Ito lang ang magagawa ni James para makatulong. Mula ngayon, kailangang umasa ni Melany sa sarili niya. Pagkatapos batiin si James, tumalikod si Melany para umalis. Nagkataong nakatira siya kagabi ng kwarto ni James. Siguro ito ang espesyal na paghahanda ni Sect Elder Yoan. Pagkatapos makapasok sa Welkin Academy, nagcultivate si James sa courtyard araw-araw. Kahit na gusto niyang pumasok sa Time Chamber ng Celestial Abode, nag-aalala siyang baka bigyan siya ng gawain ng mga senior niya. Tiyak na magiging problema kung simple siyang maglalaho nang walang bakas. Kung kaya't nagpasya siyang huwag munang pumunta sa Celestial Abode pansamantala. Pagkalipas ng tatlong araw, lumitaw si Yoan sa courtyard ni James. Nang makita ito ni James, nagmadali siyang tumayo at magalang siyang binati, "Sect Elder." Bahagyang kumaway si Yoan. Tinignan siya ni James, interesado sa biglaan niyang pagbisita. "Ikaw si James Caden, tama ba?" tanong ni Yoan. "Oo." Tumango si James at nagt
Nabigla si Yoan. Bilang isang cultivator, alam niya kung gaano kahirap na magcultivate ng pisikal na katawan. Kailangan mong madalas na sumailalim sa matinding peligro para palakasin ang katawan mo. Sa kabila nito, kahit na medyo mas mababa ang ranggo ni James kay Wendel, nakayanan niyang tumapat sa kanya. Hindi ito kapanipaniwala. Sa sandaling iyon, tuwang-tuwa siya. Magiging nakakatakot na kalaban si James sa mga kalaban niya kapag napalaki niya siya nang maayos. Sa isa o dalawang dekada lang, baka makalaban pa siya sa mga nagpunta sa Earth para sa providence. Hindi maitago ni Yoan ang saya niya. "Magaling!" sabi niya. Sa kabilang banda, bahagyang ngumiti si James. Kung alam ni Yoan na nagcultivate siya ng Sacrilegious Ascension, ang signature cultivation method ng Primordial Divine Ape Race, sobra siyang magugulat. "Mataas ang kumpiyansa ko sa'yo, James. Paparating na ang Grand Tournament ng Ancient Realms. Basta't mas mababa sa limampung taong gulang ang edad mo,
Naniniwala si Joan na malaki ang potensyal ni James. Matagal na siyang magaling kumilatis ng tao. Higit pa roon, kahit na mababa ang kasalukuyang rank ni James, nagpakita siya ng pambihirang lakas. Kaya niyang lumaban sa isang cultivator na nasa Third Stair ng Immortal Ascension. Kung mararating niya ang Third Stair ng Immortal Ascension, baka kaya niyang labanan ang mga nasa Sixth Stair ng Immortal Ascension. Mamamangha at matutuwa si Yoan kapag nangyari iyon. "James, gagawa ako ng cultivation plan para sa'yo. Gayunpaman, sasailalim ka sa matinding sakit. Kakayanin mo ba ito?" tanong ni Yoan. "Basta't hindi ito kamatayan, wala akong hindi kakayanin," sagot ni James sa tanong ni Yoan. "Magaling." Tumawa si Yoan. Nakahinga siya nang maluwag sa mga salita ni James. "Wag kang mag-alala. Susunod, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sanayin ka para sa loob ng isang taon, lalakas ka nang sobra-sobra." "Sige. Inaasahan ko yan." Nasabik din si James tungkol dito. "Sige, ma
Sabi ni Yoan, "Hindi na masama si James. Malakas siya sa lahat ng aspeto. Kinuha ko na siya bilang disipulo ko. Gagawa ako ng cultivation plan para sa kanya, ibubuhos ko ang lahat ng lakas ko para sanayin siya, at tutulungan ko siyang makakuha ng magandang resulta sa paparating na Grand Tournament. Ipapakita ko sa ibang Sect Elders at sa headmaster na may magaling na disipulo pa rin sa mga bago ngayon." Nang marinig iyon, bahagyang nagsalubong ang kilay ni Zayn. "Sir, kahit na malaki ang potensyal ni James, wala nang masyadong oras bago ang Grand Tournament. Imposibleng lumakas siya nang sobra sa maikling panahon. Walang dahilan para magsayang ng resources sa kanya. May ilan kang magagaling na disipulong nasa edad limampu pababa. Mas maganda kung sasanayin mo ang kahit na alin sa kanila kaysa si James." Pagkatapos marinig iyon, tinignan ni Yoan si Zayn. Malinaw sa kanya ang kahulugan sa likod ng mga salita ni Zayn. Kahit na matanda na siya, hindi pa siya nag-uulyanin. "Zayn, naka
Medyo nagulat si Melany. 'Master? Naging disipulo ni Sect Elder Yoan si James?' Inabot ng ilang sandali bago siya nahimasmasan at nagtanong, "J-James, saan ka pupunta?" "Pupunta ako sa Southwood kasama ng master ko," sabi ni James. "Oh. Sige pala." Kumaway si Melany. "Mhm." Walang masyadong sinabi si James. Nagpaalam siya sa kanya at naglakad papalayo. Pagkatapos, lumingon siya at tumingin kay Yoan. "Sir, tara na." Simpleng kumumpas si Yoan. Isang gintong liwanag ang kuminang sa palad niya, pagkatapos ay lumitaw ang isang gourd. Lumaki nang lumaki ang gourd, na hindi nagtagal ay umabot sa habang ilang dosenang metro. "Ano to?" Mukhang nabigla si James. Nakangiting nagpaliwanag si Yoan, "Isa itong magical flying tool. Halika na." Habang nagsasalita siya, nauna siyang sumakay sa malaking gourd. Sumunod si James at sumakay rito. Pagkatapos sumakay sa gourd, ginamit ni Yoan ang True Energy niya, sabay nagsimulang lumipad ang gourd. Mabilis itong lumitaw sa ere, pagkatap
Hindi alam ni Dacre ang dahilan sa pagbisita ni Yoan. Hindi nagtangkang maglihim si Yoan at dumiretso sa usapan. "Ganun na nga. May gusto akong hilingin sa'yo."."Sect Elder Yoan, masyado ka namang magalang. Sabihin mo lang sa'kin ano man ang kailangan mo." Sabi mi Yoan, "Ang pangunahin dahilan kung bakit ako nandito sa Landolf's Mansion sa Southwood ay para manghingi ng Helios Pill mula sa'yo." Kaagad na nanigas ang ngiti ni Dacre nang marinig niya iyon. Tahimik na nag-usap-usap ang iba pang miyembro ng Landolf family. Nang may namomroblemang mukha, nagsalita si Dacre, "Sect Elder Yoan, ang totoo, ubos na ang lahat ng Helios Pills na iniwan ng ninuno ko." Malinaw kay Yoan na nagpapalusot lang ang mga Landolf. "Mr. Landolf, hindi ko to hinihingi nang libre. Ipaalam .l lang sa'kin kung anong kailangan ng Landolf family at maghahanap ako ng paraan para maibigay ito." Naintindihan ni Yoan na hindi niya makukuha ngayon ang Helios Pill nang hindi nagbabayad ng malaking halaga
Para kay James, sa paparating na Grand Tournament, at para makakuha ng bagong lebel ng respeto mula sa iba pang Sect Elders at sa headmaster, pumayag si Yoan sa hiling ng Landolf family. Pagkatapos nito, lumabas si Yoan kasama ng head ng Landolf family. Naghintay si James sa loob ng kwarto. Naghintay siya nang higit sa isang oras. Sa huli, bumalik din si Yoan. "Sir," tinawag siya ni James. Mukhang nanlulumo si Yoan. Malinaw na malaki ang nawala sa kanya ngayon para kay James. "James, nawalan ako ng malaking halaga ng pera para sa'yo ngayon. Kinuha nila ang pinag-ipunan ko ng ilang taon. Kung hindi mo gagalingan sa paparating na Grand Tournament, dapat maawa ka sa guro mo." Mukhang nahiya si James. Hindi nga siya kampante sa kakayahan niya para sa papalapit na Grand Tournament. "Tara na. Maglalakbay tayo papunta sa Ancient Clan buong gabi at iinumin mo ang Helios Pill sa daan." Pagkatapos matanggap ang Helios Pill, hindi na nagtagal si Yoan sa Landolf's Mansion sa Sout
Nagulat din si Yoan sa lakas ng loob ni James. Nagpatuloy ang paglilinang sa kapangyarihan ng Helios Pill, at patiuloy na nadagdagan ang lakas ni James.Lumipas ang gabi.Kinabukasan, nabawasan ang sakit ng katawan ni James. Tumigil siya sa pagkucultivate.Si Yoan, na nasa malapit, ay nagtanong, “Kamusta?”Ang sabi ni James, “Pagkatapos ng isang gabing pagkucultivate, pakiramdam ko nadagdagan ng husto ang pisikal kong lakas. Subalit, wala pa sa isang porsyento ng kapangyarihan ng Helios Pill ang nalinang ko. Mayroon pang napakalakas na pwersa sa loob ng katawan ko. Hindi ko na kayang higupin ang pwersang ito.Ang sabi ni Yoan, “Ito ang Helios Pill. Sa susunod, kakailanganin mo ng tulong ng isang pwersa mula sa labas kung gusto mong mahigop ang kapangyarihang ito.”“Mhm” Tumango si James. Alam niya kung ano ang sinasabi ni Yoan na pwersa mula sa labas. Ito ay walang iba kundi ang pambubugbog sa kanya.“Tutulungan kita.” Ang sabi ni Yoan ng nakangisi.Bago pa makasagot si James