Patay na ang Son of Heaven. Bumagsak sa lapag ang nahiwa niyang katawan na sumimbolo sa wakas ng buhay niya. May matinding prestihiyo ang Son of Heaven sa Overworld. Higit pa roon, inampon siya simula nang ipinanganak siya at tinuruan ng pinakamalalakas na tao sa Overworld. Lumaki siya nang may marangya at nagsanay ng malalakas na sword technique. Sa talento niya, magkakaroon siya ng magandang kinabukasan kung nanatili siyang buhay. Ngunit, patay na siya. Namatay siya sa Earth. Samantala, nagsasaya ang mga martial artist ng Earth. Pagkatapos pahirapan ng Outsiders nang matagal na panahon, sa wakas ay napaghiganti sila ni James. "Ang galing mo, James!" "Ang lakas ni James! Ikaw ang karangalan ng mga tao ng Earth!" Kasunod ng pagkamatay ng Son of Heaven, natuwa ang mga martial artist na nangmaliit kay James kanina at sumigaw sa galak. Sa malayo, may seryosong ekspresyon sina Tristen at ang iba pang Outsiders pagkatapos makita ang pagkamatay ng Son of Heaven. Alam
Sa isang iglap, lumitaw si Tristen sa harapan ni James. Bago nakakibo si James, tinamaan siya ng matinding lakas at tumalsik sa malayo. Bumagsak ang katawan niya sa isang bangin sa malayo. Boom!Kaagad na gumuho ang bangin at nalaglag ang katawan ni James sa mga bato. Nakakatakot ang lakas ng atake ni Tristen. Nasa Sixth Layer siya ng Herculean at isang hakbang na lang bago marating ang Immortal Ascension. Ang ranggo niya ay ilang layer na mas mataas kumpara sa Son of Heaven. Kung kaya't mas matimbang ang lakas niya kumpara kay James. Walang laban si James sa mga atake niya. Pagkatapos bumagsak sa mga bato, nahirapan siyang tumayo mula sa lapag. Umupo siya sa isang bato nang nababalot ng dugo. Tinitigan niya nang masama si Tristen na lumulutang sa malayo. "Wala ka bang dangal, Tristen? Bakit di ka tumupad sa pangako mo? Malinaw na pumayag ka sa laban ko sa Son of Heaven…" Bago siya makatapos sa pagsasalita, lumitaw ulit si Tristen sa harapan niya at nagbigay ng malak
Nabigla ang martial artists ng Earth na makita ang taong lumitaw sa langit. Ito ay walang iba kundi si Thea na naglaho nang maraming taon. Bago lumitaw sa earth ang mga Outsiders, hindi mas mahina si Thea kay James at baka bahagya pang mas malakas kaysa sa kanya. Gayunpaman, namuhay nang nakatago si James nang tatlong taon. Pagkatapos nito, nabuntis si Thea at naglaho pagkatapos manganak. Halos nakalimutan na siya ng martial artists ng Earth at nagulat silang makita siyang lumitaw ulit. Bago siya dumating, narinig ang boses niya sa buong lugar. "Sisirain ko ang pamilya ng mga taong nananakit kay James." Dominante ang tono niya. Bumaba si Thea mula sa langit at lumitaw sa harapan ng Malevolent Sword. Umalon ang puting bistida niya sa hangin. Napakaganda ng itsura niya at naglalabas siya ng aura na parang hindi galing sa mundong ito. "Sino ang babaeng to? Napakaganda niya." "Kasing ganda siya ng isang diyosa." Naakit ang Outsiders sa ganda ni Thea. Sa sandaling
Gayunpaman, hindi siya natatakot. Kahit na nasa First Layer pa lang siya ng Herculean, malakas ang Four-Quadrant Art na natutunan niya. Kapag ginamit niya ito, magigising niya ang kapangyarihan ng Four Holy Beasts. Hindi lang dodoble ang lakas niya, mas malakas pa roon nang ilang beses ang mararating niya. Nang nakita niya ang kalmadong ekspresyon ni Thea, pansamantalang isinantabi ni James ang pag-aalala niya at umatras mula sa laban. Nakatayo si Tristen at nakatitig nang masama kay Thea. Nagulat siya sa imahe sa itaas ng ulo niya. Sa sandaling iyon, palakas nang palakas ang enerhiyang nagmumula sa katawan niya. Bigla na lang, isang pangalawang malailusyong imahe ang lumitaw sa likuran niya. Ito ay ang qilin. Pagkatapos ng qilin, lumitaw din ang phoenix. Gayunpaman, paparating pa lang ang pinakanakakagulat na parte. Patuloy na lumakas ang enerhiya ni Thea. Sa wakas, lumitaw din ang dragon. Pinalibutan si Thea ng mga imahe ng Four Holy Beasts. Sa sandaling iyon,
“Ahh!!!”Sumigaw nang malakas si Tristan nang tumama ang espada sa kanya. Nanlaki ang kanyang hindi makapaniwalang mga mata. Pagkatapos, sumabog ang katawan niya at tuluyang naglaho. Hindi siya nag-iwan ng laman o buto. Daan-daang libong martial artists ang nakapalibot sa labanan. Natulala ang lahat. Halos iisa ang mga ekspresyon nila. Bakas sa mukha nila ang gulat at takot at nalaglag ang mga panga nila. Kinilabutan ang bawat isa sa kanila. Ang namatay ay si Tristen, isang malakas na taong pinahirapan ang napakaraming martial artists para makuha ang Hazted City. Higit pa roon, nakarating na siya sa Sixth Layer ng Herculean at isang hakbang na lang mula sa Immortal Ascension rank. Ngunit napakadali niyang napatay. Sino ang nakakatakot na babaeng ito? Nagulat din ang lahat ng martial artists ng Earth sa eksena. Paanong namatay nang ganito kadali si Tristen? Pagkatapos patayin si Tristen, itinabi ni Thea ang Malevolent Sword at itinago ang True Energy niya. Mahinhin s
Kumpara sa pagpatay ni James sa Son of Heaven, mas nakakagulat ang pagpatay ni Thea kay Tristen. Ngumiti si Thea at isa-isang binati ang mga taong ito. "Sige, tara na." Tumayo si James at nagsabing, "Pagkatapos ng pagkamatay ni Tristen, sigurado akong hindi gagawa ng kahit na ano ang Outsiders sa mga tao ng Earth. Gayunpaman, habang lumilipas ang oras, mas maraming malalakas na Outsiders ang lilitaw sa Earth. Mahaharap tayo sa mas malaking krisis sa hinaharap. Kaya umuwi na dapat ang lahat at magsanay nang maigi. Nakasalalay ang Earth sa inyong lahat para protektahan ito sa hinaharap." "Mhm, dapat umalis na kayo." Sabi ni Thea, "Napag-isa ako nang maraming taon at madami akong bagay na kailangang ayusin."Pagkatapos magsalita, hinila niya si James at umalis Umalis sina Thea at James ng Mount Bane sa ilalim ng hindi mabilang na mga titig. Umupo si James sa isang bato malapit sa bangin ng kabundukan ng Mount Bane at tumayo si Thea sa tabi niya. Kwinento ni James ang laha
Pagkatapos kinausap sandali ni James si Thea, naghiwalay muna ang dalawa pansamantala. Nagpunta si James sa Wyrmstead, habang nagpunta naman si Thea sa Lothian para dalhin si Winnie sa Cansington sa Sol. Balak niyang bumalik sa Wyrmstead, tignan ang pag-unlad ng bansa, at kausapin ang martial artists ng Earth kung paano lalabanan ang Outsiders sa Mount Bane at Hazted City. Pagkatapos ng mga bagay na ito, magkikita ang dalawa sa Cansington. Umalis si James ng Mount Bane. Pagkatapos ng kalahating araw, dumating siya sa Wyrmstead. Pagkatapos ng napakaraming taon, mabilis na umunlad ang Dragonville at naging isang modernong siyudad. Malaki ito at kayang bumuhay ng 300 milyong tao. Dagdag pa rito, para na siyudad ang itinayo sa paligid ng Dragonville. Ayon sa laki nito, 100 milyong tao ang pwedeng tumira sa bawat isang siyudad. Nang makabalik si James sa Wyrmstead, bumalik din si Delainey mula sa Mount Thunder Sect. Sa sandaling iyon, maraming tao ang nagtipon sa main ha
Tumango si Delainey at sinabing, “Aasikasuhin ko ‘to agad.”“Mhm.”May tiwala si James na gagawin ito ni Delainey.Higit pa dito, maraming mga Empyrean herb sa Celestial Abode at sa Time Chamber.May apat na taon pang natitira bago mabuksan ang seal. Sa loob ng apat na taon, siguradong makakagawa siya ng hukbo ng mga Herculean na sundalo.Walang makakatalo sa hukbo nila.“‘Yun lang. Makakaalis na kayong lahat.”Bahagyang kinumpas ni James ang kanyang kamay.Sunud-sunod na umalis ang lahat.…Nakaupo si James at ang Blithe King sa mga upuan sa likod ng palasyo.Ang nag-aalalang sinabi ng Blithe King, “Lalong naging mapanganib ang sitwasyon sa Earth sa nakalipas na ilang taon. Sa paglipas ng panahon, mas marami pang mga Outsider ang darating sa Earth. Kapag nagpatuloy ‘to, hindi magtatagal ay masisira ang Earth.”Ngumiti si James at sinabing, "Wala kang dapat ipag-alala. Anuman ang mangyari sa hinaharap, hahanap tayo ng paraan upang malampasan 'yun. Tumingin ang Blithe King