Kumpara sa pagpatay ni James sa Son of Heaven, mas nakakagulat ang pagpatay ni Thea kay Tristen. Ngumiti si Thea at isa-isang binati ang mga taong ito. "Sige, tara na." Tumayo si James at nagsabing, "Pagkatapos ng pagkamatay ni Tristen, sigurado akong hindi gagawa ng kahit na ano ang Outsiders sa mga tao ng Earth. Gayunpaman, habang lumilipas ang oras, mas maraming malalakas na Outsiders ang lilitaw sa Earth. Mahaharap tayo sa mas malaking krisis sa hinaharap. Kaya umuwi na dapat ang lahat at magsanay nang maigi. Nakasalalay ang Earth sa inyong lahat para protektahan ito sa hinaharap." "Mhm, dapat umalis na kayo." Sabi ni Thea, "Napag-isa ako nang maraming taon at madami akong bagay na kailangang ayusin."Pagkatapos magsalita, hinila niya si James at umalis Umalis sina Thea at James ng Mount Bane sa ilalim ng hindi mabilang na mga titig. Umupo si James sa isang bato malapit sa bangin ng kabundukan ng Mount Bane at tumayo si Thea sa tabi niya. Kwinento ni James ang laha
Pagkatapos kinausap sandali ni James si Thea, naghiwalay muna ang dalawa pansamantala. Nagpunta si James sa Wyrmstead, habang nagpunta naman si Thea sa Lothian para dalhin si Winnie sa Cansington sa Sol. Balak niyang bumalik sa Wyrmstead, tignan ang pag-unlad ng bansa, at kausapin ang martial artists ng Earth kung paano lalabanan ang Outsiders sa Mount Bane at Hazted City. Pagkatapos ng mga bagay na ito, magkikita ang dalawa sa Cansington. Umalis si James ng Mount Bane. Pagkatapos ng kalahating araw, dumating siya sa Wyrmstead. Pagkatapos ng napakaraming taon, mabilis na umunlad ang Dragonville at naging isang modernong siyudad. Malaki ito at kayang bumuhay ng 300 milyong tao. Dagdag pa rito, para na siyudad ang itinayo sa paligid ng Dragonville. Ayon sa laki nito, 100 milyong tao ang pwedeng tumira sa bawat isang siyudad. Nang makabalik si James sa Wyrmstead, bumalik din si Delainey mula sa Mount Thunder Sect. Sa sandaling iyon, maraming tao ang nagtipon sa main ha
Tumango si Delainey at sinabing, “Aasikasuhin ko ‘to agad.”“Mhm.”May tiwala si James na gagawin ito ni Delainey.Higit pa dito, maraming mga Empyrean herb sa Celestial Abode at sa Time Chamber.May apat na taon pang natitira bago mabuksan ang seal. Sa loob ng apat na taon, siguradong makakagawa siya ng hukbo ng mga Herculean na sundalo.Walang makakatalo sa hukbo nila.“‘Yun lang. Makakaalis na kayong lahat.”Bahagyang kinumpas ni James ang kanyang kamay.Sunud-sunod na umalis ang lahat.…Nakaupo si James at ang Blithe King sa mga upuan sa likod ng palasyo.Ang nag-aalalang sinabi ng Blithe King, “Lalong naging mapanganib ang sitwasyon sa Earth sa nakalipas na ilang taon. Sa paglipas ng panahon, mas marami pang mga Outsider ang darating sa Earth. Kapag nagpatuloy ‘to, hindi magtatagal ay masisira ang Earth.”Ngumiti si James at sinabing, "Wala kang dapat ipag-alala. Anuman ang mangyari sa hinaharap, hahanap tayo ng paraan upang malampasan 'yun. Tumingin ang Blithe King
"Ang Time Avenue's Inscription?" Natulala si James. Wala siyang ideya kung ano 'yun. Nang makita niya ang naguguluhang ekspresyon sa mukha ni James, nakangiting nagpaliwanag si Sophie. "Hindi mo pa kailangang malaman kung ano 'yun. Basta tumango ka at pumayag, titingnan ko ito, at walang mawawala sa'yo."Nag-aalala si James na baka may binabalak si Sophie laban sa kanya, ngunit nakahinga siya ng maluwag pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Sophie. Tumango siya at sinabing, "Sige, pumapayag ako."Tumawa si Sophie at sinabing, "Sige, kung ganun. Nangangako ako na tutulungan kitang magsanay ng isang napakalakas na hukbo!" Pagkatapos niyang magsalita, kumurap ang kanyang katawan, at naglaho. Hinawakan ni James ang kanyang ilong. Pinuri siya ng Blithe King at sinabi na, "Hindi ko inaakala na ikaw ang magiging master ng Celestial Abode, James."Ngumiti si James at sinabing, "Gamit ang Celestial Abode, hindi tayo mahihirapan na sanayin ang isang napakalakas na hukbo sa loob la
"Kaya pala naglaho yung Celestial Abode sa Mount Bane. Na'kay James na pala!" Tumingin si Delainey kay James ng may paghanga at nakangiting sinabi na, "Sa ngayon, hinuhulaan ng mga Outsider kung sino ang nakakuha sa Celestial Abode. Walang nakakaalam na ikaw ang nakakuha dito!" Ang sabi ni James, "Sunud-sunod ang pagdating ng isang daang libong sundalo, at aabutin ng ilang oras bago sila makarating sa Mt. Thunder Pass. Tara, ililibot ko muna kayo sa loob ng Celestial Abode." Kinumpas niya ang kanyang kamay, at sumulpot ang lagusan papasok sa Celestial Abode. Humakbang paharap si James at pumasok siya sa Celestial Abode. Sumunod sa likod niya ang tatlo. Pagkatapos nilang pumasok sa kagusan, sumulpot sila sa tuktok ng isang bundok. Napakalaki ng bundok at puno ito ng mga Empyrean fruit, na puro mga mabisang tonic. Pagkatapos nilang sumulpot sa tuktok ng bundok, naaamoy nila ang mabangong amoy ng mga Empyrean fruit. Higit pa dito, ilang beses na mas malakas ang Empyrean Spirit
Hindi inasahan ni James na kakailanganin niya ng 400,000 sundalo. Ang una niyang plano ay dalhin ang 100,000 sundalo na ito sa Time Chamber upang pabilisin ang kanilang cultivation. Ngayong kailangan nila ng dagdag na 300,000 na tao, hindi sila magkakasya lahat sa loob ng Time Chamber. "Ms. Sophie, gusto ko na magsanay ang mga sundalo sa loob ng Time Chamber. Ngayong nadagdagan tayo ng tatlong daang libong tao, posible ba na makapagsanay silang lahat dito?" Nilabas ni James ang mga saloobin niya. Ang nakangiting sinabi ni James, "Walang imposible. Nabasa ko ang Time Avenue's Inscription at medyo naintindihan ko ang ilang mga tuntunin. Pwede akong gumawa ng isang Time Formation. Kahit na hindi ko magagawang ayusin ang paglipas ng isang buwan sa loob ng formation na maging isang araw lang sa labas, kahit paano ay makakaya kong gawing ilang araw sa loob ng formation ang isang araw sa labas.""Medyo naintindihan?" Walang masabi si James. Sa di malamang dahilan, pakiramdam ni
Agad na naunawaan ni James ang kahulugan ng mga sinabi niya. Hindi niya siya dinamayan at ngumiti lamang siya. Pagkatapos, iniba niya ang usapan. "Hahanap ako ng paraan para makakuha ng sapat na pondo sa lalong madaling panahon. Kaunti na lang ang natitira nating oras at kailangan nating matapos agad ang pagtatatag sa Wyrmstead. Oo nga pala, kamusta ang mga food reserve natin?" Bumuntong-hininga si Quincy. Pagkatapos niyang ayusin ang mga emosyon niya, "Hinahanda pa namin ang lahat. Sa nakalipas na ilang taon, nakipagtulungan ang Wyrmstead sa Sol upang paigtingin ang agrikultura ng bansa. Sa panunumbalik ng Empyrean Spiritual Energy sa Earth, lumaki ng husto ang produksyon ng iba't ibang klaseng mga agricultural product. Sapat na ang kasalukuyang grain reserves ng bansa natin upang pakainin ang tatlong daang milyong tao sa loob ng sampung taon.""Hindi pa sapat 'yun. Kulang na kulang 'yun."Ang sabi ni James, "Pagkain ang pangunahing pangangailangan ng sangkatauhan upang mabuha
Pagkatapos niyang kumain ng hapunan, umalis na si Quincy. Hinawakan ni James ang kanyang pisngi na hinalikan ni Quincy at bumuntong-hininga. Pagkatapos, tumalikod siya at umalis. Sa mga sandaling iyon, kailangan niya ng pera upang masiguro na maging maayos ang konstruksyon ng Dragonville. Ngayon, wala nang halaga ang pera sa buong mundo. Kaya naman, maraming bansa ang nagsimulang gumamit ng ginto bilang bagong salapi nila. Naisip ni James ang tungkol sa kayamanan na binaon ni Blake Davis. Ang kayamanang ito ay ang mga kayamanang naipon ni Blake sa loob ng ilang dekada pagkatapos niyang bumuo ng isang organisasyon ng mga assassin. Dahil puro ginto ang kayamanang ito, tatagal pa ng ilang taon ang Dragonville kapag nakuha niya ang mga ito. Kaya naman, nakipagkita siya kay Blake at pinag-usapan nila ang ilang mga bagay. Nang marinig niya ang kahilingan ni James, agad na nagpadala ng tauhan si Blake upang hukayin ang kayamanan sa Sol. Pagkatapos nilang maayos ang tungkol dito