Dating nagsisilbi ang Spirit Tool ng Celestial Abode sa isang emperor at maalam siya sa napakaraming bagay. Kahit sa panahon ni Emperor Jabari, isa nang alamat ang Burial Jade. Nagpatuloy ang Spirit Tool, "Ayon sa pagkakaunawa ko, pagmamay-ari ng isang tao ang Burial Jade. Targwyn ang apelyido niya, at tinatawag siyang Guardian of the Tomb. Napakalakas niya. Sa isang punto ng panahon, siya ang pinakaprominenteng tao sa mundo. Gayunpaman, sa hindi nalalamang dahilan, naglaho siya kasama ng Targwyn family. "Hindi ko inaasahang makakasalubong ko ang descendant ng Guardian of the Tomb dito sa maliit na Land of Tabal." Hindi napigilan ng Spirit Tool na magdalamhati. Ang descendants ng pinakamalakas na tao sa kasaysayan ay napunta sa ganito kahirap na sitwasyon. Nagtanong si James sa loob niya, "Ano palang koneksyon ng Burial Jade sa seal ng mundo? Bakit nagpakita ng mga eksena ang Burial Jade nang humina ang seal?" Nagpaliwanag ang Spirit Tool, "Ang Burial Jade ay nabuo mula sa
Ngayon, para iligtas ang kaharian at ang pamilya niya, kailangan niyang isama si James pabalik. "S-Sir…" Hindi na nakayanan ni Laelia na maghintay at nagsalita na siya. Nailayo ng boses niya ang atensyon ni James sa isipan niya. Binuksan niya ang mga mata niya para tignan si Laelia at tahimik na nagtanong, "Anong problema, Kamahalan?" May bakas ng pagmamakaawa sa medyo naiilang na mukha ni Laelia. Sabi niya, "Nang tumakas ako mula sa capital, napalibutan na ang capital ng mga cultivator ng Dark Keep. Tatlong araw na simula nun. N-Nag-aalala ako na baka minalas na ang capital." "Ibig mong sabihin, gusto mong bumalik kaagad doon?" Tumingin si James kay Laelia. Nakikita niyang sobrang nag-aalala si Laelia, ngunit nagpaplano rin siya. Magagamit niya kaya ang kaba at pag-aalala ni Laelia para gumawa ng isa pang kasunduan at lokohin siya na ibigay sa kanya ang Burial Jade? Hindi alam ni Laelia ang kasaysayan ng Burial Jade, pero alam niya ang tungkol dito. Isa itong bagay na pina
Nang umalingawngaw ang boses na iyon, narinig ang tunog ng mga yabag mula sa malayo. Hindi nagtagal, napakaraming cultivators na naka-itim na balabal at maskara ang lumitaw. Sa isang tingin, para bang punong-puno ng tao ang lugar na may halos tatlong libong tao. Mabilis na lumitaw ang mga taong ito at pinalibutan sina James at ang iba pa. Mula sa langit, isang elder ang bumaba. Nakatayo siya nang maigi sa lapag. Mukha bang nasa pitompung taong gulang ang elder. Makulubot ang mukha niya at lubog ang mga mata niya. Nakakatakot ang itsura niya. Nakasuot siya ng pulang balabal at may hawak na pulang espada. “Saturio Hadecus?”Nang nakita ni Laelia ang elder na ito, namutla ang mukha niya. Sobrang natakot ang natitirang ilang dosenang gwardya at nagsimula silang manginig. Hindi napigilan ni James na lumingon kay Laelia at magsabing, "Saturio Hadecus? Sino siya?" Napuno ng takot ang mukha ni Laelia. Bahagyang nangangatal ang ngipin niya habang nagsalita siya, "Ng Dark Keep…
Nang umalingawngaw ang boses niya sa buong lugar, dumaan ang Sword Energy. Kaagad na namatay ang dose-dosenang gwardya sa paligid ni Laelia. May isang aninong lumitaw sa ere. Sa sumunod na segundo, nasa harapan na ni Laelia si Saturio. Pagkatapos humiwa gamit ng espada niya at pumatay ng marami sa mga gwardya ng Dark Keep na papalapit sa kanya, lumitaw si James sa harapan ni Laelia sa isang iglap at hinablot siya. Napaatras ang katawan ni Laelia at naiwasan niya ang atake ni Saturio. Tumama ang sa lapag ang Sword Energy, at kaagad na yumanig ang lugar. Sinama ni James si Laelia. Humakbang siya sa ere at lumitaw sa taas na ilang dosenang metro. Pagkatapos nito, itinabi niya ang longsword niya. "Kumapit ka sa'kin!" sigaw niya. Alam ni Laelia na maiistorbo si James kung hihilahin niya siya. Kaagad siyang kumapit kay James. Tinaas ni James ang dalawa niyang kamay. Sa mga palad niya, dalawang magkaibang True Energy ang lumitaw. Kaagad na naghalo ang dalawang True Energy p
Nasaksihan ni Laelia na matagal ang katawan ni James. Natamaan pa siya ng palad ni Saturio, ay bumagsak sa lapag. Nagkaroon pa ng malalim na hukay sa lapag. Namutla ang mukha niya sa takot. Kahit ang tagapagligtas niya ay namatay sa mga kamay ni Saturio. Wala na siyang kawala ngayon. "Kamahalan…" Nakatayo si Saturio sa ere. Ngumiti siya habang nakatingin sa nanginginig na si Laelia mula sa malayo. "Iniisip mo ba talagang kaya kang iligtas ng lalaking to? Kalokohan." Patay na si James ayon sa hinuha ni Saturio. "I-Ibibigay ko to sa'yo." Nagpasya si Laelia na magkompromiso. Kahit na patay na si James. Kung hindi niya ibibigay ang jade pendant, mamamatay din siya at makukuha pa rin ni Saturio ang jade pendant. Kapag iniabot niya ang jade pendant, kahit papaano maililigtas niya ang buhay niya. Basta't buhay siya, may pagkakataon siya para maghiganti. Gayunpaman, sa mismong sandaling ito, isang anino ng isang tao ang lumipad mula sa kaguluhan sa lapag papunta sa langit. Magulo
Pagkatapos ng ilang sandali, sa wakas ay nakarating siya sa kung nasaan si James. Nakita niyang nakahiga si James sa lapag. Napakahina ng aura niya. Nang naalala niya kung paano pinatay ni James si Saturio kanina, medyo natakot siya at hindi siya nagtangkang lumapit sa kanya. Sa halip, tumayo siya ilang metro kalayo mula sa kanya, habang maingat na minamanmanan si James. Nag-aalangan siyang nagtanong, "S-Sir, ayos ka lang ba?" Nakahiga si James sa lapag at nagpapagaling. Mahina siyang nagsabi, "Wala lang to. Magiging ayos din ako pagkatapos magpahinga sandali." Pagkatapos marinig iyon, nakahinga nang maluwag si Laelia. Hindi siya nagtangkang lumapit at sa halip ay tumayo ilang metro mula sa kanya habang nakatitig sa kanya. Sa ilalim ng titig niya, unti-unting bumalik ang sigla sa balat ni James. Sa loob lang ng kalahating oras, gumaling na si James. Tumayo siya at nagsimulang pakilusin ang katawan niya. "Ano?" Nabigla ulit si Laelia. Malinaw niyang naramdaman kung gaano
Sa daan, nagkalat ang mga bangkay sa lupa.Karumaldumal ang tanawing ito.Maging si James ay nabigla. Hindi niya inasahan na magagawa ng Dark Keep na paslangin ang isang buong siyudad.Nagmadaling nagtungo si Laelia sa direksyon ng Imperial Palace.Sa loob ng palasyo, mas maraming mga bangkay ang nagkalat sa sahig.Basang-basa ng sariwang dugo ang sahig.Kinailangang tumapak ni Laelia sa mga bangkay upang makausad siya.Di nagtagal, nakapasok siya sa palasyo.Maraming mga patay na guwardya ang makikita sa loob ng palasyo, at halatang miserable ang pagkamatay nila.Nagmadaling pumasok si Laelia sa loob, ngunit nagkalat ang mga bangkay sa paligid ng palasyo, at hindi siya makahanap ng kahit isang buhay na tao.“Ama…”Bumagsak siya sa lupa at sumigaw siya ng puno ng paghihinagpis.Hindi alam ni James kung paano niya palulubagin ang loob niya.Pagkalipas ng ilang oras, sinubukan ni James na palubagin ang kanyang loob. “Halughugin muna natin ang palasyo para makita natin kung m
Noong nakapasok sila sa siyudad, nakahanap ng inn ang dalawa kung saan sila pansamantalang tutuloy.Nakaupos si James sa isang upuan sa loob ng kwarto. Samantala, nagsalin si Laelia ng tsaa para sa kanya.“James, kailan tayo pupunta sa mansyon ng City Lord upang makita si Cloyd?”Hindi na alam ni Laelia ang gagawin niya. Maraming araw na ang lumipas, ngunit hindi pa rin siya sigurado kung ano na ang kalagayan ng kanyang ama at ibang mga kamag-anak. Desperado siyang makakuha ng impomasyon tungkol sa Dark Keep at sa kondisyon ng kanyang pamilya.“Pupunta tayo doon pagkatapos nating kumain.”Tumayo si James at naglakad siya palabas ng pinto.Nagtungo siya sa unang palapag ng inn at umorder siya ng ilang putahe. Pagkatapos, masaya niyang kinain ang mga ito.Umupo si Laelia sa tabi niya ngunit wala siyang ganang kumain.Maraming tao ang kumakain sa loob ng labi ng inn.“Narinig ko na ang capital ng Tabal Empire, ang Tabalham, ay nawasak, at milyun-milyong tao ang pinaslang.”“Mhm.