni James. Kahit na nagcultivate siya sa Pagoda of Flames nang kalahating taon, wala pa rin siyang laban kay Hayden. Si Hayden ay disipulo ni Elder Waheed at ang deputy leader din ng United Alliance. Nakarating na ang cultivation rank niya sa Eighth Stair ng Immortal Ascension. Nag-aalala siyang baka matalo si James at kailangan niyang lumuhod nang tatlong araw. Kung kaya't nagpayo siya, "James, aminin mo na lang na kasalanan mo to at kalimutan mo na'to. Wag mo na tong masyadong isipin." Nagpunta rito si Quintina dahil narinig niyang gumagawa ng gulo si James sa base ng United Alliance. Nag-aalala siyang baka pinapahirapan nila si James kaya nagpunta siya para tignan ang sitwasyon. Habang nakatayo sa gilid, hinila ni Melany ang kamay niya at bumulong, "J-James, kalimutan na natin to. Kaunti lang naman ang nawala sa'kin. Mababaw lang ang mga sugat ko at gagaling din ako pagkatapos magcultivate nang ilang sandali." Pagkatapos magsali
Nagtipon-tipon ang ilang elders sa tuktok ng isang bundok sa malayo. Kabilang sa kanila ay ang guro ni James na si Yoan at ang guro ni Hayden na si Jeffery. Tumingin si Jeffery kay Yoan na nasa tabi niya at kalmadong nagsabi, "Elder Yoan, ito ba ang bago mong disipulo? Mukhang medyo arogante siya, iniisip niya kaya niyang sumalo ng tatlong atake mula kay Hayden." Bahagyang ngumiti si Yoan. Kampante siya kay James. Pagkatapos inumin ni James ang Helios Pill, lumakas nang todo ang piskal niyang lakas. Higit pa roon, nagcultivate din si James sa Pagoda of Flames ng Ancient Clan nang kalahating taon. Ang totoo, hindi talaga alam ni Yoan ang eksaktong lakas ni James. Base sa obserbasyon niya, nasa Fifth Stair ng Immortal Ascension ang pisikal na lakas ni James kaya hindi magiging mahirap para sa kanya na kayanin ang tatlong atake mula kay Hayden. "Kahit na bata pa si James, malaki ang potensyal niya. Siya ang may pinakamalaking potensyal sa lahat ng bagong pasok na disipulo. Nanin
Dumilim ang mukha ni Hayden. "Minaliit kita. Ngayon lang, kalahati lang ng lakas ko ang ginamit mo. Gagamitin ko ang walumpung porsyento ng lakas ko sa susunod na atake. Maraming tao ang nanonood sa'tin. Kapag namatay ka, hindi ko na kasalanan yun." Bahagyang ngumiti si James. Nasa middle phase na ng Eighth Stair ng Immortal Ascension ang pisikal niyang lakas. Hindi magiging problema sa kanyang kayanin ang tatlong atake mula sa isang taong nasa Eighth Stair ng Immortal Ascension. Binuka ni James ang bibig niya at nagsabing, "Tama na yan. Dalian mo na at umatake ka na." Pinakilos ni Hayden ang enerhiya niya. Ngayon, ginamit niya ang walompung porsyento ng lakas niya. Naglaho siya sabay lumitaw ang katawan niya sa harapan ni James at umatake siya. Nakakatakot ang walompung porsyento ng lakas ng isang taong nasa Eighth Stair ng Immortal Ascension. Bahagyang napaatras si James at kumulo ang Blood Energy niya. Nang hindi na ito napigilan ni James, nasuka siya ng dugo. "Ganun
Nagulat ang lahat. Si Hayden ay isang senior sa Welkin Academy, ang deputy leader ng United Alliance, at isang napakalakas na taong nasa Eighth Stair ng Immortal Ascension. Umatake siya gamit ng buong lakas niya at naglapat ng tatlong palad kay James, ngunit kaya pa rin ni James na tumayo at maglakad papunta kay Hayden. "A-Ano bang pinanggalingan ni James? Paanong napakalakas niya?" "Hindi ba sabi nila mga latak daw ang mga disipulong nakuha ng academy natin ngayon? Narinig ko pinili ng Divinity Sect ang malalakas. Kung ganun, paanong napakalakas ni James?" Nanlaki ang mga mata ng lahat sa gulat. Ganun din ang gulat ni Quintina sa eksena. Akala niya ay hindi kakayanin ni James ang tatlong atake ni Hayden. Gayunpaman, pinatunayan niyang mali siya. "Huff!" Huminga siya nang malalim. 'Halimaw ba ang batang to? O tinatago niya lang ang lakas niya sa umpisa pa lang?' “Haha.” Sa malayong bundok, hindi napigilan ni Yoan na tumawa nang malakas pagkatapos mapanood ang laba
Sa ilalim ng tingin ng lahat, sobrang napahiya si Hayden pagkatapos humingi ng tawad. Mabilis siyang tumalikod at umalis, hindi na niya pinansin si Yitzchok. Nakuha na rin ni James ang layunin niya. Naglakad siya papunta kay Melany at nakangiting nagsabi, "Sige na. Maayos na ang lahat. Tara na." "Nasaktan ka, James…" May nag-aalalang ekspresyon si Melany. Bahagyang ngumiti si James at nagsabing, "Maliit na bagay lang to." Lumapit din si Quintina at tumingin kay James. Nagbago ang tingin niya sa kanya. "Magaling, James. Tinatago mo pala ang tunay mong lakas, nag-alala pa ko sa'yo." Maraming tao ang nanonood sa kanila. Nang narinig nila ang usapan nila, nagkagulo ang mga tao sa paligid. Pakiramdam ni Quintina ay may nasabi siyang mali at kaagad siyang nagsabi, "Dahil ayos ka lang, mauuna na ako." Pagkatapos magsalita, nagmadali siyang umalis. "Magkakilala sila." "Mukhang medyo matagal nang kilala si James ng diyosa nating si Quintina.""Oo nga. Mukhang malapit