Bumuntong-hininga si James. Kahit na umpisa pa lang ito, natakot siya sa susunod na mangyayari nang dahil sa tindi ng sitwasyon. Tahimik na lumipas ang gabi. Sa sumunod na araw, nakatayo si James sa gates ng Wyrmstead Palace. Pumapatak pa rin ang itim na ulan mula sa langit habang napuno ng malabong tubig ang mga lubak sa lapag. Medyo nakikita ni James ang itim na aura na nagmula sa tubig, na lumipad sa langit at nanatili lang doon. Napuno ng katahimikan ang ere. Habang nakatayo sa gates, tumitig si James sa tubig sa lapag at sa madilim na ulap sa malayo. Malinaw niyang nararamdamang umayon ang itim na aura sa katawan niya. Hinigop ng balat niya ang madilim na aura na nanatili sa ere habang dahan-dahang lumakas ang katawan niya. Alam niyang makakatulong ito sa kanya. Gayunpaman, nakamamatay ito para sa mga tao. Hindi lahat ng tao ay may demonic na katawan kagaya niya na kayang lumakas sa pamamagitan ng paghigop ng kahit na ano. "Anong iniisip mo, Darling?"
Kinilabutan si James sa mga sinambit na salita ni Magnus. Sa oras na sinabi niya na junior niya ang Son of Heaven, agad na may naramdaman na masama si James. Naparito ang lalake na nasa harapan niya para maghiganti.Tinignan niya si Magnus at nanatiling tahimik.Habang kumpiyansa ang itsura, nagsalita si Magnus, “Ang Son of Heaven ay natalo sapagkat mahina siya. Maglaban tayo kung saan kayo naglaban.”Matapos magsalita, inilabas niya ang mga gauntlet niya at inihagis kay James.“Bibigyan kita ng isang buwan para maghanda. Maglalaban tayo hanggang sa kamatayan sa Mount Bane sa loob ng isang linggo.Palayo ng palayo ang boses ni Magnus matapos niya maglaho.Tinignan niya ang mga gauntlet na nasa kamay niya at mabigat sila.“Darling,” narinig niya ang boses ni Thea.Inayos ni James ang sarili niya at malagim na sinabi, “Ito ang senior ng Son of Heaven at ang pinakamalakas na disipulo ng Overworld. Napakalakas ng Son of Heaven, at matindi ang pinagdaanan ko para mapatay siya. Ngayon, hindi
“Marahil nakaratawid na siya sa Immortal Ascension rank.”“Totoo, habang humihina ang seal, napagalaman ko na ang mga dumadating na sa Earth ay atleast mga Immortal Ascension.”“May parating na providence na bababa dito sa Earth sa hinaharap. Kaya mabilis kami na tumungo dito.”Maraming nag-usap tungkol sa papalapit na labanan ni James at Magnus at ng providence na malapit na magpakita sa Earth. Ngunit, walang nakakaalam kung ano ang providence na ito.Sa oras na ito, nagpakita si James sa labas ng lungsod. Sapagkat alam niya na ang mga Outsider ay magtitipon dito, naparito siya para alamin ang lakas ni Magnus.Bago pa siya pumasok sa lungsod, napukaw ang atensyon ng marami dahil sa itsura niya.“Iyan si James.”“Bakit siya nandito?”“Naparito siya sa Bane City matapos ang hamon ni Magnus. Gusto na ba niyang mamatay?”…Marami ang tumuro kay James at nagbulungan.Sapagkat kilalang tao si James, halos lahat ng mga Outsider narinig na ang pangalan niya.Sa oras na ito, isang grupo ang pu
Nakikita ni Cody ang potensyal ni James. Bukod pa doon, sinabihan siya ng master niya na kaibiganin ang mga tagalupa bago siya pumunta dito.Ang Ethos Realm ang isa sa pinakamalakas na mundo sa tatlong libong mga Sealed Realm. Samantalang ang Overworld, ay hindi nararapat bigyan pansin.Sapagkat nagmula sila sa magkaibang mundo, magkaiba ang cultivation base nila. Sa totoo lang, ang lakas na ipinamalas ni James ay higit sa inaasahan ni Cody matapos niya tanggapin ang atake ni Hazel.Tinignan ni James si Cody at ngumiti.Sapagkat humingi siya ng tawad, hinayaan na lang niya ito.Tinignan ni Cody si Jame at nagtanong, “James, galit sa iyo ang Bane City. Anong dahilan at naparito ka? Sundin mo ang payo ko, lumayo ka sa Bane City. Hindi na ito ang lungsod na kilala mo noon.”Binalaan siya ni Cody.Noong nakasalubong niya si Cody sa gate, ang pangunahing plano ni James ay alamin ang lakas ni Magnus. Bukod pa doon, alam niyang malakas si Cody dahil kahit ang mga alalay niya ay kaya siyang pa
Base sa usapan nila, alam agad ni Cody na hindi buo ang tiwala ni James sa kanya.Ngumiti siya at sinabi, “Sa totoo lang, wala akong masama na intensyon. Ang alam ko lang ay ang asawa mo ang pinakamalakas sa Earth at kaya tumalo ng Herculean. Ngunit, umaagaw lang ng atensyon ang lakas niya. Bukod pa doon, may mga mahigpit na utos mula sa mga orthodox factions sa ilang mga Sealed Realm na patayin ang lahat ng may Spiritual Root sa Earth.”“Pero bakit?” nagtataka na nagtanong si James. “Bakit nila ito gustong gawin?”Ipinaliwanag ni Cody, “Sapagkat sila ang mga kumalaban sa mga traydor ng Earth noon. Nag-aalala sila na baka maging balakid sa kanila sa hinaharap ang mga may Supreme Spiritual Root.”May kaunting nalalaman si James sa kasaysayan ng Earth. Ngunit, kahit si Mercello na mula ng Demonic Realm ay hindi alam ang mga detalye. Naniniwala siya na wala din masyadong alam si Cody, kaya hindi na siya nagtanong pa.Nagsalita si Cody, “Dapat ka mag-ingat, at balaan mo ang asawa mo na hin
Sapagkat kakarating lang din ni Cody sa Earth, wala pa siyang oras para imbestigahan ang mga cultivator sa ibang Sealed Realm.“Paano naman ang mundo mo?” tanong ni James.“Ang ibig mo ba sabihin ay ang Ethos Realm?” ngumiti si Cody, “Makukunsidera ko na maalam ko sa mga nangyayari sa Ethos Realm.”Tahimik na nakinig si James.Ipinaliwanag ni Cody, “Sinabi sa akin ng Master ko na ang mga mas bata sa isang daang taong gulang ay maaaring makipagkumpitensiya para sa providence na magpapakita sa Earth. Ang ibig sabihin nito ay ang mga cultivator dito ay ganoon lamang kabata.“Sa Ethos Realm, ang pinakamalakas sa lahat ng mga bata ay…”Matapos mag-isip, sumagot siya, “Nasa Mage Rank siya ngayon at nacultivate na ang kanyang Yogacara.Matapos ito marinig, natulala si James.Mage Rank? Ganito ba nakakatakot ang mga Outsider?Para maabot ang Mage Rank, kailangan niya tumawid sa Supernatural Eight Inner Gate, ang Herculean Six Layers, at Immortal Ascension’s Nine Stairs.Sa kasalukuyan, nasa ru
Tumango si James at sinabi, “Sa oras na nakarating ako, nakuha na ang Celestial Abode ng iba. Hindi ko rin alam kung nasaan na ito.”“Ganoon ba?” Nagdududang tinignan ni Marcello si James at sinabi, “Base sa imbestigasyon ko napunta sa iba ang Celestial Abode sa oras na napatay mo ang Son of Heaven. Huwag mong sabihin na nagkataon lang ito?”Sinulyapan siya ni James at sinabi, “Bakit? Sa tingin mo nasa akin ang Celestial Abode?”Nagsalita si Marcello, “Bakit ka defensive? Hindi mo ako kalaban. Kahit na nasayo ang Celestial Abode, babatiin lag kita.”“Wala sa akin.”Umiling-iling si James. Kailangan niya maging alerto lagi.“Gayunpaman, huwag na natin ito pag-usapan.” Pinalitan ni Macello ang topic at sinabi, “Narinig ko na si Magnus Quinton, ang senior ng Son of Heaven ay hinamon ka sa isang duwelo. Balak mo ba siyang harapin?”Naging malagim ang itsura ni James matapos ito marinig. Matapos ang ilang sandali, tumango siya at sinabi, “Wala akong magagawa. Kung ang pupuntiryahin ni Magnu
Matapos makilala si Cody at Marcello, alam na ngayon ni James na mas maraming mga Outisder ang dumating sa Earth. Ang ilan sa kanila ay umabot na sa Mage rank. Kapag kaharap ang ganitong mga kalaban, mamamatay siya sa isang iglap kahit na gaano kalakas ang pisikal na katawan niya. Kung isasantabi niya ang mga Mage Rank, hindi rin niya magagawang matalo ang isang Magnus.Habang mabigat ang puso niya, pumasok siya sa gubat na napapalibutan ng Mount Bane. Pagkatapos, nakahanap siya ng tagong lugar at pumasok sa Celestial Abode.Matapos pumasok sa Celestial Abode, nagmadali siyang pumasok sa main building para hanapin ang Spirit Tool.“Spirit Tool, nasaan si Sophie?” tanong niya.Nagsalita ang Spirit Tool, “Kasalukuyan niyang tinetrain ang army na isinama mo dito.”“Bakit hindi ko maramdaman ang presensiya niya?”“Sapagkat mahina ka. Kahit na ikaw ang nagmamayari sa Celestial Abode, pero maraming mga lugar na hindi mo nararamdaman ang laman. Iba si Sophie. Kahit na hindi siya ang master ng