Kabanata 2100
Bumuntong-hininga si James.

Kahit na umpisa pa lang ito, natakot siya sa susunod na mangyayari nang dahil sa tindi ng sitwasyon.

Tahimik na lumipas ang gabi.

Sa sumunod na araw, nakatayo si James sa gates ng Wyrmstead Palace.

Pumapatak pa rin ang itim na ulan mula sa langit habang napuno ng malabong tubig ang mga lubak sa lapag. Medyo nakikita ni James ang itim na aura na nagmula sa tubig, na lumipad sa langit at nanatili lang doon.

Napuno ng katahimikan ang ere.

Habang nakatayo sa gates, tumitig si James sa tubig sa lapag at sa madilim na ulap sa malayo. Malinaw niyang nararamdamang umayon ang itim na aura sa katawan niya.

Hinigop ng balat niya ang madilim na aura na nanatili sa ere habang dahan-dahang lumakas ang katawan niya.

Alam niyang makakatulong ito sa kanya. Gayunpaman, nakamamatay ito para sa mga tao. Hindi lahat ng tao ay may demonic na katawan kagaya niya na kayang lumakas sa pamamagitan ng paghigop ng kahit na ano.

"Anong iniisip mo, Darling?"

Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP