Mabilis na lumipas ang pitong araw.Ang balita tungkol sa laban ni James at ng Son of Heaven at mabilis na kumalat.Nagalit ang mga martial artist sa Earth dahil sa kilos na ginawa ni James.Sinisisi nila si James sapagkat isinugal niya ang buhay ng ibang tao sa pagiging pabaya niya.Lumipas ang pitong araw at dumating na para sa itinakdang araw ng laban ni James at ng Son of Heaven.Hindi mabilang na dami ng mga martial artist ang nagtipon sa tuktok ng Mount Bane. Ilang libong metro ang taas ng bundok at napalilibutan ng mga nagtataasan na bundok. Ang mga manonood ay mga martial artist ng Earth at mga Outisder, na humigit kumulang 200,000 tao.Isang lalake na nasa dalawampu ang edad ang nagpakita sa tuktok ng bundok.Nakasuot siya ng puti na robe at gintong belt habang may espada sa likod niya. Hindi pang mundo ang karisma na taglay niya.Siya ay walang iba kundi ang Son of Heaven.Sa oras na nagpakita ang Son of Heaven, nagsigawan ang mga Outsider sa mga manonood.“Song of Heaven! An
“Marahil takot si James magpakita. Ibig sabihin ang isa sa mga lungsod sa Earth at mabubura.”“Tsk, tsk! Isang lungsod ang mabubura, tama? Aling lungsod kaya ito. Ang suhestiyon ko ay ang capital ng Sol. Maraming magagandang babae doon.”Maraming mga Outsider ang nagtipon at nag-usap.Nakatayo sa tuktok ng bundok ang Son of Heaven.Sumayaw sa ere ang buhok niya sa malakas na hangin. Naghintay siya ng tahimik habang nasa likod niya ang espada.Napagtanto din niya na natakot si James magpakita.Kahit walang lakas ng loob si James magpakita, kumpiyansa siya na kaya niyang patayin si James. Okay lang siya basta maiwasan niya ang matinding atake ni James. Ang akala niya isa lang ang nakamamatay na atake ni James, ang martial skill na Cosmic Desturction.Kung wala ang Cosmic Destruction, isang mahinang nilalang lang si James.Nagtipon ang mga martial artist sa Earth sa isang malawak na lugar sa paanan ng bundok.Ang mga malalakas na tao sa Earth, tulad ng Omniscient Deity, Prince of Orchid M
Hindi mahalaga kay Tristen kung manalo o matalo ang Son of Heaven.Kung mananalo ang Son of Heaven at mabubura niya ang isa sa mga lungsod ng Earth, siguradong kakalabanin sila ng mga martial artist ng Earth. Perpektong oportunidad ito para ubusin ang mga martial artist ng Earth.Kung matatalo ang Son of Heaven, balak ni Tristen na kumilos mismo at patayin si James para ipaghiganti ang Son of Heaven. Magagalit din ang mga tagalupa kung ganito ang gagawin niya.Nakatayo si James sa isang malaking bato sa tuktok ng bundok. Nakasuot siya ng puti na robe at may dalang espada sa likod niya. Humaba ang buhok niya sapagkat wala siyang oras para gupitin ito.Ang itsura niya ngayon ay mukhang kabalyero na malakas ang paniniwala sa hustisya.Tinignan niya ang Son of Heaven at walang pakielam na sinabi, “Kumilos ka na, Son of Heaven.”“Tutuparin ko ang kagustuhan mo mamatay.”Malamig siyang tinignan ng Son of Heaven.Sa oras na ito, ginamit ng Son of Heaven ang True Energy niya, na dumaloy sa buo
Lalong lumakas ang kagustuhan ng Son of Heaven na patayin si James. Kahit gaano pa kalakas o katibay si James, isa lang ang ang katapusan ng laban na ito—ang kamatayan niya!Maraming mga Outsider at martial artist ng Earth ang nagtipon sa paligid ng bundok.Matapos magpalitan ng atake ng Son of Heaven at ni James, nagkagulo sila.“B-Bakit ang lakas ni James?”“Ang akala ko mapapatay siya ng Son of Heaven ng isang atake lang. Hindi ko inaasahan na mahaharangan niya ito at hindi magtatamo ng pinsala. Bukod pa doon, napaatras lang siya ng kaunti matapos magkasagupa ang mga espada nila.”“Iyan ang Son of Heaven na pinag-uusapan natin! Isa siyang Herculean Second Layer!”Maraming mga Outsider ang nagulat matapos makita ang palitan ng atake.Samantala, ang Omniscient Deity ay nakahinga ng maluwag matapos niya magawang harangan ang atake ng Son of Heaven. Habang nakangiti ng kaunti, nagsalita siya, “Ang bilis lumakas ng batang ito. Ilang taon pa lang ang lumipas, pero kaya na niyang makipagsa
Bumagsak si James sa gumuhong bundok at natabunan ng mga bato.“Patay na ba siya?”“Iyon ang signature skill ng pinakamalakas na taga Overworld, ang Four Seasons Sword Art. Unang atake sa buong technique pa lang ang ginamit ng Son of Heaven. Makapangyarihan ito. Siguradong patay na si James.”Nakumbinsi ang mga Overworld Outsider na patay na si James dahil kilalang sword technique sa Overworld ang Four Season Sword Art.Lumutang sa ere ang Son of Heaven. Sumayaw ang buhok niya at mukha siyang malakas.Tinignan niya ang gumuhong bundok sa ibaba niya.Kalmado ang mukha niya at kumpiyansa siya. Ang sword technique niya at signature martial art ng teacher niya. Mayroon itong apat na atake, ang bawat isa ay nagtataglay ng matinding lakas. Kahit ang kalaban niya na nasa mas mataas na rank ay maaaring hindi kayanin ang atake.Tinamaan si James ng atake na ito at siguradong namatay na.Kahit na malakas ang pisikal na katawan ni James, siguradong hindi siya makakaligtas ng buhay.“Patay na si J
"Matibay ka talaga, James. Gusto kong makita kung gaano karaming atake ang kaya mong saluhin." Tinaas ng Son of Heaven ang espada niya at kaagad na nagbago ang aura niya, na nagdala ng mainit na enerhiyang dumaan sa paligid. Unti-unting naging nagbabagang pula ang kulay ng long sword niya. Bigla na lang, isang kakaibang eksena ang lumitaw sa long sword niya. Isang nagbabagang araw ang nakikitang umiilaw sa lugar. Nang tumama ang apoy ng araw sa lapag, nasunog ito kaagad. "Ito ang second move ng Four Seasons Sword Art, ang Scorching Sun. Mahirap na ngang matutunan ang first move, natutunan pa niya talaga pati ang second move?" "Ang galing! Ang galing niya!" "Tiyak na mamamatay na si James ngayon." Nasasabik ang Overworld Outsiders. Nagulat din ang Outsiders mula sa magkakaibang mundo sa technique ng Son of Heaven. Habang nakatayo sa baba, naramdaman ni James ang init at mainit na hangin mula sa langit. Kung isa siyang pangkaraniwang martial artist, hindi kakayanin n
Napatunganga ang lahat. Malinaw na mas malakas ang pangalawang atake ng Son of Heaven kumpara sa una niyang atake. Pero kahit na ganun, kayang sirain ni James ang pangalang atake kahit na hindi niya naiwasan ang unang atake. Nagulat na naman ang mga Outsider sa lakas ni James. Sa kabilang banda, nasabik ang mga martial artist mula Earth. Magiging mas mapayapa ang buhay ng mga tao sa Earth sa hinaharap kung magpapakita ng matinding lakas si James. Kalmadong lumutang sa langit si James. Galit na galit ang mukha ng Son of Heaven. Hindi niya inaasahang masisira ni James ang second move ng Four Seasons Sword Art. "H*yop, minaliit kita. Haha…" Tumawa nang malakas ang Son of Heaven. Gayunpaman, walang saya sa tawa niya at mayroon itong masamang intensyon. "Tignan natin kung kakayanin mo ang third move ko!" Nagbago ulit ang enerhiya ng Son of Heaven. Tinaas niya ang espada niya at binunot ang espada niya. Isa na namang kakaibang eksena ang nakita sa long sword niya.
Masyadong malakas ang Son of Heaven. Kahit na patuloy na pinaliit ni James ang True Energy niya at may pambihirang pisikal na lakas, nahihirapan pa rin siyang labanan ang Son of Heaven na isang Second Layer Herculean. “Four Seasons Sword Art, Freezing Snow!”Sa sandaling iyon, isang galit na sigaw ang umalingawngaw sa langit. Galit na galit ang Son of Heaven. Nakaramdam siya nang matinding pagkapahiya nang hindi niya mapatay si James Paul tapos ng matinding labanan sa loob ng mahabang oras. Ginamit niya ang huling move ng Four Seasons Sword Art na siya ring pinakamalakas. Habang lumulutang sa ere, nagbago ulit ang aura niya. Pagkatapos nito, kaagad niyang winasiwas ang espada niya sa ere, at isang bugso ng malamig na hangin ang umihip na nagpayelo sa lahat ng nadaanan nito. Nagyelo kaagad ang bundok sa ilalim niya. Mabagal na nakakibo si James sa atake at naging yelo ang katawan niya sa isang iglap. "Oras na para mamatay ka, James!" Pagkatapos galing yelo si James,