Sobrang lakas ng aura ni James at napaatras si Magnus. Pinunasan niya ang dugo sa mga labi niya, nagdilim ang mukha at tinitigan ng masama si James.“Anong nangyari bigla? Bakit lumakas ang aura niya sa loob ng maikling panahon?”Natulala si Magnus.Masyadong malakas ang aura ni James. Habang nakatayo siya sa ere, mahiwagang Empyrean Spiritual Energy ang naipon sa tabi niya at lumikha ng malakas na espasyo.“Sapagkat gusto mo mamatay, hindi ako magpipigil.”Matapos ang gulat, inayos ni Magnus ang sarili niya. Alam niya na mas mababa ang rank ni James kumpara sa kanya, at marahil may ginamit na sikretong art. Base sa pagkakaintindi niya, ang mga sikretong art ay nagbibigay ng lakas pero hindi nagtatagal. Kaya, ang kasalukuyan na lakas ni James ay pansamantala lang.“Argh!”Matapos sumigaw, lumipad siya sa ere at naglabas ng malakas na aura. Inilabas niya ang espada niya, at makapangyarihan na Sword Energy ang sumugod kay James.“Hmph!”Ngumisi si James.Pagkatapos, itinaas niya ang paa
“Hindi niya tayo binigo.”Matapos makita ang eksena, napangiti si Marcello at bumulong, “Ano kayang cultivation method ityon. Sinong magaakala na mapapalakas ng husto ni James ang sarili niya ng sobra sa loob ng maiksing oras.”Natulala ang lahat. Sa kasalukuyan, nakatitig lang sila kay James.Bumaba si James mula sa ere at tumayo sa sahig. Pagkatapos, inalis niya ang Sacrilegious Ascension, at ang vertebrae na nalikha gamit ang lakas ng heaven at earth ay naglaho. Habang unti-unting nawawala ang lakas niya, nahiga siya sa sahig, nasa bingit na siya ng kamatayan.Nagmamadali na lumapit si Thea at tinulungan siyang tumayo.Nagsalita si James, “O-Okay lang ako… Hayaan mo lang ako magpahinga.”Habang nakahiga siya sa sahig, ginamit niya ang Demonic Energy at pinabilis ang paghilom niya.Pagkatapos, nilapitan siya ng mga tagalupa at mga Outsider.Lumapit si Marcello kay James na maputla ang mukha at nasa bingit ng kamatayan, at nagtanong, “Okay ka lang ba, James?”Ngumiti ng kaunti si Jame
Natulala ang lahat sa lakas na ipinamalas ni James, kabilang na si Marcello. Sa opinyon niya, kaya makipagkumpitensiya ni James para sa providence na dulot ng First Calamity kung tataas pa ang rank niya.Pero hindi ngayon. Kahit na napatay ni James si Magnus, malayo pa ang agwat ng lakas niya mula sa mga tunay na makapangyarihan na mga outsider. Samantalang si James, ngumiti lang ng kaunti.Providence?Naisip na niya ito noon. Bukod pa doon, inutusan siya ng custodian na kunin para sa sarili niya ang providence.Ngunit, alam niyang kulang pa ang lakas niya. Kahit na nacultivate niya ang Sacrilegious Ascension, hindi ito magiging sapat para makuha mag-isa ang providence. Ngayon, ang kailangan niyang gawin ay magcultivate ng husto at pataasin ang rank niya sa lalong madaling panahon.“Magpahinga ka ng mabuti, aalis na ako.”Pagkatapos, umalis si Marcello kasama ang grupo niya.Umalis ng unti-unti ang mga Outsider.Hindi nagtagal, ang naiwan ay mga tagalupa.Naupo si James sa sahig at gi
Sa ilalim ng proteksyon ng Black Dragon Army, ligtas ang Wyrmstead. Bukod pa dito, para sa paghahanda sa apocalypse, maraming paghahanda na ginawa ang Wyrmstead. Kaya, ito ang bansa na may pinakakaunting nasawi simula ng maganap ang First Calamity.Sa kasalukuyan, may problema sa pagkain at kahirapan sa buong mundo. Ang mga bansa na may kakaunting reserba na pagkain ay malapit na magcollapse sapagkat ang mga tao doon ay nagsimula ng kumilos mag-isa at nauwi sa pagiging bayolente sa kapwa. Maraming bansa ang walang nagawa kung hindi patayin ang mga gumagawa ng gulo.Naging magulo sa buong mundo.Maliban sa Wyrmstead, may mga bansa na nanatiling payapa, kabilang ang Sol, Japura, Tacriyrus, Lothian at iba pa.Habang pabalik sa Wyrmstead, ipinaliwanag ni Thea kay James ang sitwasyon.Matapos dumating sa Wyrmstead, dumiretso sila sa palasyo.Hinawakan ni Thea ang kamay ni James at sinabi, “Sa nakalipas na mga taon, ang mga bansa tulad ng Sol, Wyrmstead, Japura, Tacriyrus at Lothian ay kumuk
Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa desisyon ni James na magpadala ng tulong sa buong mundo.Sa martial Art Forum…“Binabalak ni James na hatian ng reserbang pagkain ng Wyrmstead ang ibang maliliit na nasyon para maligtas sila.”“Ano pa ang halaga? Mamamatay din naman ang mga ito. Itago na lang natin ang pagkain para sa sarili natin.”“Tama, para saan pa? Wala naman tatagal dahil sa apocalypse na ito.”Marami ang nagdiskusyon.Hindi nagtagal, kumalat na ang balita sa buong mundo.“Napakasarap tumira sa Wyrmstead…”“Noong nagsisimula pa lang ang Wyrmstead ilang taon na ang nakararaan, inimbitahan nila ang mga tao para mag migrate doon. Kung alam ko lang na magaganap ang apocalypse, matagal na akong lumipat doon.”“Kaso sayang naman… imposible na mag migrate doon.”Sapagkat Wyrmstead ang pinakaligtas na bansa sa Earth, maraming gusto na lumipat doon.Kasabay nito, maraming pangunahin na awtoridad ng Wyrmstead ang nagtipon sa Wyrmstead Palace.Nababalisang sinabi ni Quincy, “Hindi it
Dumilat si Callan na nakaupo nang naka-lotus position sa lapag. Nang nakita niya si James, masaya siyang ngumiti at nagsabing, "James, akala ko bumalik ka na sa Wyrmstead. Bakit ka bumalik sa Mount Bane?" Tumingin si James sa kanya at nagsabing, "Nababalot ka ng Spiritual Energy nang nagcucultivate ka. Nahanap mo na siguro ang cultivation method mo." "Oo." Bumuntong-hininga si Callan at nagsabing, "Maraming taon na ang nagdaan. Sa wakas, nahanap ko na ang sarili kong landas. Naaalala ko noong isa ka lang bata sa mga mata ko. Pero sa loob lang ng ilang taon, nagawa mong maging sobrang lakas, habang wala akong pinagbago. Sa wakas, nahanap ko na ang sarili kong landas at nakarating na ako sa ninth rank." Nakangiting nagsabi si James, "Mabuti at nakarating ka na sa ninth rank. Tandaan mo, isa-isang hakbang lang. Kahit na nagbago na ang paligid, marami itong maitutulong sa mga martial artist at cultivators sa kabuuan. Kahit papaano marami na tayong Empyrean Spiritual Energy ngayon.
Nabigla si James sa katotohanang babae pala si Marcello. Nang una niya siyang nakita, natulala siya sa kagandahan niya. Sa sandaling iyon, naalala niyang tinanong niya ang sarili niya kung paanong nagkaroon ng ganito kagandang lalaki sa mundo. Gayunpaman, hindi niya masyadong inisip ang tungkol dito. Sa sandaling iyon, nagulat lang siyang malamang isa siyang babae. Sa kabila nito, hindi mahalaga sa kanya ngayon ang kasarian niya. Ang tanging taong makakatulong sa kanya ay si Marcello. Nakangiting nagsabi si Marcello, "May problema ba?" Pagkatapos, sinenyasan niya siya at nagsabing, "Tara, lumipat tayo ng lugar." Pagkatapos, naglakad siya nang diretso habang nakasunod si James sa likuran niya. Sa gabay niya, nagpatuloy sila papasok ng Bane City at dumating sa isang napakagandang bahay. Kasalukuyang magulo ang Bane City ngayon. Kasunod ng pagdating ng Outsiders, halos lahat ay nagtipon sa Bane City. Dahil dito, mahirap makakuha ng pribadong titirahan rito. Ang pagmamay-ari
Masyadong malaki ang pagkakaiba ng lakas sa pagitan niya at ni Jace. Sa sandaling iyon, nasa Herculean rank lang siya. Sa itaas ng Herculean rank ay ang Immortal Ascension rank na may siyam na hakbang na aakyatan. Para marating ang Mage Rank, kailangan niyang maakyat ang lahat sa siyam na hakbang ng Immortal Ascension rank. Masyadong mahina ang ranggo ni James. Ngumiti si Marcello at nagsabing, "Ang totoo, malakas ka rin. Hindi ka pa talaga masyadong nagcultivate, samantalang si Jace, nagcucultivate na siya simula pagkabata. At saka, mayroon siyang napakagaling na master na nagbibigay sa kanya ng gabay." Isinantabi ni James ang mga nasa isipan niya. Nagtanong si Marcello, "Siya nga pala, bakit mo ko hinanap?" Sabi ni James, "Ganito kasi yun. Nagkaroon ng krisis sa Earth dahil sa natural na kalamidad na dinala ng First Calamity, at kasalukuyang kaming nagkukulang sa pagkain. Base sa kalkulasyon ko, kakailanganin ng Earth ng sampung taon bago maging isang cultivation wor