Matindi ang laban nina James at Wendel sa loob ng Moonlit Ridge Painting.Habang nagkakasalubong ang mga kapangyarihan nila, malinaw ang laki ng agwat ng lakas sa pagitan ng dalawa. Kahit na matindi ang lakas ni James, mas mababa ang rank niya kumpara kay Wendel. Hindi siya mananalo ng hindi ginagmait ang Sacrilegious Ascension.Ngunit, wala siyang plano na gamitin ito. Pinupuntirya nga naman siya ng Divinity Sect dahil sa cultivation method na ito.“Malakas ka.” Tinignan ni James si Wendel at sinabi, “Wala akong laban sa iyo.”Hindi sinagad ni James ang lakas niya at itinago ang kakayahan niya.Nagsalita si Wendel, “Nakikita ko na hindi mo pa ginagamit ang buong lakas mo. Labanan mo ako ng seryoso.”Ngumiti lang si James at sinabi, “Sinabi ko na sa iyo, wala akong laban sa iyo. Bukod pa doon, ito na ang buong lakas ko. Sapagkat nakuha mo ang balak mo sa pagpunta dito, umalis ka na.”Hindi siya naging pabaya. Kahit na may pagkakataon siyang dumiretso sa central region kapag natalo niya
Ang pagligtas sa buhay ni James marahil ang pinakamagandang desisyon na ginawa niya.Sa hindi kalayuan, isang grupo ng mga disipulo ng Welkin Academy ang natulala na makita sila.“Paano sila nakarating sa central region sa loob ng tatlong araw? Napakalakas siguro nila.”“Sino kaya sila.”“Bakit hindi natin subukin ang lakas nila?”“Kontra ako sa ideya mo. Magagalit ang Sect Elder kapag nalaman niya.”Nagsimula sila mag-usap matapos makita si James at Melany.Hindi sila binigyan pansin ni James. Naghanap siya ng puwesto, naupo ng lotus position sa sahig, at nagsimula higupin ang Empyrean Spiritual Energy ng Moonlit Ridge Painting. Samantalang si Melany, inobserbahan lamang siya.Lumipas ang oras.Sa isang kisapmata, limang araw ang lumipas.Kahit na mayroon pa na dalawang araw na natitira, ang mga hindi pa nakakarating sa central region ay disqualified na sapagkat libo-libong mga tao na ang nagtipon dito.Pagkatapos, ang mga disipulo ng academy ay nagsimula sa pagbibilang ng mga token n
Negatibo si Melany pagdating sa suwerte niya. Gayunpaman, nagpapasalamat siya sa tulong na ibinigay ni James hanggang sa puntong ito.Tahimik na naghintay si James para sa laban niya.Sapagkat iisa lang ang token niya, siya ang nasa dulo ng rank. Natural lang na siya ang unang lalaban.Ang arena ay nahati sa iba’t ibang mga section. Sa section ni James, nag-anunsiyo ang isang disipulo ng academy, “Unang round, James Caden laban kay Heriberto Yehoshua.”Pagkatapos, isang lalake ang lumapit sa gitna ng arena.Ang arena ay nahahati sa iba’t ibang maliliit na arena kung saan nagtipon ang mga cultivator.Tinignan ni James ang lalake. Alam niya na iyon ang kalaban niya, si Heriberto Yesoshua. Basta matalo niya ang taong ito, makakatawid siya sa susunod na round. Pagkatapos, mananalo siya bilang top ten at magiging disipulo ng Welkin Academy.Naglakad siya palapit sa sentro ng arena.Tinignan sila ng disipulo at pinaalalahanan, “Ito ay isang sparring match at hindi labanan hanggang kamatayan.
Si Yoan, ang Sect Elder ng Welking Academy, ay nagpakita at tinignan ang mga tao sa ibaba at nagsalita, “Ang susunod ay ang battle royale. Walang kahit na anong batas, maaari ninyo gamitin ang kahit na anong armas at kahit na anong klaseng taktika hanggang sa sampu kayong matira. Sa oras na malaglag kayo sa arena, tanggal na kayo. Pero hindi ibig sabihin nito na disqualified na kayo.”“Sa oras na kulangin ng isang libong finalist, ang battle royale ay magpapatuloy hanggang sa umabot tayo sa numerong kailangan.”Dumagungdong ang boses ni Yoan.Matapos ito marinig, nasabik ang mga tao sa battle royale.Sa pagdating nila sa central region at pag tawid sa susunod na round, kumpiyansa ang lahat sa kani-kanilang lakas.Hindi nagtagal, isang disipulo ng academy ang pumunta sa gitna ng arena. Ang mga tinawag ay pumasok sa arena para maghanda sa laban.Hindi lumahok si James sa unang round, gayun din si Melany.Nagsimula ang unang round.Matindin ang labanan. Nagkasalubong ang mga kamao at mga
Ang kalaban ni James ay inorganisa ni Yoan, na napapaisip kung mananalo si James kung ganito ay may pabigay siya. Naintriga siya sa tunay na lakas ni James. Sapagkat nakikita niya ang lakas ng bawat cultivator dito. Pero, hindi niya makita nag lakas ni James.Sa oras na ito, mabilis na nagpulasan ang mga examinee.Samantala, si James ay nanatili sa gitna.Habang sinusuri ang paligid, tinignan niya si Melany at inutusan siya, “Manatili ka sa tabi ko, at huwag knag maglakad ng mag-isa. Kapag nalaglag ka sa arena, hindi ka na makakapasok sa academy.”“Susundin kita.” Tumango si Melany.Si James ang huling pag-asa niya. Kung wala ang proteksyon niya, hindi siya makakapasok sa Welkin Academy.Sa arena, alerto ang lahat, at naghahanap ng mga mas mahihina sa kanila para palabasin ng arena.Samantala, si James ay walang pakielam dahil sa lakas na taglay niya. Ang kailangan lang niya gawin ay patalsikin palabas ng arena ang iba sa lalong madaling panahon.Matapos makakita ng isang grupo sa isan
Gayunpaman, lumapit kaagad sa kanila ang isang grupo ng cultivators. "Lumayas kayo!" Dumilim ang mukha ni James nang naglabas siya ng nakakatakot na aura. Pagkatapos, inihawi niya ang braso niya na nagpalabas ng isang buhawi ng True Energy niya. Nang makita ito ng mga cultivator, nagmadali silang umatras. Pagkatapos nilang malaman ang lakas ni James, walang nagtangkang lumapit sa kanya. Naupo si Melany sa lapag nang may maputlang mukha. Hirap na hirap siyang nagsalita, "Sugatan ako, James. Iwan mo na lang ako. Hindi kita gustong hilahin pababa. Kung ma-disqualify ka dahil sa'kin, habangbuhay akong magsisisi." Bahagyang ngumiti si James at nagsabing, "Dahil nangako ako, tutupad ako sa sinabi ko. Sisiguraduhin kong gagawin kitang disipulo ng Welkin Academy." Pagkatapos, tinaas niya ang braso niya at isang alambre ang nalaglag mula sa manggas niya, na nagpalit naman ng anyo para maging napakaraming pilak na karayom. Habang hawak ang Crucifier, ginamot niya ang mga sugat n
Dahil masyadong mahina ang iba pang examinees, nagawa ni James na maging disipulo ng Welkin Academy kasama ni Melany. Pagkatapos ng laban, nagpunta sila sa pahingahan at nagpahinga. Nang naging academy disciple si Melany, patuloy niyang pinasalamatan si James na nginitian lang ni James at hindi nagsabi ng kahit na ano. Nagpatuloy ang iba pang mga labanan. Natanggal ang iba habang ang ilan ay nagtagumpay. Pagkatapos ng mabangis na laban, isang libong disipulo ang napili. "Binabati ko kayo sa pagiging mga disipulo ng Welkin Academy," umalingawngaw ang boses ni Yoan. "May isa pang laban kung saan matutukoy ang top ten rankings. Tandaan niyo na maraming benepisyo pag nakapasok kayo sa top ten. Halimbawa, makukuha niyo ang karapatang matanggap bilang disipulo ng mga Sect Elder, habang ang cultivator na nasa first place ay hahayaang matanggap bilang disipulo ng headmaster. "Maliban roon, magkakaroon ng karapatan ang top ten na makapasok sa library chamber ng Welkin Academy
Umiling si Yoan at bumuntong-hininga, "Hindi ko na makokontrol yun. Hindi ko inasahang magpapasok ng bagong disipulo ang Divinity Sect bago sa'tin." Humakbang paharap si Jeffery at tumingin sa bagong mga disipulo. Nagsalita siya nang halatang hindi natutuwa, "Tignan mo ang kalidad ng mga disipulong nakuha mo." Mukhang nasa limampung taong gulang si Jeffery at nakasuot ng dilaw na balabal. Habang tinitignan silang lahat, nakikita niya ang cultivation base ng bawat isang cultivator gamit ng Divine Sense niya. Pagkatapos, tumitig siya kay Melany. "Ano to? Bakit may cultivator na nasa Supernatural rank dito? Ano bang ginagawa mo, Sect Elder Yoan? Wag mong sabihing pumipili ka na ng paborito mo ngayon?!" Nang marinig ito ni Melany, yumuko siya at hindi nagtangkang magsalita. Nang magpapaliwanag pa lang si Yoan… "Tama na yan," sabi ng lalaking nakaputing balabal. Siya ang headmaster ng Welkin Academy at isa sa pinakamalakas na indibidwal sa Ancient Realm. Sabi niya