Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa desisyon ni James na magpadala ng tulong sa buong mundo.Sa martial Art Forum…“Binabalak ni James na hatian ng reserbang pagkain ng Wyrmstead ang ibang maliliit na nasyon para maligtas sila.”“Ano pa ang halaga? Mamamatay din naman ang mga ito. Itago na lang natin ang pagkain para sa sarili natin.”“Tama, para saan pa? Wala naman tatagal dahil sa apocalypse na ito.”Marami ang nagdiskusyon.Hindi nagtagal, kumalat na ang balita sa buong mundo.“Napakasarap tumira sa Wyrmstead…”“Noong nagsisimula pa lang ang Wyrmstead ilang taon na ang nakararaan, inimbitahan nila ang mga tao para mag migrate doon. Kung alam ko lang na magaganap ang apocalypse, matagal na akong lumipat doon.”“Kaso sayang naman… imposible na mag migrate doon.”Sapagkat Wyrmstead ang pinakaligtas na bansa sa Earth, maraming gusto na lumipat doon.Kasabay nito, maraming pangunahin na awtoridad ng Wyrmstead ang nagtipon sa Wyrmstead Palace.Nababalisang sinabi ni Quincy, “Hindi it
Dumilat si Callan na nakaupo nang naka-lotus position sa lapag. Nang nakita niya si James, masaya siyang ngumiti at nagsabing, "James, akala ko bumalik ka na sa Wyrmstead. Bakit ka bumalik sa Mount Bane?" Tumingin si James sa kanya at nagsabing, "Nababalot ka ng Spiritual Energy nang nagcucultivate ka. Nahanap mo na siguro ang cultivation method mo." "Oo." Bumuntong-hininga si Callan at nagsabing, "Maraming taon na ang nagdaan. Sa wakas, nahanap ko na ang sarili kong landas. Naaalala ko noong isa ka lang bata sa mga mata ko. Pero sa loob lang ng ilang taon, nagawa mong maging sobrang lakas, habang wala akong pinagbago. Sa wakas, nahanap ko na ang sarili kong landas at nakarating na ako sa ninth rank." Nakangiting nagsabi si James, "Mabuti at nakarating ka na sa ninth rank. Tandaan mo, isa-isang hakbang lang. Kahit na nagbago na ang paligid, marami itong maitutulong sa mga martial artist at cultivators sa kabuuan. Kahit papaano marami na tayong Empyrean Spiritual Energy ngayon.
Nabigla si James sa katotohanang babae pala si Marcello. Nang una niya siyang nakita, natulala siya sa kagandahan niya. Sa sandaling iyon, naalala niyang tinanong niya ang sarili niya kung paanong nagkaroon ng ganito kagandang lalaki sa mundo. Gayunpaman, hindi niya masyadong inisip ang tungkol dito. Sa sandaling iyon, nagulat lang siyang malamang isa siyang babae. Sa kabila nito, hindi mahalaga sa kanya ngayon ang kasarian niya. Ang tanging taong makakatulong sa kanya ay si Marcello. Nakangiting nagsabi si Marcello, "May problema ba?" Pagkatapos, sinenyasan niya siya at nagsabing, "Tara, lumipat tayo ng lugar." Pagkatapos, naglakad siya nang diretso habang nakasunod si James sa likuran niya. Sa gabay niya, nagpatuloy sila papasok ng Bane City at dumating sa isang napakagandang bahay. Kasalukuyang magulo ang Bane City ngayon. Kasunod ng pagdating ng Outsiders, halos lahat ay nagtipon sa Bane City. Dahil dito, mahirap makakuha ng pribadong titirahan rito. Ang pagmamay-ari
Masyadong malaki ang pagkakaiba ng lakas sa pagitan niya at ni Jace. Sa sandaling iyon, nasa Herculean rank lang siya. Sa itaas ng Herculean rank ay ang Immortal Ascension rank na may siyam na hakbang na aakyatan. Para marating ang Mage Rank, kailangan niyang maakyat ang lahat sa siyam na hakbang ng Immortal Ascension rank. Masyadong mahina ang ranggo ni James. Ngumiti si Marcello at nagsabing, "Ang totoo, malakas ka rin. Hindi ka pa talaga masyadong nagcultivate, samantalang si Jace, nagcucultivate na siya simula pagkabata. At saka, mayroon siyang napakagaling na master na nagbibigay sa kanya ng gabay." Isinantabi ni James ang mga nasa isipan niya. Nagtanong si Marcello, "Siya nga pala, bakit mo ko hinanap?" Sabi ni James, "Ganito kasi yun. Nagkaroon ng krisis sa Earth dahil sa natural na kalamidad na dinala ng First Calamity, at kasalukuyang kaming nagkukulang sa pagkain. Base sa kalkulasyon ko, kakailanganin ng Earth ng sampung taon bago maging isang cultivation wor
Alam ni James na tiyak na may paraan si Marcello, at tama siya. Pagkatapos matanggap ang napakahalagang Netherpearl mula sa Demonic Race, umalis siya ng Bane City. Ngayon, kailangan niyang pumunta kaagad sa Sealed Realms at makakuha ng sapat na pagkain para makaligtas ang mga tao sa Earth. Pumasok siya sa isang gubat malapit sa Mount Bane at tumayo sa isang punong isandaang metro ang taas habang nakatingin sa langit. Naroon pa rin ang bitak sa langit. Alam ni James na ito ang daan papunta sa Sealed Realms. Kapag pumasok siya sa bitak, makakapasok siya sa Sealed Realms. "Ano kayang itsura ng Sealed Realms." Interesado siya. Habang hawak ang Netherpearl, gumamit siya ng Demonic Energy at pinasok ito sa perlas. Sa sandaling iyon, naging itim ang perlas at nakaramdam siya ng koneksyon dito. Ang Netherpearl ay parang isang high-end mobile gadget kung saan marami siyang nakikitang gamit nito. May kung ano-anong impormasyon rin ang nakatala sa loob ng perlas. Ito ang im
Dumating ang gabi sa Land of Tabal habang inilawan ng mga bituin ang madilim na langit. Pagkatapos umalis ni James ng canyon, pumasok siya sa isang gubat. Dahil hindi naman siya nagmamadali ngayon, huminto siya at gumawa ng siga bago nagpahinga. Dahil kaunti lang ang alam niya sa mundong ito, nagpasya siyang wag maglakbay sa dilim at plinano ang susunod niyang gagawin bukas nang umaga. Sa gubat, nakahuli siya ng isang hayop at niluto ang laman nito sa siga. Nakakapaglaway ang amoy ng karne. Habang nakatingin sa karneng nasa harapan niya, dinilaan ni James ni ang mga labi niya sa tuwa. Pagkatapos itong amuyin, kinagatan niya ang inihaw na karne. Kaagad na lumipad sa ere ang nakakatakam na amoy ng karne. Nang nasa gitna siya nang pagkain… Klank! Naririnig ang tunog ng isang labanan sa malayo. Pagkatapos, nakarinig siya ng tunog ng mga nagmamadaling yabag. Kumunot ang noo ni James. Kaagad siyang lumitaw sa tuktok ng isang puno sa isang kurap at tinignan ang palig
Medyo kani-kanina pa nanonood si James mula sa malaking puno. Hindi naman masyadong malakas ang mga cultivator na naka-itim na balabal. Base sa aura nila, nasa Seventh o Eight Inner Gate lang sila. Kapag naharap siya sa mga ganitong lebel, kayang-kaya niya silang patayin. Iyon ang dahilan kung bakit siya nagtangkang ipakita ang sarili niya. Tumayo siya sa harapan ng ilang mga gwardya habang nakatingin sa taong naka-itim na balabal at nakasuot ng pulang maskara, sabay simpleng nagsabi, "Sinusubukan mong patayin ang bawat isa sa kanila. Hindi ba masyado namang malupit yun?" "Problema ito ng Dark Keep. Gusto mo bang maging kalaban ng Dark Keep?" nagsalita ulit ang cultivator na nakapulang maskara. Hindi niya matukoy kung gaano kalakas si James kaya binanggit niya ang grupong pinanggalingan niya sa pag-asang matakot si James. Gayunpaman, nagkamali siya. Hindi mula sa mundong ito si James, nagmula siya sa Earth, sa labas nito. Hindi pa niya naririnig itong tinatawag nilang Dark Ke
Lumuhod si James, tumingin siya sa kanya, at nagsabing, "Mukha itong isang sobrang nakamamatay na klase ng lason. Kung hindi ito matatanggal kaagad, maaari kang mamatay maya-maya lang. Kung magtitiwala ka sa akin, kaya kitang iligtas." Nakangiwi sa sakit ang mukha ni Laelia. Hinahabol siya para patayin, at ang mga gwardyang kasama niya ay namatay sa labanan. Wala na siyang tatakbuhan ngayon. Sa ngayon, ang tanging masasandalan niya ay si James, isang estranghero para sa kanya. Mahina siyang tumango. Pagkatapos makuha ang permiso niya, kinuha ni James ang kamay niya at hinawakan ang pulso niya. Kasunod nito, ngumiti siya at nagsabing, "Simple lang tanggalin ang lason."Kakaiba ang katawan ni James. May kakayahan siyang higupin ang kahit na anong pwersa at gawin itong sarili niyang enerhiya. Sobrang nakakasakit ang lason para sa katawan ni Laelia, pero para kay James, wala lang ito. Habang hawak ang kamay ni Laelia, ginamit niya ang True Energy niya para sapilitang higupin ang