Nagulat na nagtanong si James, “Ano ba talaga iyon?”Patuloy na pinagmamasdan ni Sophie si Quintina.Tiningnan niya ang mahiwagang script sa katawan ni Quintina. Ang mga script ay binubuo ng True Energy at patuloy na nagbabago."Kung hindi ako nagkakamali, malamang na ito ay isang hindi kilalang kapangyarihan. Dapat ay mayroon siyang hindi maipaliwanag na kakayahan."Naguguluhan si James.Ipinaliwanag ni Sophie, "Siya ay isang Grand Supernatural at ipinanganak na may Supernatural Power. Ang Supernatural Power ng bawat Grand Supernatural ay natatangi. Ang Inscription of the Way ay dapat na nakaukit sa loob niya noong siya ay ipinanganak. Bagama't hindi niya pa rin maintindihan ang kahulugan ng mga ito, maaari pa rin itong magbigay sa kanya ng malaking kapangyarihan."Pagkatapos ng paliwanag ni Sophie, nadama ni James na mas naiintindihan niya.Sa sandaling iyon, naramdaman ni Quintina na may nakatingin sa kanya, at tumigil siya sa paglilinang. Napatingin siya kay James na nakatay
Naguluhan si James. “Bakit ako gusto makita ni Farley ngayon?”Hindi lang siya ang naguluhan sa sitwasyon, pati si Quintina din.Alam niya ang ugali ng ama niya. Hindi siya nakielam sa nagaganap na mga bagay sa Ancient Realm. Kahit ang mga makapangyarihan na mga prodigy ay hindi napukaw ang atensyon niya, pero, pinapaboran niya si James.Bukod pa dito, gusto niyang makita si James ng personal.Nagsalita si James, “Mauna ka.”“Dito tayo.” Sagot ni Quintina.Humarap si James kay Yoan at sinabi, “Sir, pupunta ako doon at babalik din agad.”“Tumango si Yoan at sinabi, “Sige, mauna ka na.”Pagkatapos, isinama ni Quintina si James sa Mount Trinvard. Nagpunta sila sa santuwaryo ni Farley sa likod ng bundok.“Ama, isinama ko si James.” Magalang na tugon ni Quintina kay Farley.Kumaway lang si Farley at sinabi, “Sige. Mauna ka na.”Naguluhan si Quintina. Hindi niya alam kung anong bagay ang pag-uusapan nila ni James, pero hindi na siya nagtanong. Matapos sulyapan si James, tumalikod siya at uma
“Huff!” nakahinga ng maluwag si Quintina.Humarap siya kay James at sinigawan siya, “Gusto mo na ba mamatay? Bakit ka magbibiro ng tungkol doon?”Sumagot si James habang nakangiti, “Kung totoo ang sinabi ko, at tinanggihan ko ang ama mo?”“…”Natulala si Quintina.Pakiramdam niya hindi nagsisinungaling si James sapagkat nabanggit na ito noon ng ama niya.“Tinanggihan mo siya? Bakit mo siya tinanggihan?”Tinitigan ni Quintina si James, at pagkatapos sinuri ang sarili niya, habang sinasabi, “Sapagkat hindi ba sapat ang ganda ko? O hindi ba ako kaakit akit? O may bagay sa akin na hindi nararapat sa iyo?”Kahit na walang nararamdaman si Quintina para kay James, naguluhan siya ng kaunti kung bakit tumanggi siya sa kasal.Anak siya ng pinuno ng Ancient Clan. Hindi mabilang na dami ng mga manliligaw ang lumapit para hingin ang kamay niya. Maraming gusto na ikasal sa kanya at magkaroon ng ugnayan sa Ancient Clan.Tinitigan ni Quintina si James at humingi ng paliwanag.“Sapagkat kasal na ako.”
Hindi nagtagal, nakarating si James sa kabundukan kung saan tumutuloy ang mga pangkaraniwan na disipulo.Pumunta siya sa maliit na bahay sa hardin ni Melany at kumatok sa pinto.Kumatok siya ng matagal, pero walang sumagot.“Wala ba siya dito?” napaisip si James.Pagkatapos, tumalon siya sa bakod at pumasok sa hardin.Walang tao sa hardin, at nakasarado ng mahigpit ang pinto.“Sinong nandyan?”Isang boses ang narinig mula sa loob, at may mga yabag na lumapit. Hindi nagtagal, bumuka ang pinto.Ibinuka ni James ang bibig niya para batiin siya, “Melany…”Bago pa siya makapagsalita, napansin niya na puro pinsala ang katawan ni Melany. Hindi niya mapigilan ang sarili na magtanong, “Anong nangyari? Paano ka nasaktan?”“James! Nagbalik ka na!”Ngumiti si Melany, “Okay lang ako. Magiging okay din ako pagkatapos magcultivate.”Pagkatapos, isinama niya si James papasok sa bahay. Napakalinis ng bahay.Kumuha ng tsaa si Melany para kay James.Tinignan ni James ang puro pasang mukha ni Melany at mg
Hindi naglakas loob ang mga Zaydon na may gawin kay Melany dahil naging disipulo siya ng Welkin Academy.Katapusan na niya kapag natanggal siya mula sa Welkin Academy at nawala ang estado niya.“Huwag kang mag-alala. Naparito ako para sa iyo. Kahit na bumagsak ang kalangitan, bubuhatin ko ito para sa iyo.”Kalmadong nagsalita si James, “Hindi porket hindi tayo gumagawa ng gulo e takot na tayong sa gulo.”“Huff,” walang nagawa si Melany kung hindi bumuntong hininga.Alam niyang determinado si James na ipaghiganti siya, kaya walang saysay na kumbinsihin pa siya, sapagkat hindi niya makukumbinsi si James kahit na anong sabihin niya.“Ayusin muna natin ito, James. Kapag hind na natin ito maayos, huwag ka magtapang tapangan. Hindi kita gusto na madamay.”“Okay lang ako!” Ngumiti ng malapad si James at hinatak siya.Pagkaalis nila ng tinutuluyan ng mga pangkaraniwang disipulo, nalaman ni James kung sino ang nagnakaw kay Melany at sa iba.Ang pangalan niya ay Yitzchok Griffin, at nakababata s
Si Lochan ay Guardian ng United Alliance at core disciple ng Welkin Academy.Malakas siya at naabot na ang Immortal Ascension’s Sixth Stair. Mataas ang estado niya sa United Alliance, at isang rank lang ang baba sa deputy leader.Dose dosenang mga miyembro ng United Alliance ang nagtipon sa tabi nila.Natanga ang lahat.Paanong si Lochan, na Guardin ang United Alliance, isang cultivator na nasa Sixth Stair ng Immortal Ascension ay tatalsik ng ganoon na lang?Bukod pa doon, bagong sali lang sa Welkin Academy noong anim na buwan ang nakararaan ang kalaban niya.Hindi sila maniniwala dito kung hindi nila ito nakita mismo.Natulala din si Melany. Alam niyang malakas si Ajmes, pero kumpara lamang ito sa mga bagong disipulo. Ngunit, mas mahina siya sa mga disipulo ng Welkin Academy ng matagal na panahon. Hindi niya inaasahan na lalakas bigla si Jame sa loob ng anim na buwan.Paano siyang nagcucultivate?Maraming tao ang nagtipon sa paligid pero tahimik sila.Tumayo si Lochan mula sa sahig. N
Kaahad na humakbang paharap si Lochan at hinarangan si James. Nang may seryosong mukha, sabi niya, "Nagpadala na ako ng tao para hanapin siya, James. Habaan mo ang pasensya mo. Wag kang magpadalos-dalos. Sa lakas mo, sa tingin ko hindi sapat ito para gawing kalaban ang United Alliance. Hindi mo madaling masisira ang alliance namin." Kalmadong sumagot si James, "Binalaan na kitang dudurugin ko ang United Alliance kapag hindi siya lumitaw sa loob ng sampung minuto. Tapos na ang sampung minuto pero wala pa rin siya dito. Kaya wag mo kong sisihin kapag kumilos ako." Maraming disipulo ang nagtipon sa labas ng base ng United Alliance. Nang narinig niya ang mga salita ni James, hindi niya napigilang hangaan siya sa tapang niya. "Ang galing niya." "Wala pang nagtangkang humamon sa United Alliance simula nang itinatag ito." "James ang pangalan niya, di ba? Kakapasok lang ba niya sa Welkin Academy?" "Panong napakalakas niya?" "Hindi kaya hindi siya masayang maging isang ordinar
Gustong makita ni James kung anong klaseng taktika ang gagamitin ni Yitzchok. Umalis si Yitzchok at bumalik din kaagad. Ngayon, hindi siya nag-iisa. Maraming tao ang nakasunod sa likuran niya. Lahat sila ay mga dalagang sumali sa Welkin Academy kalahating buwan ang nakalipas. Nang makita sila ni Melany, nakilala niya sila bilang mga taong nagsanay kasama niya. Bumalik si Yitzchok nang may kasamang tatlong babae. Lahat sila ay nababalot ng mga sugat, ngunit magkakaiba ang tindi ng mga sugat nila. “Madison, Yamilet, Hana.”Nang nakita niya ang tatlong babae, lumapit si Melany at binati sila. Gayunpaman, umatras sila mula sa kanya na para bang nakakita sila ng demonyo at may nag-aalangang ekspresyon sa mukha nila. Nang nakita niya ang mga reaksyon nila, lumakas ang masamang kutob sa puso ni Melany. Tumayo ang tatlong babae sa likuran ni Yitzchok. Sabi ni Yitzchok, "Ayos lang ang lahat. Hindi niyo kailangang matakot. Nandito ako at bibigyan ko kayo ng hustisya. Ngayon, s