Base sa usapan nila, alam agad ni Cody na hindi buo ang tiwala ni James sa kanya.Ngumiti siya at sinabi, “Sa totoo lang, wala akong masama na intensyon. Ang alam ko lang ay ang asawa mo ang pinakamalakas sa Earth at kaya tumalo ng Herculean. Ngunit, umaagaw lang ng atensyon ang lakas niya. Bukod pa doon, may mga mahigpit na utos mula sa mga orthodox factions sa ilang mga Sealed Realm na patayin ang lahat ng may Spiritual Root sa Earth.”“Pero bakit?” nagtataka na nagtanong si James. “Bakit nila ito gustong gawin?”Ipinaliwanag ni Cody, “Sapagkat sila ang mga kumalaban sa mga traydor ng Earth noon. Nag-aalala sila na baka maging balakid sa kanila sa hinaharap ang mga may Supreme Spiritual Root.”May kaunting nalalaman si James sa kasaysayan ng Earth. Ngunit, kahit si Mercello na mula ng Demonic Realm ay hindi alam ang mga detalye. Naniniwala siya na wala din masyadong alam si Cody, kaya hindi na siya nagtanong pa.Nagsalita si Cody, “Dapat ka mag-ingat, at balaan mo ang asawa mo na hin
Sapagkat kakarating lang din ni Cody sa Earth, wala pa siyang oras para imbestigahan ang mga cultivator sa ibang Sealed Realm.“Paano naman ang mundo mo?” tanong ni James.“Ang ibig mo ba sabihin ay ang Ethos Realm?” ngumiti si Cody, “Makukunsidera ko na maalam ko sa mga nangyayari sa Ethos Realm.”Tahimik na nakinig si James.Ipinaliwanag ni Cody, “Sinabi sa akin ng Master ko na ang mga mas bata sa isang daang taong gulang ay maaaring makipagkumpitensiya para sa providence na magpapakita sa Earth. Ang ibig sabihin nito ay ang mga cultivator dito ay ganoon lamang kabata.“Sa Ethos Realm, ang pinakamalakas sa lahat ng mga bata ay…”Matapos mag-isip, sumagot siya, “Nasa Mage Rank siya ngayon at nacultivate na ang kanyang Yogacara.Matapos ito marinig, natulala si James.Mage Rank? Ganito ba nakakatakot ang mga Outsider?Para maabot ang Mage Rank, kailangan niya tumawid sa Supernatural Eight Inner Gate, ang Herculean Six Layers, at Immortal Ascension’s Nine Stairs.Sa kasalukuyan, nasa ru
Tumango si James at sinabi, “Sa oras na nakarating ako, nakuha na ang Celestial Abode ng iba. Hindi ko rin alam kung nasaan na ito.”“Ganoon ba?” Nagdududang tinignan ni Marcello si James at sinabi, “Base sa imbestigasyon ko napunta sa iba ang Celestial Abode sa oras na napatay mo ang Son of Heaven. Huwag mong sabihin na nagkataon lang ito?”Sinulyapan siya ni James at sinabi, “Bakit? Sa tingin mo nasa akin ang Celestial Abode?”Nagsalita si Marcello, “Bakit ka defensive? Hindi mo ako kalaban. Kahit na nasayo ang Celestial Abode, babatiin lag kita.”“Wala sa akin.”Umiling-iling si James. Kailangan niya maging alerto lagi.“Gayunpaman, huwag na natin ito pag-usapan.” Pinalitan ni Macello ang topic at sinabi, “Narinig ko na si Magnus Quinton, ang senior ng Son of Heaven ay hinamon ka sa isang duwelo. Balak mo ba siyang harapin?”Naging malagim ang itsura ni James matapos ito marinig. Matapos ang ilang sandali, tumango siya at sinabi, “Wala akong magagawa. Kung ang pupuntiryahin ni Magnu
Matapos makilala si Cody at Marcello, alam na ngayon ni James na mas maraming mga Outisder ang dumating sa Earth. Ang ilan sa kanila ay umabot na sa Mage rank. Kapag kaharap ang ganitong mga kalaban, mamamatay siya sa isang iglap kahit na gaano kalakas ang pisikal na katawan niya. Kung isasantabi niya ang mga Mage Rank, hindi rin niya magagawang matalo ang isang Magnus.Habang mabigat ang puso niya, pumasok siya sa gubat na napapalibutan ng Mount Bane. Pagkatapos, nakahanap siya ng tagong lugar at pumasok sa Celestial Abode.Matapos pumasok sa Celestial Abode, nagmadali siyang pumasok sa main building para hanapin ang Spirit Tool.“Spirit Tool, nasaan si Sophie?” tanong niya.Nagsalita ang Spirit Tool, “Kasalukuyan niyang tinetrain ang army na isinama mo dito.”“Bakit hindi ko maramdaman ang presensiya niya?”“Sapagkat mahina ka. Kahit na ikaw ang nagmamayari sa Celestial Abode, pero maraming mga lugar na hindi mo nararamdaman ang laman. Iba si Sophie. Kahit na hindi siya ang master ng
“Huh?”Tinignan siya nina James at Sophie.Nagpatuloy ang Spirit Tool, “Matagal na panahon na ang nakararaan, nanalo sa pustahan si Emperor Jabari sa isang Grand Patriarch mula sa Divine Ape Race at nakakuha ng makapangyarihan na cultivation method. Matapos ito icultivate, nakatanggap siya ng malakas na kapangyarihan.”“Sacrilegious Ascension?” gulat na sagot ni Sophie at nagtanong siya, “Ang tinutukoy mo ba ay ang Sacrilegious Ascension?”Sumagot ang Spirit Tool habang nakangiti, “Oo.”Natanga si James. Hindi niya maintindihan kung ano ang Sacrilegious Ascension.Tinignan niya si Sophie at nagtnaong, “Sophie, ano ang Sacrilegious Ascension?”“Hindi mo macucultivate ang Sacrilegious Ascension sa limitado mo na oras. Bakit hindi mo hilingin sa Magus na ipagpaliban ng isang buwan ang laban? Magkakaroon ka ng sapat na oras sa pagkakataon na iyon.”“Sa bawat araw na lumilipas sa mundo sa labas, tatlong buwan ang lilipas sa Time Chamber. Ang ibig sabihin nito, ang isang buwan sa labas ay si
Nagawa ni James na masecure ang isang buwan ng cultivation sa loob ng Time Chamber, na ang katumbas ay pito at kalahating taon sa mundo sa labas.Matapos masiguro ang pangako ni Magnus, nilisan ni James ang Bane City at pumasok sa Mount Bane. Matapos makahanap ng tagong lugar, sinuri niya ang paligid niya para masiguro na walang sumusunod sa kanya, inalis niya ang singsing mula sa daliri niya.Pagkatapos, inihagis niya ito sa sahig, naging bahay na kasing laki ng kamao.Sa isang iglap, naglaho siya at pumasok sa Celestial Abode.Matapos pumasok sa Celestial Abode, lumiit muli ang bahay at itinago ang sarili nito sa ilalim ng lupa. Kahit ang mga dumadaan lang ay hindi madidiskubre ang Celestial Abode.Agad na tumungo si James sa City Lord’s Mansion at hinanap si Sophie.“Kumusta?” tinignan ni Sophie si James at nagtanong, “Pumayag ba si Magnus na ipagpaliban ang laban?”“Mhm.” Tumango si James at sinabi, “Oo, pumayag siya.”“Mabuti. Sundan mo ako.”Pumasok si James at Sophie sa Time Cha
“Nagsalita si Sophie, “Bibigyan kita ng tatlong taon para macultivate mo ang pisikal na katawan mo at mapataas ang rank mo. Para sa natitira mo na oras dito, icucultivate mo ang Sacrilegious Ascension.”“Sige.” Tumango si James.Makapangyarihan si Sophie, kaya sinunod niya ang kagustuhan niya,“Magsimula ka na. Ikukuha kita ng mga spiritual berry.”Matapos magsalita, tumalikod siya para umalis.Samantala, si James ay nakaupo ng lotus position sa sahig at nagsimula na magcultivate. Habang ginagamit ang cultivation method niya, naipon sa isang lugar ang Empyrean Spiritual Energy ng Celestial Abode. Pagkatapos, pumasok ito sa katawan niya at narefine para maging pinakapuro na klase ng enerhiya.Hindi nagtagal, bumalik si Sophie dala ang maraming berry na nagtataglay ng Empyrean Spiritual Energy. Ang bawat isa ay higit sa silver na berry ni James.Sa salita ni Sophie, ang mga berry na ito ay makukunsiderang fifth-rank na mga berry, tama lang para kay James.Natutunan din ni James na may ra
Nagawa ni Sophie na taasan ang spatial pressure sa Time Chamber. Kahit na si James ay isang Herculean at may matinding pisikal na lakas, hindi niya nakayanan ang pressure. Ang kanyang katawan ay maaaring awtomatikong bumangon nang mag-isa, ngunit sinasadya niyang pinigilan ang Demonic Energy sa loob niya upang pigilan itong pagalingin ang kanyang katawan. Gusto niyang gamitin ang Novenary Golden Body Siddhi para mapangalagaan ang kanyang katawan. Kaya, sa isang banda, pinigilan niya ang kanyang Demonic Energy, at na-catalyze ang Novenary Golden Siddhi sa kabilang banda. Ang Empyrean Spiritual Energy ay pumasok sa kanyang katawan at umikot sa kanyang mga organo, pinagaling ang kanyang malubhang nasugatan na katawan. Habang gumaling ang kanyang mga sugat, tumaas din ang kanyang pisikal na lakas. Ito ay isang espesyalidad ng Novenary Golden Body Siddhi. Sa bawat oras na siya ay gumaling, ang kanyang pisikal na lakas ay tataas. Sa esensya, tataas lamang ang kanyang lakas hangga't hin