Alam ni James na tiyak na may paraan si Marcello, at tama siya. Pagkatapos matanggap ang napakahalagang Netherpearl mula sa Demonic Race, umalis siya ng Bane City. Ngayon, kailangan niyang pumunta kaagad sa Sealed Realms at makakuha ng sapat na pagkain para makaligtas ang mga tao sa Earth. Pumasok siya sa isang gubat malapit sa Mount Bane at tumayo sa isang punong isandaang metro ang taas habang nakatingin sa langit. Naroon pa rin ang bitak sa langit. Alam ni James na ito ang daan papunta sa Sealed Realms. Kapag pumasok siya sa bitak, makakapasok siya sa Sealed Realms. "Ano kayang itsura ng Sealed Realms." Interesado siya. Habang hawak ang Netherpearl, gumamit siya ng Demonic Energy at pinasok ito sa perlas. Sa sandaling iyon, naging itim ang perlas at nakaramdam siya ng koneksyon dito. Ang Netherpearl ay parang isang high-end mobile gadget kung saan marami siyang nakikitang gamit nito. May kung ano-anong impormasyon rin ang nakatala sa loob ng perlas. Ito ang im
Dumating ang gabi sa Land of Tabal habang inilawan ng mga bituin ang madilim na langit. Pagkatapos umalis ni James ng canyon, pumasok siya sa isang gubat. Dahil hindi naman siya nagmamadali ngayon, huminto siya at gumawa ng siga bago nagpahinga. Dahil kaunti lang ang alam niya sa mundong ito, nagpasya siyang wag maglakbay sa dilim at plinano ang susunod niyang gagawin bukas nang umaga. Sa gubat, nakahuli siya ng isang hayop at niluto ang laman nito sa siga. Nakakapaglaway ang amoy ng karne. Habang nakatingin sa karneng nasa harapan niya, dinilaan ni James ni ang mga labi niya sa tuwa. Pagkatapos itong amuyin, kinagatan niya ang inihaw na karne. Kaagad na lumipad sa ere ang nakakatakam na amoy ng karne. Nang nasa gitna siya nang pagkain… Klank! Naririnig ang tunog ng isang labanan sa malayo. Pagkatapos, nakarinig siya ng tunog ng mga nagmamadaling yabag. Kumunot ang noo ni James. Kaagad siyang lumitaw sa tuktok ng isang puno sa isang kurap at tinignan ang palig
Medyo kani-kanina pa nanonood si James mula sa malaking puno. Hindi naman masyadong malakas ang mga cultivator na naka-itim na balabal. Base sa aura nila, nasa Seventh o Eight Inner Gate lang sila. Kapag naharap siya sa mga ganitong lebel, kayang-kaya niya silang patayin. Iyon ang dahilan kung bakit siya nagtangkang ipakita ang sarili niya. Tumayo siya sa harapan ng ilang mga gwardya habang nakatingin sa taong naka-itim na balabal at nakasuot ng pulang maskara, sabay simpleng nagsabi, "Sinusubukan mong patayin ang bawat isa sa kanila. Hindi ba masyado namang malupit yun?" "Problema ito ng Dark Keep. Gusto mo bang maging kalaban ng Dark Keep?" nagsalita ulit ang cultivator na nakapulang maskara. Hindi niya matukoy kung gaano kalakas si James kaya binanggit niya ang grupong pinanggalingan niya sa pag-asang matakot si James. Gayunpaman, nagkamali siya. Hindi mula sa mundong ito si James, nagmula siya sa Earth, sa labas nito. Hindi pa niya naririnig itong tinatawag nilang Dark Ke
Lumuhod si James, tumingin siya sa kanya, at nagsabing, "Mukha itong isang sobrang nakamamatay na klase ng lason. Kung hindi ito matatanggal kaagad, maaari kang mamatay maya-maya lang. Kung magtitiwala ka sa akin, kaya kitang iligtas." Nakangiwi sa sakit ang mukha ni Laelia. Hinahabol siya para patayin, at ang mga gwardyang kasama niya ay namatay sa labanan. Wala na siyang tatakbuhan ngayon. Sa ngayon, ang tanging masasandalan niya ay si James, isang estranghero para sa kanya. Mahina siyang tumango. Pagkatapos makuha ang permiso niya, kinuha ni James ang kamay niya at hinawakan ang pulso niya. Kasunod nito, ngumiti siya at nagsabing, "Simple lang tanggalin ang lason."Kakaiba ang katawan ni James. May kakayahan siyang higupin ang kahit na anong pwersa at gawin itong sarili niyang enerhiya. Sobrang nakakasakit ang lason para sa katawan ni Laelia, pero para kay James, wala lang ito. Habang hawak ang kamay ni Laelia, ginamit niya ang True Energy niya para sapilitang higupin ang
Pinaliwanag ni James kung bakit siya nagpunta rito. Alam niyang ang magandang babae sa harapan niya ay ang prinsesa ng pinakamalakas na bansa sa lupaing ito. Kung makukuha niya ang tulong ng prinsesa, mataas ang tyansa niyang makakuha ng pagkain. Nang nalaman ni Laelia ang motibo ni James sa pagpunta sa Land of Tabal, medyo nabigla siya. 'Ganun ba talaga kasama ang sitwasyon sa labas na mundo sa puntong nag-aalala ang mga tao sa pagkain?' Tinitigan niya nang kakaiba si James. Hindi alam ni James kung bakit nakatingin nang kakaiba si Laelia sa kanya. Hinawakan niya ang ilong niya at nagtanong, "Bakit mo ko tinitignan nang ganyan?" Nagtanong si Laelia, "Ganun ba talaga kahirap ang labas na mundo na nag-aalala ka pa tungkol sa pagkain?" Walang alam si James sa sitwasyon sa Land of Tabal. Wala rin siyang alam kung paano gumagana ang mundong ito. Nagbigay siya ng kabuuang paliwanag sa sitwasyon ng Earth. Pagkatapos makinig sa kanya, naintindihan na ni Laelia. "Ganun ba. Ma
'Ano ba talaga ang treasure na yun?'Nakakagulat na konektado talaga ito sa seal.'Tumingin siya kay Laelia na nakaupo sa isang bato, pagkatapos ay nakangiting nagtanong, "Princess Laelia, ano ba talaga ang treasure ng pamilya mo? Nang lumuwag ang seal, bakit naging kakaiba ang treasure? May kinalaman ba ito sa seal?" Umiling si Laelia. Wala siyang masyadong alam tungkol sa treasure na pamana ng pamilya niya. "Ano pala ang treasure? Pwede ko bang tignan?""Iyon ay…" Nagdadalawang-isip si Laelia. Isa itong treasure na pamana ng pamilya niya. Paano niya ito magagawang ipakita nang basta-basta sa isang estranghero?"Kung naiilang ka, kalimitan mo na yun. Interesado lang ako." Nang nakita niya ang nanlumong mukha ni Laelia, bahagyang kumaway si James at hindi na nagsabi ng kahit na ano. Tumingin si Laelia kay James at nagsimulang mapaisip. Niligtas siya ni James. Higit pa roon, napakalakas niya. Kampante siya sa kakayahan niyang durugin ang Dark Keep. Kapag sinubukang kun
Dating nagsisilbi ang Spirit Tool ng Celestial Abode sa isang emperor at maalam siya sa napakaraming bagay. Kahit sa panahon ni Emperor Jabari, isa nang alamat ang Burial Jade. Nagpatuloy ang Spirit Tool, "Ayon sa pagkakaunawa ko, pagmamay-ari ng isang tao ang Burial Jade. Targwyn ang apelyido niya, at tinatawag siyang Guardian of the Tomb. Napakalakas niya. Sa isang punto ng panahon, siya ang pinakaprominenteng tao sa mundo. Gayunpaman, sa hindi nalalamang dahilan, naglaho siya kasama ng Targwyn family. "Hindi ko inaasahang makakasalubong ko ang descendant ng Guardian of the Tomb dito sa maliit na Land of Tabal." Hindi napigilan ng Spirit Tool na magdalamhati. Ang descendants ng pinakamalakas na tao sa kasaysayan ay napunta sa ganito kahirap na sitwasyon. Nagtanong si James sa loob niya, "Ano palang koneksyon ng Burial Jade sa seal ng mundo? Bakit nagpakita ng mga eksena ang Burial Jade nang humina ang seal?" Nagpaliwanag ang Spirit Tool, "Ang Burial Jade ay nabuo mula sa
Ngayon, para iligtas ang kaharian at ang pamilya niya, kailangan niyang isama si James pabalik. "S-Sir…" Hindi na nakayanan ni Laelia na maghintay at nagsalita na siya. Nailayo ng boses niya ang atensyon ni James sa isipan niya. Binuksan niya ang mga mata niya para tignan si Laelia at tahimik na nagtanong, "Anong problema, Kamahalan?" May bakas ng pagmamakaawa sa medyo naiilang na mukha ni Laelia. Sabi niya, "Nang tumakas ako mula sa capital, napalibutan na ang capital ng mga cultivator ng Dark Keep. Tatlong araw na simula nun. N-Nag-aalala ako na baka minalas na ang capital." "Ibig mong sabihin, gusto mong bumalik kaagad doon?" Tumingin si James kay Laelia. Nakikita niyang sobrang nag-aalala si Laelia, ngunit nagpaplano rin siya. Magagamit niya kaya ang kaba at pag-aalala ni Laelia para gumawa ng isa pang kasunduan at lokohin siya na ibigay sa kanya ang Burial Jade? Hindi alam ni Laelia ang kasaysayan ng Burial Jade, pero alam niya ang tungkol dito. Isa itong bagay na pina